Day 39 - Later that Day

Start from the beginning
                                    

"Sorry, sorry," mabilis niyang sabi. "Gah! Uupakan ko talaga siya!"

Ngumiti ako kahit pa masakit ang mukha ko. "'Wag na, baby girl. Tama na 'yung ginawa ko sa mukha niya." Nakasimangot pa rin siya at mabilis ko siyang hinalikan. "It's all right. Gwapo pa rin naman ako di ba?"

"Wala namang mas gwapo pa sa 'yo," she said with a soft smile. Napangiti na rin ako pero nabura ang ngiting 'yun nang magsalita siya ulit. "Except si Dad, of course..."

"Well, okay, sige kasi—"

"Saka si David Gandy. I swear he's so hot."

Nagsalubong ang mga kilay ko.

"Saka, actually si Kuya Lex. Parang medyo mas gwapo siya—"

Tumili siya nang dambahin ko siya, dinaganan at kiniliti. "Gan'un ha!" banta ko. "Kaya pala kanina, pumapadyak ka pa para 'wag kitang iwan ah."

Tumatawa siyang pumihit sa ilalim ko. "Eh ikaw? Hinabol na kita kagabi. Ako naman ang habulin mo!"

"Iniwan mo pa rin kaya ako!"

"Sabi ko ipapahatid kita at ngayon tayo mag-uusap!" tili niya, sabay na hinahampas ang mga kamay ko at iniiwas ang sarili sa kanila. "Ikaw kaya, wala ka nang balak bumalik n'ung tinalikuran mo ako!"

"Meron nga eh! Magpapalamig lang ako ng ulo sana. Kaso tinawag mo ako. Montesines!" gaya ko sa tono niya kanina. "Ikaw lang! Tayo lang! Ano pa ba'ng gusto mong gawin ko? Aray ko!" tumatawa kong sigaw nang pilipitin na naman niya ang nipple ko. "Nakakarami ka na ha!" sabi ko sabay sapo sa dibdib niya para magbanta ng ganti.

Tumili siya ulit at namilipit palayo. Pareho kaming tumatawang nagmamadaling naupo nang may kumatok ulit.

"Pasok po," humihingal na sabi ni Meredith, namula ang mukha pero tumatawa pa rin.

Binuksan ni Tita Marianne ang pinto at nakangiti siyang sumilip. Nasa likuran niya si Tito Eman. Ay, sos! Buti hindi ako nahuling sapu-sapo ang di ko dapat sinasapo habang nand'un siya.

"Well, I'm glad you two are okay," sabi niya.

Nagkatinginan kami ni Meredith at nagngitian. "Opo," sabay naming sabi at lumapit sa kama si Tita para iabot sa 'kin ang isang T-shirt at sweatpants.

"Magbihis ka na muna, Ash. Para komportable ka. May kailangan ba kayong dalawa?"

Sabay rin kaming umiling ni Meredith.

"All right. Nasa baba lang kami."

"Dad," tawag ni Mere. "May mga naka-sched po ako."

"Don't worry about work. 'Yung assistant ko na lang daw niya ang bahala sa schedule ninyo. Ako nang bahala d'un sa ibang meetings mo. Ako na ang pupunta."

She smirked. "Eh good luck sa mga empleyado. Hindi ka nila ine-expect."

"Mabuti 'yun. It'll keep them on their toes." Kumindat siya sa amin. "I also had your Friday sched moved to next week. 'Wag na kayong pumasok bukas. Updated na ang calendars ninyo. You two deserve a break."

"Daddy," sabi ni Meredith na halatang mapagpasalamat.

"You deserve a vacation, Mere. Kailan ka huling nag-leave? Last year pa," Tito Eman said with a smile. "And you..." Tiningnan niya ako, ako na bagong empleyado. Entitled na ba akong mag-leave? "Well, sinabi ko na naka-sick leave ka ngayon saka bukas. Pero malamang mas makulay pa ang mukha mo sa Monday ano?"

Nahihiya akong napangiti nang maisip na baka kulay talong na ang ilang parte ng mukha ko. "Pasensya na po."

Umiling si Tito Eman, napapangiti na rin. "Napag-usapan na natin," paalala niya sa 'kin. "I wouldn't have been as laidback."

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Where stories live. Discover now