After 8 years...
"Luna" sigaw ni Pia ng makita niya ako na papalabas na ng airport.
Makalipas ang ilang taon, andito na ako ulit sa Pilipinas. Kahit puro usok ng polusyon dito namimiss ko parin ang bansang ito dahil dito ako lumaki at nandito ang mga taong importate sakin.
Tumakbo si Pia papunta sa akin halatang excited na excited sya. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Oh my god! andito kana ulit miss na miss na kita" she said and smile widely. "Lalo kang gumanda"
"Suss ikaw talaga, miss na miss na din kita sobra" nakangiti kong sabi.
"Welcome back Luna" sabi niya at iginiya niya ang kanyang mga kamay sa ere.
"Salamat"
"Tara na susurpresahin na natin sila" aya ni Pia.
Si Pia lang ang nakala-alam tungkol sa pag-uwi ko dahil pag pinaalam ko kay Lola magagalit lang siya. Ayaw niya akong pauwiin kaya ngayon hindi ko pinaalam sa kanya. Bahala siya basta wala na siyang magagawa dahil andito na ako sa Pilipinas.
Sumakay ako sa BMW 7 series car ni Pia. Ang sabi niya renegalo daw to ng Daddy niya sa kanya when she passed the medical exam. And now she is training as a residency dermatologist.
Binaybay namin ni Pia ang daan patungong mansion. Excited na akong makita ulit silang lahat, how I miss them so much; it's been 8 years to see them again.
Nang malapit na kami sa mansion hindi na ako mapakali saking inuupuan, kinakabahan ako at the same time masaya. Kinakabahan ako dahil ano kaya ang gagawin o reaksyon ni Lola pag nakita na niya ako. Magagalit kaya siya dahil hindi ako nagpaalam sa kanya at di ko sinunod ang kanyang gusto na uuwi lang ako kapag sinabi niya na pauuwiin na niya ako. At masaya ako dahil mayayakap ko na sila, ang mga taong importante sa akin at makikita ko na sila sa personal. I can't wait to see them again.
Binuksan ng mga guard ang gate ng bumusina si Pia. Di nag tagal pinarada niya ang kotse sa parking lot sa loob ng mansion at sabay kaming bumaba.
"Mang Dino" tawag ni Pia sa may edad na lalake na naglilinis ng kotse.
Lumapit naman siya agad sa amin. "Bakit po ma'am?" tanong niya. Bago siguro syang driver dito dahil hindi ko sya kilala.
"Pakikuha po ng mga gamit ni Luna na nasa loob ng kotse at paki-pasok na lang po sa loob ng bahay" utos ni Pia sa lalake.
Tumango naman ang may edad na lalake. "Sige po ma'am".
"Salamat po, by the way, si Luna po cousin ko" pakilala niya sa akin.
Ngumiti naman ako. "Hello po"
"Hello po ma'am" ngumiti naman sya sa akin.
"Sige po manong, una na po kami" paalam ni Pia.
"Bagong driver ba sya dito?" maya maya'y tanong niya habang papasok sila sa loob ng mansyon.
"Oo, sya ang pinalit kay Mang Isko nong umalis siya bilang driver dahil umuwi siya sa kanilang probinsya, mag a-apat na taon na si Mang Dino rito" imporma niya sa akin.
Di'na ako sumagot dahil kinakabahan na talaga ako nang pumasok na kami sa loob ng mansyon.
"Hello everyone!" masayang bati ni Pia habang ako ay nasa likuran lang niya kinakabahan ako baka makita agad ako ni Lola.
"Hello ate" bati ni Bella at Vanna kay Pia. Mabuti na lang si Bella at Vanna lang ang nasa sala.
"Ate Lunaaaa" sigaw nilang dalawa nang umalis ako sa likuran ni Pia. Nag-uunahan sila sa paglapit sa'kin.
Niyakap nila ako ng mahigpit na mahigpit, yumakap naman ako sa kanila. "Miss na miss na kita ate" naluluhang saad ni Vanna.
Kumulas ako kay Belle at hinawakan ko ang pisngi ng aking kapatid. How I miss my sister so much.
"Ikaw din miss na miss kana ni ate" naluluha ko ding sabi "Ang laki-laki mona, dalagang-dalaga kana, pasensya kana hindi nakadalo si ate sa 18th birthday mo"
Niyakap niya ulit ako. "Ok lang ate ang mahalaga andito kana ulit" napangiti na lang ako sa sinabi ng aking kapatid.
"Si Lola?" biglang tanong ni Pia.
"Wala po rito andon po sa friend niya" nakahinga naman ako sa sagot ni Bella.
"Si Daddy at si Nanay asan sila?" tanong ko.
"As usual po ate wala po dito si Daddy" sagot ni Vanna.
"Ganon pa rin ba sya katulad dati?" tanong ko at tumango naman si Vanna. Bumuntong hininga na lang ako. "Si Nanay?".
"Nag leave po sya ng isang buwan pinapauwi po kasi siya ng kanyang mga kapatid dahil matagal na panahon na raw na hindi sila nagkikita" nalulungkot naman ako sa balita ni Vanna sa'kin.
Si Nanay Edna ay isang matandang dalaga. Simula nong na heartbroken siya, hindi na siya ulit pumasok sa isang relasyon.
BUMYAHE kami ni Pia patungong Maynila. Napagdesisyon namin na don muna ako titira sa condo niya at napagdesisyon din namin na hindi mona ipapa-alam sa iba na andito na ako sa Pilipinas lalo na kay Lola.
"Kumusta na siya Pia?" tanong ko kay Pia magkatabi kami ngayon sa kanyang kama. Malaki naman ang kanyang kama kaya kasyang-kasya kaming dalawa. Alam kong alam niya kung sino ang tinutukoy ko.
"Matagal ko ng hindi alam eh kung asan na sila nakatira ngayon, wala na akong balita sa kanila basta ang alam ko nakulong si Gavin noon" napabalikwas naman ako sa narinig.
"A-ano? Bakit siya nakulong? Si Lola ba ang nagpakulong?" sunod-sunod kong tanong.
Bumangon si Pia at sumandal sa headboard ng kama bago nagsalita. "Diko alam Luna kung sino ang nagpakulong at kung bakit siya na kulong, nong time kasi noon nagbakasyon ako sa tita ko kaya hindi ko alam" mahabang paliwanag niya.
"Ba't di mo sinabi sa akin agad?"
"Pinag-babawalan kasi ako ni Lola na sabihin sayo ang tungkol kay Gavin"
Minsan lang kami ni Pia noon mag ka-communicate dahil busy ako lagi, trabaho at eskwelahan lang lagi ang lagi kong inaatupag doon. Habang nag-aaral ako don ay nag pa-part time ako dahil kulang lang pinapadala ni Lola sakin na allowance. At yong credit card na binigay ni Daddy sakin noon ay di'ko magamit dahil naka block kaya nag hanap talaga ako ng trabaho.
Hanggang sa nakatulog na si Pia sa pakipag-uusap sakin. Pero ako dilat na dilat parin ang aking dalawang mata, di ako makatulog sa kakaisip kung bakit si Gavin nakulong at kung nakalaya na ba sya ngayon. I'm so curious kung ano bang nangyari sa kanyang buhay sa nakalipas nitong walong taon.
____________
Ito lang muna sa ngayon dahil inaantok na talaga ako. Good night my readers💋
YOU ARE READING
FMS#1: Crossing Barrier's
RomanceAt the age of sixteen, Luna's young heart fell in love with Gavin, even though he was four years older than her. So when Gavin courted her, she answered immediately, but their relationship was a secret because Doña Elena, her grandmother against the...
