Epilogue

0 0 0
                                    

Mahirap ang mabuhay lalo na kung galing ka sa broken family, but how about of being "ulila"

Sinanay ng mga taong siya lamang ang mabubuhay. Nakakatakot sa anino ng gabi, nilalamon ang aking paningin hanggang tuluyang makatulog.

Para sa'kin ang mga taong natutupad ang mga pangarap ng sila lamang ay isang makapangyarihang tao. Sinanay ng panahon upang mapag-isa.

Pero ano nga ba ang nasa likod ng pagkawala ng dapat na mga inspirasyon natin? Matagal ko nang tinatamasa na malaman ang katotohanan sa likod ng pag-kawala ng mga mahal ko sa buhay.

“Isang masacer? Pero paanong nakaligtas ako sa ga'nong masacer?” tanong ko kay Mr. Xenn.

Si Mr. Xenn ay isa sa mga taong tumutulong sa'kin upang malaman kung sino nga ba ang maykagagawan noon.

“Bata kapa no'n, Asrielle. Musmos kapa, ikaw lamang ang nakakaalam kung ano nga ba ang nangyari nung gabing 'yon kung paano ka nakaligtas” sagot naman nito.

Mahirap para sakin ang lahat. Pero ang kalungkutan, galit at pangungulila ko ay ginawa kung inspirasyon upang bumangon at ngayon isa na akong college graduating student sa kursong arkitekto habang pinapatakbo ko ang kompanya na naiwan ng pamilya ko.

“Hinahangaan talaga kita Ms. Asrielle Dianne Vruel Beunoventura dahil sa husay mo at pagtitiyaga!” papuri sa'kin ng guro ko.

Isa rin siya sa mga taong nariyan para sakin, ngunit may isang tao akong matagal nang hinahanap siya ang taong kalaro ko bago mangyari ang krimen..ang childhood bestfriend ko. Mas matanda siya sa'kin ng anim na taon kaya kuya kona siya, 4 na taon ako noon tapos siya 10 'yun ang natatandaan ko tungkol sakanya. Ngayon 19 na ako at siya naman 25.

Hindi ko padin siya nakikita. Mahanap kopa kaya siya?

Anlakas ng ulan, halos masira ang mga payong ng mga mag-aaral sa campus namin. Habang ako ay nakasilong pilit na tinatakpan ang aking noo dahil sa hanging may dalang ulan. Tumila ang ulan, pahikbi-hikbi ramdam ko ang isang patak nito. Sumugod ako upang pumunta sa kotse kung saan naroroon ang driver naming iniintay ako.

Bumuhos ang malakas na ulan habang ako'y nasa kalagitnaan na, ngunit hindi ako nabasa. Paglingon ko may nakita akong payong inikot ko ang mga mata ko at may nakitang isang matipunong lalaki. Tila ba'y isa siyang professor sa aming campus. Matangkad, pormado, gwapo, chinito, at maputi na nakasalamin.

“Maraming salamat” wika ko.

“Your welcome!” sagot nito. Napukaw ako sa id nito, ang pangalan niya ay Enrille kapangalan ng childhood bestfriend ko.

“You are Enrille po?―” magalang na tanong ko dito.

Tumango naman siya, “Oo, bakit?” tanong nito pabalik.

Ngumiti ako at sa tingin ko ay siya na ang hinahanap ko. “Na-miss kita ng sobra-sobra” maluha-luha ko siyang niyakap. “Sa'n kaba kasi nagpunta?” dagdag kopa pero bigla niya akong inalis sa pagkakayakap.

“You're a student, I am a professor what are you doing?” wika nito.

“P...pero ako ito! Ako ito si Asrielle! Can't you remember?” pag-amin ko sakanya.

“Asrielle? Ikaw naba 'yan?” napaltan ang emosyon niya. Hindi ko maintindihan umiyak siya sa harap ko at niyakap ako.

“Antagal mong nawala, 15 years! Naalala mopa nung baby pa ako dba sabi mo ikaw ang unang humawak sa pisngi ko bukod kay ina'y” idinidikta ko ang mga alaalang iyon sakanya.

Napakasayang mga alaala, noong unang taon ko palamang tinutulungan niya akong makalakad. Hindi ko alam bakit kami pinaglayo ng tadhana, ilang taon kung inintay ito.

THE SHADOW OF TOMMOROW EVENINGWhere stories live. Discover now