9. Two different love triangles

0 0 0
                                    

“Magkaibigan lang kami, same campus. Teka nga, magkapatid pala kayo-?” takang-takang napatanong si Asrielle.

Hindi na nalaman pa ni Asrielle, nu'ng namatay si mom muling nag-asawa si dad, at ang asawa na bago ni dad ay namatáy ngunit may anak itong naiwan. ’Yon ay si Josh, lumaki kaming magkahati sa lahat higit sa lahat sa pagmamahal at atensyon ni Dad kaya hindi kami ganun ka-close. May sarili siyang condo, dahil mayaman din naman ang pumanáw niyang ina pero madalas nadalaw siya sa mansion upang bisitahin si dad.

“Yes. We're brothers. Diba kuya?” halata sa mukha niya ang pang-iinis.

“Umalis ka nga diyan, destansiya naman.” hindi ko mapigilan ang emosyon ko kaya puwersahan kung hinalbot si Asrielle sakanya.

“Bakit anong gagawin mo?” lumapit din siya at hinawakan ang kamay ni Asrielle. “Don't tell me she's yours.” may pa-smirk pa ito.

Hinawakan ko ang kamay ni Asrielle kung saan siya nakahawak, “Get your hand off―” habang tulalang nakatitig sa kamay niya si Asrielle.

“Hindi mo naman siya pagmamay-ari.” pinipikon niya talaga ako.

“Kaibigan ka lang naman diba?-Just fúckíng remove your hand!!” sigaw ko.

“Oo, but kanina lang nagconfess na ako sakaniya. I'm now her suitor!” ika pa nito na mas lalong lumaki ang mga mata ni Asrielle.

“H-h...ind..” utal at naudlot na ika ni Asrielle.

Alam kung hindi papayag si Asrielle na ligawan siya ni Josh dahil malayo ito sa standards niya.

Namumula na ang kamay niya dahil sa higpit ng hawak namin. Ngunit, pareho kami ni Josh na walang balak bitawan siya.

“A-ahhh!”―

“Can't you see? Nasasaktan na siya?―Fúck, leave her hand away!” hirit ko.

“No, You will do it!” alarba niya.

Hindi talaga niya hahayaang malamangan ko siya. Tinitigan ko lamang siya ng may galit sa mga mata. Sa sobrang pagiging competitive ko hind ko namalayang naluluha na pala si Asrielle.

“Bitaw!!!” sigaw niya. Buong lakas niyang binawi ang sariling kamay at lumayo ng ilang metro.

“You two are getting crazy!!” sigaw niya habang nanduduro.

Saktong may dumaang taxi kaya mabilis siyang sumakay dito. Hinabol kopa siya pero nakalayo na ito kaya hindi ko naabutan.

Bumalik ako kung saan naroroon si Josh. Ilang segundo kami nagkatinginan.

“Gusto moba siya?” seryosong tanong nito sakin. Nakatigil ang mundo para sakin, matagal kung tinago ang sekretong ito.

“E ano naman?” binalik ko ang tanong sakaniya.

“She is inlove with someone else.” hirit nito. Napa-isip ako bigla, she's inlove with who?

Sobrang tagal din naming hindi nagkasama, kaya hindi kataka-takang may makilala siyang iba at malimutan ang pangako namin sa isa't isa.

“Talaga? Hindi mo alam kung gaano kami katagal ng magkakilala kaya naman wala kang karapatang gustuhin siya-” pasambit kung pagpapaliwanag.

“So anong pinapalabas mo? Ayaw mong sabihin na gusto mo rin siya pero ayaw mong magkagusto ako sakaniya?―” halos dumagundong ang boses na ’yon ni Josh.

“She will never allow herself to accept you to court her, she know her worth. Why? Itutulad mo lang siya kay Blythe?” sinigawan ko din siya.

Alam ng lahat na ginamit lang ni Josh si Blythe upang may mapatunayan ito sa dad ko.

THE SHADOW OF TOMMOROW EVENINGWhere stories live. Discover now