[36] And there's nothing I can do, I just gravitate towards you.

Magsimula sa umpisa
                                    

“Eh magsisine lang naman sila e. Anong masama don?” (--.)

“Bro!” Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. “Alam mo ba na pwedeng gumawa ng masama ang isang lalaki sa isang babae kapag nasa sinehan. Diyan sila dumadamoves.”

“Bakit?” I smirked at him. “Gawain mo yun no?”

“Hinde no! Tss. Basta, huwag mo akong iiwan dito.” Nakakapit lang siya sa laylayan ng t-shirt ko habang nagtatago sa ice cream stall. Nakakahiya na tuloy dito sa babae sa counter.

“Sir, bibili po ba kayo ng sundae?” Tanong niya sa amin.

“Ahh. Hindi po. Friday pa lang kasi ngayon.” Umiling-iling si Bench. With that, hinila na niya ako papasok ng sinehan. Syempre, nagtatago pa rin kami.

“Uy, pare! Manunuod sila ng It Takes a Man and a Woman, tara tara manuod rin tayo!” Hinila ako ni Bench papunta sa bilihan ng ticket. 

Magkatapat kami ng linya sa bilihan ng ticket pero hindi kami nagpapakita sa kanila. Busy naman kasi sila Thea at Xander sa pag-uusap e kaya hindi nila napapansin na may nanlilisik na mata ang nagmamasid sa kanila. Ehem. Alam niyo na kung sino. 

“ARGHHH. ANG SARAP MANAKAL!!” Gigil na gigil na sabi ni Bench sabay aktong sasakalin na niya ako nang titigan ko siya ng masama. Napababa tuloy siya ng kamay niya. “Hehehe. Joke lang!”

Bumili na nga kami ni Bench ng ticket sa sinehan. Dahan dahan rin kaming pumasok at pumwesto sa likod nila. Akala ko dati, mga babaeng selosa lang pala ang daig ang SOCO kung mag-imbestiga, si Bench Sandoval din pala.

Titig na titig lang si Bench sa dalawa habang nanunuod. Actually, wala na sa movie and focus niya kundi kela Thea at Xander na. Haha. Napapailing na lang ako. Grabe! Bahala siya diyan, basta ako magpapaka-sarap sa kinakain kong popcorn.

Nang bigla ba namang..












“Uy, popcorn ko!” Sabi ko kay Bench at sinubukan kong agawin sa kanya ang popcorn ko. Pero, huli na ang lahat. (-.-’)

“Shet, ano ba yan!” Sabi ni Xander saka sila lumingon ni Thea sa amin. Buti na lang, madilim at hindi kami masyadong makikilala. Nagtakip na nga lang ako ng muka ko at kunwari’y wala akong alam. Wala naman talaga akong alam e. (-___-’)

“Ay sorry, bro! Hindi ko sinasadya. Natapon yung popcorn paghila ko e. Pasensya na talaga.” Sabi ni Bench kay Xander. Iniba pa niya yung boses niya para hindi halatang siya.

Bwisit e. Hindi man lang niya ako pinansin at bigla ba namang binuhos ang popcorn ko kay Xander. Baliw talaga e.

Siniko ko si Bench at tinitigan siya ng masama. Feeling ko naramdaman naman niya agad yung nanlilisik kong tingin kaya nagsalita agad siya. 

“Hehehe. Sorry talaga, pare. Si Xander kasi eh, aakbayan si Thea kaya ayun. He deserves the popcorn. Baka gusto niyan siya ang i-pop ko.” (>.<)

Okay. Hindi ko na lang siya pinansin at pinalagpas ang popcorn thing. Ibang klase talaga kung paano magselos si Bench Sandoval. Haha. Bakit kasi hindi na lang niya aminin na may gusto pa rin siya kay Thea? Diba, diba?

“You’re acting like a jealous boyfriend.” I teased him. Pero agad ko ring binawi yon. Bigla kasi siyang sumimangot at tinignan ako ng masama. “I’m kidding.”

(.^^) --------------- (~~.)


Oh men. I swear, I can’t help myself from laughing at his pricless face. Sobrang epic! Grabe! Kung pwede ko lang sanang picturan at ipost sa instagram e. Hahaha.

“I’m not jealous.” He answered me with a frown on his face.

“Sige, sabi mo e.” I chuckled. “Haha. Pero kapag naagaw ng iba yan ha. *Ehem* Ni Xander, walang sisihan ha.” I teased him more.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon