Chapter 33: The Clingy Boyfriend

Start from the beginning
                                    

"I love you, baby" I said with all the sincerity in my voice. 


I want her to feel my love with my words. 


Nataranta ako nang napahagulgol siya. Agad na niyakap ko siya.


Pinagsusuntok niya ang dibdib ko. 


"Nakakainis ka talaga" humahagulgol na sabi niya.


Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin o maramdaman. 


"S-Sorry..." naiiyak na sabi ko at niyakap siya ng pagkahigpit-higpit at ibinaon ang ulo ko sa leeg niya. 


Huli na ba?


Pero mahal na mahal ko siya. 


"Bakit ba kasi sobrang mahal kita?" humihikbing sabi niya.


Natawa ako. Tangina, sobrang sarap marinig! Mahal niya ako! MAHAL NIYA AKO!


"Dapat hindi nalang kita minahal. Hindi ko alam kung totoo ba 'yang pagmamahal na sinasabi mo" umiiyak na sabi niya at yumakap sa akin ng mahigpit. 


"Don't say that, baby" naiyak na sabi ko. 


Parang sinasampal ako kung gaano ko siya nasaktan. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya


"Pero tangina, mahal pa din kita" humagulgol na sabi niya


"Mahal na mahal kita. Mahal na mahal na mahal kita, Cleo" umiiyak na din na sabi ko.


Sarap sa pakiramdam na sabihin sa kanya. 




Nang humupa ng iyak namin ay umalis na din kami sa studio. Ngingiti-ngiti si Tats sa amin. 


"Dinner?" nakangiting tanong ko sa kanya habang nakapulupot ang isang braso ko sa bewang niya. 


"Ahm..." mukhang naiilang siya.


Hinarap ko siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat


"Does few months made you this uncomfortable?" tanong ko sa kanya.


Hindi siya sumagot at hindi din makatingin sa akin. 


I sighed. Kasalanan ko ito. 


"I love you, baby. You love me. We'll work this out, okay?" I gently asked her. 


Avaricious HeartsWhere stories live. Discover now