Chapter 31: The Strong Woman

Começar do início
                                    


Envy is a deadly sin. But I am really envious of her. I want to be her. Because I want to be loved by a Matthew Neil Vergara.


And it is hard that all I can do is to wish for something impossible.


It may be possible. Pero hindi ko alam kung kailan. At hindi ko na yata kakayanin pa na hintayin pa ang pagdating n'on.


Tao lang naman ako. Oo, nagmamahal ako. Pero marunong din naman akong mapagod. Sawa na ako na umiyak dahil sa sakit at awa sa sarili. Gusto ko na ako naman, sarili ko naman ang mahalin ko.





"Clang, hindi ka ba aalis ngayon?" tanong sa akin ni Nanay.


Mula sa pag-iisip ay nilingon ko siya.


"'Nay, napatawad niyo na po ba ako?" seryosong tanong ko


Mukhang natigilan siya sa tanong ko. Ilang sandali pa bago siya lumapit sa akin at tumabi sa inuupuan ko.


"Oo naman, Cleo" sagot niya at hinawakan ang mga kamay ko.


Hindi ko maramdaman sa mga kamay niya 'yung init ng pagmamahal ng isang ina.


"Hindi niyo na ako tinawag na anak" nagdadamdam na sabi ko.


Bumuntong hininga siya. "May sasabihin ako sa'yo" garalgal na sabi niya


Sa naluluhang mga mata ay tumingin ako sa kanya.


"N-Noong umalis ka..." wala akong mabakas na emosyon sa mukha niya


"Juana!" malakas na tawag ni Tatay.


Agad na binitiwan ni Nanay ang mga kamay ko nang makita si Tatay at iniwan nila ako.


Naguguluhan man ay hinayaan ko na lamang.


Mula din nanag mawala si Matthew, mas naramdaman ko na mag-isa na lamang ako.


Ang mga tao ay pinakikisamahan ako dahil sa kung ano ang mayroon ako. Si Manay ay inaalagaan ako dahil trabaho niya iyon. Sila Nanay at Tatay ay nandito dahil binubuhay ko sila. Ang mga kamag-anak ko ay nginingitian at mabait sa akin dahil nakikinabang sila sa akin. Ito 'yung masakit na katotohanan ng buhay, ang mga tao ay magmamalasakit sa'yo kapag may pera ka o may pakinabang sila sa'yo. Pagmamalasakitan ka lamang ng walang kapalit kapag mahal ka.


Si Matthew ay ganoon sa akin kasi pinapainit ko ang kama niya at nararamdaman niya sa akin 'yung pagmamahal na hindi kayang ibigay ng babaeng mahal niya.


I live in this kind of life. Madrama.


Avaricious HeartsOnde histórias criam vida. Descubra agora