Chapter Two

68.9K 1.3K 40
                                    

Angelika's POV


"Good morning!!!" Sigaw ko pagka-gising na pagka-gising ko. Humikab muna ako at nag inat bago umupo sa kama.



Natulala ako. First day in the last year of our Senior High. Hay. I don't know what to feel.



Tumayo na ako at pumasok sa banyo. I did my daily routine. Toothbrush. Ligo. And many more! Marami kasi akong ginagawa sa cr. Nagbababad sa bath thub. Naglalaro ng rubber ducky. Minsan nga kumakanta pa ako gamit ang hand shower. Lakas ng trip ko eh.



Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako. Gigisingin ko pa yung mga 'yun. Pa special kasi.



Una kong pinuntahan ay si Angela.



"Gel, gising na." Sabi ko sabay yugyog ng balikat niya pero...



" .. "



No comment. Snobber Queen, Angela Bordones. Pero isa pa nga.



"ANGELAAAAAAAAAAAAAAA!" Ayan! Mabingi ka sanang tulog mantika ka.



"Ay aswang!" sigaw niya sabay tayo. Wow, ang ganda niya. Buhaghag ang buhok na akala mo ay dinaanan ng ipo-ipo, may mga muta pa sa mata at higit sa lahat, may panis na laway. Like, ew!



"Yuck, Gel. Ang pangit mo! Maligo ka kaya muna bago mo ako sabihan na aswang. Mas mukha ka pa ngang aswang kesa sakin eh." sabay irap ko.



"Oh edi sorry. Psh." sagot naman niya sabay tayo.



"Maligo ka na, may pasok na tayo." sabi ko habang papalabas na ng kwarto niya.



"May pasok na tayo?" tanong pa niya. Napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya.



"Oo, kaya bilis na magluluto pa ako." sagot ko at tuluyan na sanang lalabas ng napahinto na naman!



"Ikaw mgaluluto?!" sigaw niya na nagpasakit ng eardrums ko. Kinuyom ko ang kamao ko at pumikit bago ko siya hinarap ulit.



"Oo! Bilisan mo na! Anong oras na! 7:30 pasok natin." sabi ko na parang nagmamadali.


"Ha?! 7:30?!" Ulit na naman niya.


The Rooftop PrincessesWhere stories live. Discover now