Day 39 - Later that Morning

Magsimula sa umpisa
                                    

Kinuha ko ang phone ko. Binuksan ko 'yung MMS na padala ni Craig at inabot kay Meredith 'yung phone.

Pinanood ko 'yung mukha niya at nakitang nanlaki ang mga mata niya bago nagliyab ang mga 'yun. There was no way she could fake that reaction.

"That son of a bitch!" sigaw niya bago siya tumayo.

Susmaryosep! Hinablot ko siya at hinila pabalik sa kama bago pa siya makalayo at makalabas para puntahan si Craig kung saang lupalop man 'yun nad'un ngayon. Napaupo siya sa kandungan ko pero nagpupumilit na tumayo. "Sasapakin ko talaga siya!"

"Baby girl!" saway ko. "Kalma lang, kalma."

Hindi ko alam kung bakit siya galit na ipinadala ni Craig sa 'kin 'yung picture. Dahil ba secret dapat 'yun?

"Hayup talaga siya!"

"Meredith!" saway ko, tumatawa nang ibinaon ko sa batok niya ang mukha ko. Parang gumiginhawa na ang pakiramdam ko.

Umayos siya hanggang sa magkaharap na kami ulit. Naluluha na naman siya pero puno ng galit ang mga mata niya. "God, baby boy, I'm sorry!" She cupped my face between her hands and stroked my cheeks with her thumbs. "Kaya naman pala gan'un na lang ang galit mo kagabi."

Hinawakan ko ang mga kamay niya, napapangiti. "Lasing din ako kagabi," biro ko.

She moved, hugged me, then settled down on my lap. Niyakap ko siya ulit, komportable sa ayos namin. "I'm so sorry, baby boy. Sasampalin ko talaga 'yung siraulong 'yun. Gets ko na kung bakit ka sumugod nang gan'un! Kung makakita rin ako ng recent picture mo at ni It Girl at nakasiksik siya sa leeg mo, kakalbuhin ko muna siya bago ako magtatanong."

"Hayaan mo, kapag mangyari 'yun, sisikuhin ko rin si It Girl," I grinned. "What happened last night?"

"Bago pa kami kumain niyan. Nag-suggest ng group shot si Mr. Hamada. Mahilig kasi mag-picture 'yun. Ang sabi niya dapat kaming mga girls daw ang naka-upo so d'un sila sa likuran namin. Hindi ko pa nga alam na si Craig ang nakatayo sa likuran ko. Tumungo siya n'ung kinuha ng waiter 'yung picture." Tiningala niya ako. "Siniko ko siya, Ash. It had been reflex. I wanted to slap him too pero I didn't want to make a scene, not in public, and not in front of the investors. I told him to delete the picture and he said dinelete na raw niya. Kinuha ko 'yung phone pero hindi ko alam kung sa ibang folder ba niya ni-save or what kasi wala naman na nga. He was playing with the phone the whole night. He could have cropped it and sent it to you."

Kinuha ko 'yung phone mula sa kama at tiningnan ulit 'yung picture. "At least di na niya nilagyan ng filter di ba?" biro ko at ibinaon ni Meredith ang mukha sa balikat ko.

"Burahin mo 'yan. Nandidiri ako!" Then, she looked up at me. "You believe me, don't you? I can call Alessa. You can talk to her kung hindi ka naniniwala. Hindi niya ako kakampihan kasi gusto ka ng mga girls para sa 'kin. If I cheat on you, sila ang unang mang-aaway sa 'kin. And hindi rin naman nila ipagtatanggol si Craig. Si Charlie pa ang unang nang-away sa kanya kagabi pagkatapos maka-alis ng mga investors."

God bless you, Charlie. Kundi lang ako takot sa 'yo, i-ha-hug kita.

"Hindi na," sabi ko. "I believe you."

Binura ko 'yung picture, gaya ng sama ng loob ko kay Meredith sa pag-aakalang nakikipaglampungan siya kay Craig nang una ko 'yung makita.

"All right. Sabi mo nag-volunteer siyang ihatid kayo and you agreed?"

Tumango siya at sumandal ulit sa dibdib ko. "Kailangan ko na nga siya kausapin nang masinsinan. It was either go home to the girls' condo or maiwan ako sa High Street kasama niya. Ayoko naman na. Natagalan kami kasi bago ko siya maka-usap, tinalakan muna siya ng mga girls bago ko sila naawat at napapasok sa mga kuwarto nila."

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon