"Hoy, hindi ako manyakis aa!" nainis nga siya, ang cute nya tuloy.

Kahit magsalita lang siya lumalabas na yung dimples niya, hindi tuloy kapanipaniwalang naiinis siya.

"Joke lang!" sabi kong tumatawa.

"Ang ganda mo." napatigil ako sa pagtawa at... tumigil din ang mundo ko. Piling ko, matutunaw na talaga ako. Sabihan ka ba naman ng ganon. Tiyak na lalapad ng pitumpung pulgada yang puso mo.

"Sus. Makapambola naman to!"

"Hindi ako nambobola. Seryoso ako. Ang ganda ng mapapangasawa ko."

Mapapangasawa agad? Kailan lang nung naging kami aa? Pero, teh, kinikilig na naman ako atsaka ang haba ng hair ko, isama mo na pati yung hair na nakatago. Joke! Eh makaupo na nga lang, kasi naman lumuluwag na yung garter ng panty ko, mamaya malaglag pa ito.

"Halika na nga doon sa garden." nagsimula na akong humakbang. "Panay ka bola, eh hindi naman talaga ako maganda."

Pero napatigil ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko sanhi para lumakas at bumilis na naman ang kabog ng puso ko.

"Tuwang-tuwa si Mommy nung nalaman niya." aniya sa masayang boses. Kasing ningning ng stars sa kalangitan ang mga mata niya ngayon.

"Nalaman niya? Ang alin?" nagtatakang naitanong ko. Wag niyang sabihing...

"Ang tungkol sa atin."

Pagkasabi niya nito, bigla ko siyang nahampas sa balikat niya, marahan nga lang.

"Ikaw, pinangunahan mo na naman ako! Diba usapan natin tayong dalawa ang magsasabi?!" nagtatampo at the same time naiinis na sabi ko.

"Eh nadulas ang dila ko. Tsaka bat ka ba naiinis? Ayaw mo nun, tuwang-tuwa si Mommy?"

Sasagot na sana ako nang biglang lumapit ulit ang Nanay yaya ni Dean.

"Lovebirds, halika na kayo. Tama na muna yang labing, labing dyan. Mamaya na yan." alam na rin pala ng Nanay yaya ni Dean. Tss. Napakadaldal talaga nitong mokong na to, ipagkalat talaga sa lahat na kami na. Kung hindi ko lang talaga mahal to, ay naku.

Sumunod na lang kami sa kanya. Nang pagdating namin sa garden ay tumambad sa mga mata ko ang isang mahaba at malaking hapag na puno ng mga pagkain. Nagtaka ako kasi bakit kami lang ng mga magulang ko ang invited. Wala ba silang ibang bisita?

"Asan yung ibang bisita?" takang naitanong ko.

"Para sa mga magulang lang ng ikakasal ang selebrasyong to."

"Ha?" gulat kong naitanong bigla. Anong ikakasal pinagsasabi nito?

"Pssssh!" sabi niya para patahimikin ako. "Si Mommy o."

Lumundag ang puso ko ng marinig ko yung 'mommy' at napabaling nga ako sa Mommy niya. Nakangiti siya saakin kung kaya medyo nabawasan yung kaba ko. Lumapit ako sa kanya atsaka nagmano, then ibinigay ko sa kanya ang gift ko.

"Happy birthday, Tita." bati ko sa kanya.

"Ang ganda ng mamanugangin ko aa. Inspired ba?"

"H-ho?" eeh, nakakahiya. Pakiramdam ko tuloy namumula na ako.

"Sana pwede kong dagdagan ang mga edad ninyo para maikasal na kayo agad."

Ano ba to? Bat parang puro kasal nalang ang bukambibig nila? Ikakasal na ba kami? Eh minor de edad pa lang naman kami aa. Bumaling ako kina Mama at Papa, ang lawak ng ngiti nilang dalawa. Tapos si Dean naman ang binalingan ko, ang tamis din ng ngiti niya. May binabalak ba silang hindi ko nalalaman?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unlucky I'm In Love With My TolbesprenWhere stories live. Discover now