Chapter Four

52.1K 1.1K 29
                                    

Angela's POV


Thank God It's Friday!


Yeah, friday ngayon and the last time I checked, 3 days ago pa kami nakapag-exercise. Remember the cafeteria incident? Natatawa pa rin ako pagnaalala ko yung pagtakbo namin. Ilang beses na din kaming tinanong ng apat na miyembro ng Student Council kung ano daw ba ang nangyari. But since sina Yssa ang may-ari ng school, hindi na kami nagpaliwanag. Hindi naman kami ma sususpend eh.


The class is still going on right now at antok na antok na ako. Boring eh! History ba naman ang lesson. Sulat lang ng sulat ang teacher.


At dahil bored na kaming apat at kami ang nasa pinakadulong bahagi ng classroom, malapit sa fire exit, naisipan naming mag cutting.


"Psst. Tara na!" sabi ni Lika at nauna ng lumabas ng fire exit. Sumunod kaming tatlo. Buti na lang at hindi kami napansin ng teacher namin na kumakausap ng blackboard.


By the way, let me tell you something. Remember our band where we play at Lika's Bar? Our band's name is Fire Exit. The reason why Fire Exit is because since nung nasa High University pa kami, pag nagcu-cut class kami, sa Fire Exit kami dumadaan. At kaming apat ay tinatawag na The Rooftop Princesses ay dahil sa rooftop kami pupunta pag nagcu-cut kahit na we are far from beimg princesses. Siguro sa mukha lang, but we fight like soldiers and warriors.


And if you ask me if what do we usually do during our cuts in the rooftop, all I can say is, we always have nice dreams if we are here.


Yeah, we're sleeping.


Good thing Yssa had the rooftop ready since the first day of classes.



Kevin's POV


History namin ngayon and as usual history classes with history teacher is equal to boredom. Pero nagsusulat na lang kami because we were asked to take down notes.


Tumingin muna ako sa kabilang side namin. Oh? Bakit wala na silang apat?


"Kirby, James, Gian! Ba't wala sila?" tanong ko sa tatlo.


Napatingin si Gian sa akin mula sa pagsusulat "Aba ewan ko! Tayong apat ang magkasama, ba't kami tinatanong mo?" walang kwentang sabi niya.


"Bro, bukas ang fire exit! Hindi kaya lumabas 'yung mga 'yon?" sabi naman ni James.


"Anong kayang ginawa nung mga 'yon?" sabi ni Gian na nakalagay pa ang kamay sa baba niya na tila nag-iisip.


"Yaan niyo na sila. Malalaki na yung mga yun." sabi ni Kirby na patuloy lang sa pagsusulat.


Tumahimik na silang tatlo samantalang ako ay hindi mapakali. Saan ba sila nagpupupunta?


"Sir!" tawag ko sa teacher namin na nagsusulat sa blackboard.


The Rooftop PrincessesWhere stories live. Discover now