Chapter 12

2.8K 137 3
                                    

Xiara's POV

"Class Dismissed." Sabi ng prof at napa-yes nalang kaming lahat dahil tapos na ang klase at lunch na.

Inaayos ko palang yungg gamit ko nang may humila sa kamay ko at dinala na 'ko sa labas ng room. Di ko tuloy naisara yung bag ko. :3

"Hay salamat! Buti nalang nahila na kita agad!" sabi ni Mizzy. Siya pala yung humila sa'kin.

"Huh? Bakit? Ano bang meron Mitz?" tanong ko.

"Eh Xi naman! Most of the time sa room ka nalang kumakain! Namimiss ka na rin naman namin nila Lily at Cara kakuwentuhan tuwing break time!" sabi niya.

"Asus! Drinamahan mo pa 'ko! Sige na, thank you na sa pag-hila sa'kin mula dun!" sabi ko.

"You're welcome! Tara na, dali! Marami kang ikukwento sa'min ngayooon!" at hinatak na niya 'ko pababa sa canteen.

(Canteen)

"Grabe naman pala yang mga ka-batchmates mo, Xi!" komento ni Cara.

"Oo nga! Mga user!" pag sang-ayon naman ni Lily.

Kinwento ko kasi yung nangyari kung bakit di na 'ko masyadong nakakasabay pag break time.

"Anyway, kamusta naman maging in-a-relationship with the bassist? Yiiieee!" pag-oopen ni Mizzy ng topic.

"OMG! Sila na?!" gulat na tanong nila Lily at Cara.

"Oo girls! Alam niyo ba nung isang araw inexcuse siya ni Winter para ata kumain tapos nung lunch naman nawala siya kasama niya yung Daydream, inexcuse daw ng dean sa mga natitira pa nilang subjects. Nung isang araw naman may LQ silang dalawa tapos may pa-arte arte pang di daw sasabay kay Winter! Kyaaa~" kilig na kilig na kwento ni Mizzy sa dalawa.

"Hala! Ano bay an! Ang swerte mo Xi! Ikaw na hindi naman fan nakakasama mo sila pero kaming fangirls minsan lang!" reklamo ni Lily.

"Oo nga! One time lang naming sila nakasama. Nung recess lang." dagdag pa ni Cara.

Tinulak ko naman si Mizzt patagilid. "Loko ka, Mizzy! Laglagan na rin lang, magkukwento na rin ako! Kung paano kinuha ni Kabe yung number mo at paano ka niya nililigawan!" napa-tingin sa'kin si Mizzy na nanlalaki yung mata.

"Oo, alam ko! Paano ko nalaman? Secret!" sabi ko at bumelat pa. Childish me.

"Waaah!!! Madaya kayong dalawa!!!" reklamo nila Lily at Cara.

Nag-kwentuhan pa kami at nag-asaran nang may yumakap sa'kin mula sa likod sabay halik sa pisnge ko.

"O to the M to the G!!!" sabi nung tatlo at nag-paypay pa gamit yung mga kamay nila na parang kailangan nila ng oxygen.

"Hi." Bati sa'kin ni Winter.

"Hello." Matipid kong sagot.

"Pwede maki-join sa tawanan niyo?" tanong niya.

"Huh? Di na tayo kasya! Yung apat pa." sabi ko.

"Di ko sila kasama. Nandun sila sa room eh. So ano? Pwede maki-upo?" tanong niya. Tumango nalang ako. Yung tatlo naman, ayun! Hindi na nakapag-salita.

"Hmm... Xi, ipeprepare pa pala naming yung report namin. Una na kami." Sabi nila Lily at Cara at sabay pang tumakbo palayo.

Tumayo na rin si Mizzy at nag-paalam, "Ako rin Xi, aalis na. Sa library lang ako, hihiram ako ng libro."

Narinig kong tumawa yung katabi ko ng mahina. "Parang alam ko na yung gusto nilang mangyari." Tumango nalang rin ako.

"Kumain ka na?" tanong ko.

"Kakatapos lang. Anong oras ka babalik sa room niyo?" tanong niya.

Tumingin muna ako sa relo ko at tinignan yung oras. 12:45 PM palang naman.

"1:30 pa." sagot ko.

"Hmm... okay." Sabi niya at tumango.

Nakaupo lang kami dun at saglit na nag-usap nang may lumapit na dalawang babae kay Winter.

"Hi Winter!" malanding sabi nung isa.

"Hello." Matipid na sabi ni Winter.

"Wanna join us for lunch?" sabi nung kasama niya at hinawakan pa si Winter sa braso. Napa-irap nalang ako. Flirts.

"Sorry. Kakatapos ko lang kumain ng lunch ko eh." Pag-tanggi ni Winter pero yung dalawa hindi pa rin siya tinigilan.

Mukhang naiinis na si Winter dun sa mga malalanding babae pero hinayaan ko nalang sila. Bahala siya jan. Mwehehehe.

Nagulat ako nang kapitan ni Winter yung kamay ko at hilain ako patayo sabay akbay sa'kin. "Sorry talaga girls. We need to go. Let's go, babe." At tuluyan na kaming umalis sa harap ng mga babaeng yun.

"Babe daw?!"

"Mas maganda pa tayo dun eh!"

"Na-gayuma ata si Winter."

Rinig ko pang sabi nung dalawa bago kami nakaalis ng tuluyan ni Winter doon. Dumiretso kami sa garden ng school. Hindi naman favorite place ni Winter 'to no?

"Dito na naman tayo?" tanong ko.

"Masaya kaya dito! Pwede humiga! Tsaka fresh air." Tapos hinila niya 'ko papunta sa ilalim ng isang puno. Naka-upo kami sa ilalim nun. Tinignan ko ulit yung oras at 12:57 palang. May 33 minutes pa.

Nilabas ko nalang yung notebook ko para naman may magawa ako. Si Winter naman tinitignan lang yung mga ginagawa ko.

"Xi, ano yan?" tanong ni Winter at sinisilip silip niya yung notebook pero nilalayo ko.

"Sikretong malupet." Sabi ko at tumawa ng mahina.

"Sikretong malupet, tss." Pag-uulit niya sabay umirap.

"Winter, bakla ka ba?" tanong ko.

"Tingin mo?" tanong niya pabalik.

"Oo eh. Hahahahahahaha—" naputol yung pag-tawa ko nang ilapit ni Winter yung mukha niya sa'kin. Halos magka-lapit na yung mukha naming sa pwesto naming ngayon. Ang lapit niya masyado!!!

"Bakla? Baka gusto mong patunayan kong hindi totoo yang sinasabi mo?" sabi niya habang naka-lapit parin yung mukha sa'kin. Ramdam ko yung init ng hininga niya. Tsaka... amoy mint yung hininga niya.

"A-ano... Winter... joke lang y-yun..." bakit ako nauutal?!

Napahinto ako sa kinauupuan ko. Kiniss ako ni Winter sa... ilong.

Nagulat nalang ako nang bigla siyang mag-salita. "My Future Boyfriend's To Do List... #1!"

"Wag mo babasahin!" sigaw ko at inagaw sa kaniya yung notebook ko.

"Bakit naman?" tanong niya.

"Private Property."

I Want The BassistWhere stories live. Discover now