[WB: Eph1]

4.1K 73 35
                                    

[WB: Eph1]

Eph’s POV

“Amiel,” sumipol pa ako, “tignan mo yun, oh, perfect ang shape. Sexy.” Wala akong reaksyong nakuha kay Amiel, gaya ng dati, nagbabasa na naman siya ng libro. Nagtinginan kami nina Francis at Ethan. “Amiel, si Karylle, oh, sexy,” nakangising bigkas ko sa likod ng tenga niya, binagalan ko pa ang pagbigkas ng pangalang ‘Khaii.’

“Ha?” inayos niya ang salamin sa mata niya pagkatapos ay inayos ang buhok niya na parang nawawala sa sarili, “saan?”

“Yun,” tinampal siya ni Ethan sa noo. “Pagdating kay Karylle, ang bilis-bilis mong mag-react.”

Nagtawanan kami habang kakamot-kamot sa ulo niya si Amiel at itinuloy na naman niya ang pagbabasa.

“Francis, musta ang date kagabi?” sumandal ako sa pader. Nasa bilyaran kami na pagmamay-ari nina Ethan, tambayan na namin iyon pero minsan lang kami maglaro, kapag may problema lang ang isa sa amin.

Tumingin sa akin si Francis, tinigil niya ang paglalaro niya sa iPhone niya, “yun bang kasama ko sa bar o yung inimbitahan ako sa restaurant?”

Umiling-iling ako, “nakita din kita sa park, oy, wag kang magkunwari. Nakatatlo ka na naman kagabi.”

“Nagsalita ang walang kasama sa kotse kagabi---sa parking lot ng condo niya,” sumipol pa si Ethan at pinagpatuloy ang pagpupukpok sa kung anu-ano sa loob ng bukbukin nilang bilyaran pero buhay pa naman. “Ano naman ang ginawa mo dun, aber? Hindi ka mag-isa, ha, hmm?” tinignan niya ako ng mapaghinala.

Tinaasan ko siya ng isang kilay, “hindi ka pinanganak kagabi kaya alam mo na yun,” minasahe ko ang batok ko, “lupit ng babaeng yun, grabe makakapit, may sugat pa yatang iniwan sa abs ko,” ngayon naman ay ang tiyan ko ang hinimas ko. Iba talaga kapag sobrang gwapo at macho ka, idagdag pa na isa kang gentleman na hindi makatanggi sa hinihiling ng mga babae sa paligid mo---kilala mo man o hindi.

Binato ni Amiel sa akin ang isang libro, “magbasa ka na lang kaysa umangal ka na naman sa mga kababalaghang ginawa mo pero nagustuhan mo naman.”

Umiling ako, “active lang ang s3x life ko!” tumayo pa ako at proud na binuka ang mga braso ko.

“Kulang ka lang sa s3x, shh,” pagkuwan ay umupo si Francis sa ibabaw ng billiard table na nasa tabi ko at binuklat ang librong ibinato lang sa akin ni Amiel kanina. “Amiel, wala ka bang tabloid diyan? Mens magazine? Yung may mga nakahubad na babae sa cover?”

“’Kay, maghahanap ako ng ka-s3x,” kinuha ko ang DSLR ko sa tabi ni Francis, iyon ang madalas na gamit ko kaya nakakapanungkit ako ng mga babae. I’m a well-known photographer, gwapong photographer. Freelance na gwapong photographer, yun. “Ikaw naman,” binaba ko ang librong binabasa ni Amiel na halos tumatakip na sa buong mukha niya gamit lamang ang hintuturo ko, “itigil mo na muna ang pagbabasa ng libro at magpabinyag ka na, bakit ka nga ba namin naging kaibigan?” natawa tuloy ako. “Pitong taon na lang, mawawala na tayo sa kalendaryo pero di ka pa rin nabibinyagan, tsk tsk.”

Namaywang ako at tinitigan siya, hindi ko naman ikakailang hindi kami gwapong magkakaibigan. Bawat isa sa amin ay biniyayaan ng kakaibang ‘kagwapuhan’ na nagagamit namin sa iba’t-ibang paraan. Si Amiel lang talaga ang hindi marunong gumamit nun, naka-focus kasi siya sa kapitbahay nina Ethan, si Karylle. May maipagmamayabang naman siya kasi isa siyang sikat na manunulat, awkward nga siguro pero isa siyang romance writer at may-ari ng isang malaking publishing company kung saan nagpapasa din ako ng mga pictures na kinukuha ko.

“Ephraim, mind your own business,” parang di naman siya naapektuhan sa sinabi ko at nagpatuloy lang sa pagbabasa, bahagya pa siyang tumagilid na parang sinasabing di na siya makikinig sa kung anuman ang sabihin ko.

“Okay, I’ll mind my own fuck1ng business,” nagkibit-balikat ako. “Mauna na ako. Sabi ko nga, maghahanap pa ako ng ‘you know’,” at ki-nlick ko ang DSLR ko sa kanila. Nag-flash iyon.

“Sheez, Eph, alam mong di ako photogenic kapag may ginagawa ako,” Ethan hissed pero ngumiti naman nung makitang iki-click ko ang camera sa kanila, siraulo talaga kahit kailan ang isang iyon.

“I’m sure that that new Digital single-lens reflex camera was a gift of one of your girls,” tinaasan ako ng kilay ni Francis. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa akin at sa hawak kong DSLR. May ngisi din sa mga labi niya.

“You don’t say,” pinaikot ni Ethan ang mga mata niya, tinuloy na naman ang kung anu-anong pinaggagagawa niya.

“Inggitero kayo. Siya, alis na ako,” sumaludo pa ako sa kanila bago ako tuluyang lumabas ng bilyaran. Dala ko naman ang sarili kong sasakyan. Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta at mas lalong di naman ako maghahanap ng ka-‘ano’ ko gaya ng sinabi ko sa mga loko-lokong mga yun.

Nag-drive na lang ako sa kung saan man pwedeng puntahan at nang magamit na ang bagong DSLR ko na taliwas sa sinabi ni Amiel ay binili ko iyon. It’s my passion, collecting different types of cameras. Akala lang talaga nila, por que may bago akong gamit ay bigay na agad ng mga babae ko, kasalanan ko ba kung gusto nila akong bigyan?

Habang nagda-drive ay in-on ko ang stereo ko.

♪♫♩♬ Nasa 'yo na ang lahat

Minamahal kita 'pagkat

Nasa 'yo na ang lahat

Pati ang puso ko... ♪♫♩♬

Patapik-tapik pa ako sa manibela, tumatangu-tango pa ako habang sinasabayan ang kanta ni Daniel Padilla. Hindi ko alam kung anong mayroon ang binatang singer at actor na iyon pero gusto ko ang kanta niya, may boses naman.

♪♫♩♬Nasa 'yo na ang lahat

Minamahal kitang tapat

Nasa 'yo na ang lahat

Pati ang puso ko... ♪♫♩♬

Lumiko ako sa isang kanto, natatandaan ko ang daang iyon. Patungo iyon sa isang magandang view ng siyudad, pwede akong kumuha ng mga larawan doon. Wala lang, for inspiration lang naman. At malay ko ba kung may ma-capture akong interesting na pwede ko na namang ibenta sa mga publishing houses.

♪♫♩♬Oh Oh Oh Ohh Ohhh

Na-nasa 'yo na ang lahat

Oh Oh Oh Ohh Ohhh

Na-nasa 'yo♪♫♩♬---whoa!napapreno ako ng wala sa oras. Pinatay ko agad ang stereo at bumaba.

“Naku, mga barumbado nga naman ngayon!” pagtatatalak ng isang babaeng nakatalikod sa akin, naka-suot siya ng kupas na maong na kapag yumuyuko siya at pinupulot ang mga  nahulog na---okay, mga tsinelas na nakabalot pa ay nahahatak iyon pababa. Nakasuot pa kasi siya ng bitin na blouse pero bumagay iyon sa balingkinitan niyang katawan.

Ah, heaven.

“Nice ass,” nakangising bulong ko sa sarili, bumalik ako sa kotse. Madaling kinuha ko ang DSLR at sinabit sa leeg ko, hinanapan ko ng magandang anggulo ang kukuhanan kong ‘masterpiece.’ “Gotcha--- aww!” na-clik ko naman yung camera kaso may tumama sa akin na kung ano.

“Bastos! Mambubuso! Barumbado!” at sunud-sunod na palo na ang tumama sa ilang bahagi ng katawan ko.

***

Author: Dedicated to @PseudoFacade. Okay, pangalawa na ‘tong di-nedicate ko sa iyo. Yung una, di ko na alam ang gagawin ko, lewls. Anyways, yan. Pagtiisan na muna :D

Kilala niyo na yung iba pang WATTPAD BOYS. Naka-state na sa itaas, teheee. Kilala ko yung dalawa pero yung Ethan, ow-kay, di kami socially/WEBcially close. Lewls. :D

What Boys Think: EphraimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon