Chapter 6

3.2K 141 5
                                    

Xiara's POV

Winter:
Xiara Kaethe, nandito na 'ko.

Napa-silip naman ako bigla sa bintana ng apartment ko at nakitang may pamilyar na kotseng naka-parada sa labas. Nanjan na nga talaga. Tsk.

"Mitz, Lily, Cara, mauuna na 'ko sainyo ah? Nanjan na kasi yung sundo ko." Sabi ko na walang gana.

Kagabi kasi ay naisipan ng mga babaeng 'to na mag-sleep over dito sa apartment ko. Nag-laro lang kami at sabay-sabay na gumawa ng projects bago natulog.

"Wait. Sino?" tanong nilang tatlo. Nang hindi ako sumagot ay nag-unahan na sila papunta dun sa bintana na sinilipan ko kanina.

Hindi naman mahirap tignan yung mga nasa baba dahil nasa second floor lang 'tong apartment ko.

"Hala. Ayun! Ayun!" sabi ni Cara habang may itinuturo sa baba. Nakita na ata niya.

"Kotse ba ni Winter yun?" tanong naman ni Lily pero bigla siyang hinampas ni Cara.

"Madaming kapareho ng kotse yun si Winter 'no! Tsaka bakit— Oh my gosh! Bumaba na ng kotse! Si Winter nga!" gulat na gulat na sabi ni Cara habang nag-tatatalon.

Napa-harap sa'kin si Mizzy habang may nakakalokong ngiti.

"Anjan na pala si boyfie. Sige na, mauna ka na. Bye bye Xiara Kaethe Perez-Sandoval! Ayiiieee!" sabay tulak niya sa'kin palabas ng pinto ng apartment ko. "Wag mo kakalimutang mag-kwento pag-uwi mo!"

Natawa nalang ako sa kanilang tatlo. Bumaba naman ako ng building ng apartment at nakita ko si Manong Recardo, ang security guard nitong apartment, na hinaharang si Winter para hindi maka-pasok.

"Ser, hindi nga ho pwede pumasok sa loob hangga't walang susundo sainyong taga-apartment!" sabi ni Mang Cardo na parang nakukulitan na.

"Ako si Winter Drew Sandoval! Hindi mo ba 'ko kilala?" naiirita na ring sabi ni Winter.

Lumapit na 'ko para hindi na sila maka-agaw pa ng atensyon doon.

"Morning, Mang Cardo!" bati ko at nag-salute pa.

Hinila ko na si Winter paalis doon dahil parang mainit na ang ulo.

"Pasensya na, natagalan ako." Sabi ko nang makalayo na kami ni Winter.

"Bakit ba ganun yung security guard sa apartment niyo? I mean— hindi ba niya ako kilala? Hindi ba ako mukhang katiwa-tiwala para papasukin sa apartment na 'yon?" reklamo niya kaya napa-tawa ako ng mahina.

"Para kang bata. Nung sa Mall Tour akala ko cold ka na bad boy na ewan pero ngayon para kang bata. Nag-tatransform ka ba?" sabay tawa ko pero agad din akong tumigil nang sumama ang tingin niya. Sabi ko nga, walang nakakatawa. -.-

"Intindihin mo nalang si Mang Cardo. Ginagawa lang naman niya yung trabaho niya tsaka di ka talaga kilala no'n. Matanda na masyado eh." Paliwanag ko nalang..

"Tss. Tara na nga." Sabi nalang niya at dumiretso na sa driver's seat.

Bubuksan ko na sana yung pintuan sa back seat nang biglang mag-salita siya.

"Dito ka sa tabi ko sa harap. Di mo 'ko driver." Hoo! Sungit talaga! Hmp. Sinunod ko nalang siya at umupo na sa shot-gun seat.

Ilang minuto din kaming tahimik nang bigla siyang mag-salita.

"Anong kadalasan mong sinasakyan pag pupunta ka ng school?" tanong niya.

"Hmm... Nag-lalakad." Sagot ko.

"Lakad? Seryoso? 20 minutes na lakad din yun! Di ka napapagod?" gulat na sabi niya.

"Minsan napapagod, minsan hindi. Depende naman yun sa mood ko." Sabi ko.

"Tsk. From now on, I'll fetch you. Home to School and vice versa." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Seryoso yun?

"Ha? Ano... Hmm... di mo naman kailangan gawin yun. Kahit once a week lang or every Friday. Ganun. Wag naman araw-araw." Sabi ko.

"Ano ba kita rito?" tanong niya sabay taas ng kilay. Bakla ba 'to? Pfft.

"Hmm... Girl..." Lumunok muna ako bago ko sabihin, "Girlfriend."

"At bilang boyfriend mo, ihahatid sundo na kita simula sa araw na 'to." Sabi niya.

"Pero Wi—"

"That's final." Sabi ko nga, final na. -.-

Winter's POV

Di ko mapigilang mapa-tingin sa katabi ko dahil naka-pout siya ngayon. Okay, fine. Ang cute niya tignan. Ugh!

Nung sinabi ko sa kaniya kahapon tungkol sa plano na maging girlfriend ko siya 50/50 'yon. May mga nasabi akong totoo at meron din namang hindi.

Malapit na kami sa school at halata kong kinakabahan siya. Kanina pa siya nag-bubuntong hininga ng paulit-ulit eh.

Muntik ko na nga malimutan na Day 1 na pala ng pustahan naming ni Seth at buti nalang pinaalala niya sa'kin kanina. Kung hindi niya pinaalala malamang hindi si Xiara ang kasama ko ngayon kundi yung apat na yun.

Di nga kami nakapasok kahapon eh. Pa'no kasi nag-bar pa kami nung gabing pinayagan kami ni Manager Clar.

"Ano palang course mo?" tanong ni Xiara sa'kin.

"Information technology, ikaw?"

"Tourism."

"Ikaw? Mag-tutourism? Eh diba..." napa-tingin ako sa kaniya mula ulo hanggang paa.

Kumunot naman yung noo niya, "Yabang nito! Oo na, kulang na 'ko sa height! Eh ano naman? Psh."

"Wala akong sinasabing ganun! Ikaw lang nagsasabi sa sarili mo nun." pang-aasar ko pa.

"Badtrip. Dapat talaga di ako sumabay dito eh. Tss." Bulong niya pero narinig ko naman. Nakita ko pa siyang umirap kaya napatawa nalang ako ng mahina.

Pinark ko na muna yung kotse ko nang makarating kami sa university. Nang maayos ko na ang pagkaka-park ng kotse ay lumabas na 'ko at pumunta sa kabilang side para pag-buksan si Xiara ng pinto.

Pagka-labas niya ay dire-diretso lang siyang nag-lakad. Di ba uso thank you sa kaniya?

Nilock ko muna yung pinto at hinabol siya. Nag-simula nang mag-bulungan yung mga estudyante. Di ba sila nasabihan na mag-tatransfer na kaming lima dito?

"Oo nga pala, lilipat na sila dito." Rinig kong bulong ni Xiara pagkalapit ko sa kaniya.

"Uy, updated siya." Pang-aasar ko sabay akbay sa kaniya. Tatanggalin n asana niya nang mag-salita ako. "Anong ginagawa mo, babe?" diniinan ko talaga yung babe para maalala niyang pretend couple kami ngayon.

"Sorry naman ah?" bulong niya.

Naka-akbay lang ako sa kaniya hanggang sa huminto siya sa tapat ng hagdan kaya napahinto narin ako.

"Oh, bakit tayo huminto?" tanong ko.

"Kasi po dun po ang building ng IT, hindi dito." Sabay turo niya sa building sa left side.

"So?"

"Anong so? Di ka papasok? Unang araw mo dito sa university tapos ma-cucutting ka na agad?"

"OA mo naman masyado, babe. Ihahatid lang naman kita. Masyado kang concern sa'kin eh." Sabi ko at kumindat pa. Nakita kong umirap na naman siya kaya inakbayan ko nalang siya at pumunta na kami sa room nila.

"Dito na 'ko, Winter. Salamat sa pag-hatid." Sabi niya at huminto na kami sa tapat ng classroom nila. Nang makita ako ng mga kaklase niya ay automatic na nag-bulungan sila.

"By the way, wag mo 'kong tawaging babe. Hindi ako baboy." Sabi niya. Arte! Haha. Ang cute talaga niya.

"Okay, mahal nalang. See you later." Sabi ko. Nakita kong namula siya bago ako tumalikod at umalis.

Namula ba yun sa inis? O sa kilig? Hahahaha.

I Want The BassistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon