3. When the time you've promised

0 0 0
                                    

Maagang naka-uwi ang mga mag-aaral dahil sa isang suspended.

Anlakas ng ulan, halos masira ang mga payong ng mga mag-aaral sa campus. Habang  nakasilong si Asrielle pilit na tinatakpan nito ang noo dahil sa hanging may dalang ulan. Tumila ang ulan, pahikbi-hikbi ramdam ni Asrielle ang isang patak nito. Sumugod siya upang pumunta sa kotse kung saan naroroon ang driver niya iniintay siya.

Bumuhos ang malakas na ulan habang siya'y nasa kalagitnaan na, ngunit hindi ito nabasa. Paglingon niya may nakita siyang payong inikot ni Asrielle ang mga mata niya at may nakitang isang matipunong lalaki. Tila ba'y isa siyang professor sa kanilang campus. Matangkad, pormado, gwapo, chinito, at maputi na nakasalamin.

“Maraming salamat” wika ni Asrielle.

“Your welcome!” sagot nito. Napukaw siya sa id nito, ang pangalan niya ay Enrille kapangalan ng childhood bestfriend ni Asrielle.

“You are Enrille po?―” magalang na tanong nito.

Tumango naman siya, “Oo, bakit?” tanong nito pabalik.

Ngumiti si Asrielle at sa tingin nito ay siya na ang hinahanap niya. “Na-miss kita ng sobra-sobra” maluha-luha siyang niyakap. “Sa'n kaba kasi nagpunta?” dagdag pa ni Asrielle pero bigla niya itong inalis sa pagkakayakap.

“You're a student, I am a professor what are you doing?” wika nito.

“P...pero ako ito! Ako ito si Asrielle! Can't you remember?” pag-amin nito sakanya.

“Asrielle? Ikaw naba 'yan?” napaltan ang emosyon niya. Hindi maintindihan ni Asrielle umiyak siya sa harap nito at niyakap ito.

“Antagal mong nawala, 15 years! Naalala mopa nung baby pa ako dba sabi mo ikaw ang unang humawak sa pisngi ko bukod kay ina'y” idinidikta ni Asrielle ang mga alaalang iyon sakanya.

“I'm sorry, Lady Elle..” hindi pa ito natatapos magsalita..

“Pst, baka may makarinig” tinakpan ni Asrielle ang bibig ni Enrille.

“At bakit naman?” nagtatakang tanong ni Enrille.

Hindi alam ni Enrille ang katotohanan kung bakit gustong ilihim ni Asrielle ang katotohanan.

“Basta, teka anong ginawa mo dito?” tanong naman ni Asrielle.

“Bagong professor ng star section ng mga nag-aaral ng arkitekto, bukas na ako magsisimulang magturo” paliwanag nito.

“Wait..what? Magtuturo ka samin? Magiging prof kita?” nanlalaking mga mata ni Asrielle.

Napangiti si Enrille sa narinig. “Ow, I am kind a really excited to teach you” nakangiting sambit nito at hinawakan ang ulo ni Asrielle.

Dumating na ang sundo ng isa't isa kaya nagpaalam na sila.

“Goodbye, see you when I see you” Asrielle said and left Enrille smile.

Nang nakalayo na si Asrielle. “Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya, muli nanaman tayong pinagtagpo ng tadhana at sana this time 'wag kana niyang ilayo hindi kona kakayaning mabuhay ng wala ka” sambit nito sa sarili.

At habang nasa sasakyan si Asrielle tulala ito.

“Anong iniisip mo, Lady Elle?” tanong ni Antonio dito.

“Nakita kona si Eli, at magiging prof ko siya. Hindi ako makapaniwala hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya” paliwanag ni Asrielle ng hindi maipaliwanag ang mukha nito.

“Huwag niyo pong sabihin na crush niyo padin si Enrille, dahil parang nakababatang kapatid napo turing niya sainyo.” napasimangot naman ito nang marinig ang sinabi ni Antonio.

THE SHADOW OF TOMMOROW EVENINGWhere stories live. Discover now