4. The real man moves

0 0 0
                                    

Nang mawala na sa paningin ni Asrielle ang kaibigan dali-dali nitong tinanong si Josh.

“Ano pa bang kailangan mo? Alam mo bang dahil sa'yo mawawalan na ako ng lakas dahil sa mga ginagawa ng ex mo!” sambit ni Asrielle.

Iniisip kasi ni Blythe na may relasyon ang dalawa kaya halos sirain nito ang buhay ni Asrielle sa selos samantalang ayaw naman ni Asrielle ng gulo kaya pilit siyang lumalayo kay Josh.

“Iyon ba ang dahilan? Asrielle, is it reason why you keep avoiding me? Why you decline me to court you?” seryosong sambit ni Josh.

Ngunit tila ba'y walang pakialam si Asrielle sa mga sinasabi nito kaya napailing-iling pa ito. “Kung ayan lang sasabihin mo aalis na ako!” nakatalikod na si Asrielle nang tinawag siya ni Josh..

“Asrielle...tungkol 'to sa'yo may nais lamang akong linawin. Puwede bang maupo ka muna?” hiling nito na inunlakan ni Asrielle.

“So ano nga 'yun? Sabihin muna kunti nalang oras ko” pagmamadali ni Asrielle.

“I saw you, and I heard everything. Hindi ka mahirap? Ikaw ang anak nang namatay na Donyo ng St. Maria na dating nagmamay-ari ng school na ito. Right?” paliwanag ni Josh. Nanlaki ang mga mata no Asrielle sa pahayag nito.

“Mali ang nalaman mo, simple at normal na babae lang ako!” depensa ni Asrielle pero bakas sa mata nito ang pagsisinungaling nito.

“Psychology student ako dati, I know when peoples is lying and you're lying Asrielle.” inilapit nito ang mukha kay Asrielle at ngumiti.

Tumayo naman si Asrielle. “Hinay-hinay ka sa mga sinasabi mo! Hindi totoo 'yan!” sigaw ni Asrielle na nakapukaw sa atensyon ng lahat.

Halos atakihin siya ng anxiety sa takot na mabunyag ang lihim niya

“Ano ba 'yan?” reklamo ng mga tao.

Narinig nanaman nina Shan ang sigaw nito kaya lumapit sila upang tulungan si Asrielle.

“Hoy!” sigaw ni Jack.

“Anong ginagawa mo? Siraúlo ka! Anong ginagawa mo kay Asrielle?” sigaw ni Shan at hinarangan si Asrielle.

“Kalma may sinasabi lang naman ako kay Asrielle!” paliwanag ni Josh.

“Umalis ka! Wag kana magpapakita sa'kin, ayaw na kitang makita pa!” sigaw ni Asrielle.

“A..asrielle..”

“Hindi moba narinig? Umalis kana daw!” pag-uulit ni Shan kaya agad na umalis si Josh.

Samantalang, agad namang dumating si Vienna upang tulungan si Asrielle na inaatake nanaman ng anxiety. Maging sila ay nagpapanic na hindi alam ang gagawin.

“A-anong g..gagawin? M..may gamot kaba?” nanginginig na tanong ni Vienna pero wala sa sarili si Asrielle kaya hindi niya ito naiintindihan.

“Kalma!” pinapakalma naman ni Shan si Vienna. “Uminom ka muna ng tubig oh!” inabutan niya ito ng tubig dahil sa pag-aalala.

“Paano ako kakalma?” halos magalit si Vienna.

Habang nagpapanic ang tatlo, dumating si Enrille upang bigyang lunas si Asrielle. May dala itong gamot at tubig upang painomin si Asrielle. Kinuha nito ang ulo ni Asrielle at inilapag sa mga hita nito.

“Asrielle, si Enrille ito! Andito na ang gamot mo! Magiging okay kadin.” nag-aalalang sambit nito at pinainom ng gamot ang dalaga.

Nagkatinginan naman ang tatlo. “Gagaling ba siya diyan prof?” tanong ni Vienna.

“Oo, sigurado!” sagot ni Enrille.

Nawalan ng malay si Asrielle kaya binuhat ito ni Enrille papuntang clinic.

THE SHADOW OF TOMMOROW EVENINGUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum