Hinawakan niya 'yung lata at pinagmasdan ko siya. Hindi pa rin niya inaalis 'yung glasses niya.

"What is it?" tanong ko, curious at concerned.

This time, humikbi siya at tumungo. "Wala na kami ni Craig," sabi niya na nanginginig ang boses. "He broke up with me last night."

Kung hindi ko na-control ang kamao ko, baka sumabog 'yung paper cup ko ng soft drink kasi naikuyom ko 'yung kamay ko.

"Bakit daw?" tahimik kong tanong kahit pa parang alam ko na ang dahilan.

"Nakita kasi niya 'yung paper bag mo ng Tiffany saka narinig niyang tinanong ko kung engagement ring 'yun."

Sabi ko na nga be eh. Shit!

Pinunasan ni Gianna ng kamay 'yung isang mata sa ilalim ng glasses niya. Kinuha ko 'yung panyo ko mula sa backpocket ko at inabot 'yun sa kanya. She took it and took her sunglasses off. Pulang-pula ang mga mata niyang namamaga.

"Sabi niya sa 'kin," humikbi siya, huminga nang malalim at inangat ang mga mata para tingnan ako. "Sabi niya sa 'kin it made him realize na si Meredith daw talaga ang mahal niya. And that he wasn't going to lose her to you. God, Ash!" Tumungo siya at nagsimulang humagulgol. "Ang tanga-tanga ko! Bakit ba ipinagpilitan ko ang sarili ko sa kanya eh alam ko namang si Meredith ang mahal niya?"

Hindi ako nagsalita kahit pa gusto kong bigla na lang akong bumulalas ng "ikaw? IKAW? Paano naman ako? Ako ang balak agawan ng demonyong 'yun!" Moment niya 'to eh.

I reached for her. Tatapikin ko lang sana siya sa likod o sa balikat pero lumapit siya sa 'kin at yumakap. Okay, medyo awkward kasi ayoko namang yakapin siya. Saka nakakarami na siya ah. Mahal pa naman ang yakap sa 'kin. Pero mahina rin naman ako sa mga damsels-in-distress. As a compromise, inakbayan ko na lang siya at tinapik-tapik sa likod hanggang sa huminto na siya sa pag-iyak.

Pero habang inaalo siya, mabilis na tumatakbo ang utak ko. Paking shit! Ito 'yung "personal issue" na sinasabi ni Meredith kahapon na sinabi ni Craig sa kanya. It didn't concern us? Eh tangina, kami ang sentro ng issue na 'to ni Craig eh.

Siguro para kay Mere hindi, pero para kay Craig, it definitely involved her and me. Nakipag-break si Craig kay Gianna dahil kay Meredith, o hindi ba niya sinabi 'yun sa girlfriend ko?

Wala na, malinaw na challenge na ito ni Villacorta. Magkasuntukan na lang kami.

HINATID ko si Gianna sa ibaba matapos niyang maghilamos at mag-make up sa CR. Kumaway ako nang umalis ang taxi na sinasakyan niya bago parang zombie na bumalik sa opisina namin.

Nasa mesa ko pa rin 'yung malamig nang hotdog sandwich. Hindi ko na siya makain. Wala na akong gana. Ni-unlock ko 'yung computer ko at lumabas ang picture namin ni Mere na wallpaper ko.

Naisip ko na naman 'yung singsing na nasa drawer ko. Kailangan ko na bang alukin ng kasal si Meredith? As in now na? Pero kapag ginawa ko 'yun, inaalok ko siya ng kasal kasi ayokong maunahan pa ako ni Craig, at hindi dahil sa pakiramdam ko tamang oras na para alukin siya.

Anak ng tipaklong! Bakit ba kasi ganito? Kung dati naman, okay lang sa 'king tratuhing premyong mapapanalunan ang isang babae eh. Bakit itong si Balajadia, na siyang pinakamahalagang premyo na pwede kong mapanalunan sa buhay ko, eh ayokong tratuhing parang premyo?

Dahil hindi siya bagay, gago. Kung gusto siya itrato ni Craig na parang butong pag-aagawan ninyong dalawa, ikaw, hindi. May respeto ka kay Meredith.

Pero tama naman. Kapag nakaluhod na ako sa harapan ni Meredith, ang gusto ko lang na iniisip ko ay mahal ko ang babaeng ito kaya kailangan niya akong pakasalan dahil ayokong mabuhay nang wala siya. Hindi "bilisan mong sumagot at nand'yan na si Craig!" Leche. Ayokong isipin ang gagong 'yun habang nagpo-propose ako.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Where stories live. Discover now