Acrimonious Heart - 15

4 2 0
                                    

28 years ago...

"Cassandra! Kumain ka na. Sa isang linggo dadating ang mga magulang mo. Be ready ha! Be a good girl, okay?" sambit ni Tita habang nakaluhod sa tapat ko, hinihimas ang baywang ko with her two index fingers.








"Okay po, Tita! Hehehe. Tell me if co-come na sila, ah! I'm super excited po na makita sila Mommy at Daddy!" I enthusiastically replied, jumping with bliss and joy. I happily engaged myself on the seat at the table at saka sumubo ng spoonful of rice na may various viands like ham, fried egg, hotdog, and bread. Usual breakfast ng mga tao. I'm actually insecure sa ibang mga kids na nakakatikim ng pritong isda. I badly wanna try galunggong and tinapa! I'm sure they'd be of great taste!








"Titaaa! Can I get an orange juice, yung zesto po! Babaunin ko po sa school." I giggled while stating what I needed. Tita refused dahil kailangan ko ng tubig. Recently nga pala kasi, nagka-UTI ako. Akala nga ni Tita magkakaroon na ako nung mga older girls! Yung may dugo dugo! I don't know what it's called, e, pero masyado pa raw maaga sa age ko. I accepted her response. Since nakapag-ayos na ako dahil inayusan ako ng aking favorite yaya! Yehey! Dumeretso na agad ako sa service van kasama si Tita. Pagkatuntong ko sa van, I saw multiple names on the back of the driver's seat. Ngayon ko lang nakita ito.








Oyi Fuentivas-Valentine. Erica Valentine. Taya Valentine. Ash Fuentivas. Izaryn Fuentivas.








I wonder what my Tita's name is? Ayan yung mama ko, naka-highlight ng yellow, Izaryn ang name. Super ganda! Also, yung iba, mga pinsan ni Tita, yung mga Valentine ang surname. Matagal-tagal na rin kami nagsasama ni Tita, pero 'di niya sinasabi sa akin ang pangalan niya dahil nga ang sabi niya sa akin, I can just call her Tita.








Out of the blue, nakarinig ako ng ringtone. Galing sa phone ni Tita. Nakatulog kasi si Tita habang nasa byahe, malayo pa naman ang school ko. Kinuha ko ang phone, and I saw the name, Izaryn. My mother. I did not hesitate to take the opportunity to take advantage for answering the call. Yes! Makakausap ko na si Mama after 8 long years!

"M-Mama—"

"Hey! Ikaw ha. You're now learning to do these things, Cassandra! Huwag mo nang gagawin 'to sa susunod, okay?!" nagulat ako nang biglang magising si Tita. Hinablot na rin ni Tita ang phone niya saka kinausap si Mama. I immediately brushed the enthusiasm I had on my face a while ago.








"Oo, Izaryn. Pasensya na, nasigawan ko ang anak mo. Kumukulit na rin kasi. Sige, sige. Tawag ka na lang mamaya ha. Nasa byahe kami ngayon, hinahatid ko si Cassandra sa paaralan. Sige, salamat!" the sentiments I heard from Tita habang kausap niya si Mama. I hope I could also hear my mother's voice. It's been eight years already. Eight years na akong humihinga, yet I couldn't even have the chance to see how my Mama breathes, even the way how she speaks.








One hour kami nag-ride sa car. And now, I'm at school! I'll be meeting my best friends! My second cousins! Agatha and Hiro! Sila lang din kasi ang talagang pinsan ko since walang anak si Tita Ash, pati itong si Tita ko na hindi ko alam ang pangalan.








Pagkababa ko, binilisan ko kaagad ang takbo ko while also fastening my carry sa stroller ko! Niyakap ko kaagad silang dalawa with my warmest embrace! We giggled pa. We also followed our goodbye bidding kay Tita, kasama na sa mga driver. And of course, I gestured with a thank you wave! I will never forget to thank them for their committed service! Pero pansin kong nakasimangot si Hiro, hindi ko rin alam kung bakit. Tumatawa pa siya kanina nang makalabas ako, pero parang nabahiran siya ng yamot nung tumingin siya sa relo niya. Am I too late na ba?








Acrimonious Heart: The Last Bullet 🔞Where stories live. Discover now