Chapter 3

3.3K 148 5
                                    

Winter's POV

Maaga kaming nag-punta sa studio ng Daydream dahil may sasabihin daw si Manager sa'min. On break daw muna kaming Daydream hanggang sa ipatawag na ulit kami. Ilalabas na rin kasi yung 3rd album namin at sabi nila na sa araw na ipapatawag kami ay one week bago yung release date ng album.

"So... anong plano? Halos 2 months din tayong on break." Tanong ni Lester.

"Kami ni JC may plano. Ewan nalang naming sa inyo." Sabi ni Katsumi.

"At ano naman yun?" tanong ko.

"Mag-qquality time muna kami ng mga girlfriend namin." Sabi ni Katsumi at pareho na sila ni JCng lumabas ng condo unit ko.

After 5 minutes, saka lang namin na-realize yung sinabi ni Katsumi. Quality time kasama yung mga girlfriend nila? Alam ko si JC meron naman talagang girlfriend yun. Pero si Kabe?

"Mga tol, may girlfriend na ba si Kabe?" tanong ni Lester at sabay kaming napa-iling ni Seth. Nagka-tinginan kaming tatlo bago ko tinawagan si Katsumi.

Pag-tapos ng ilang ring ay sinagot na rin niya.

"Ano ba yan, Winter! Magka-text kami ni Mizzybabes! Panira ka naman ng moment! Kainis! Bakit ba?!" inis na bungad sa'kin ni Katsumi nang sagutin na niya ang tawag.

"Kabe, bumalik ka rito. Pinapaalala ko lang sa'yo na wala ka pang girlfriend. Wag ka nang mangarap!" natatawa kong sabi.

Sa harap lang ako ng Daydream nagiging ganito. Nagiging si Winter talaga. Walang halong acting, walang halong kaplastikan.

"Akala mo lang 'yon Winter. Akala mo lang." sagot sa'kin ni Kabe.

"Umayos ka nga ng sagot mo!" sigaw sa kaniya ni Seth na inagaw na yung cellphone ko.

"Ano ba yan! Soon to be girlfriend palang, okay? Kaya wag niyo na sirain diskarte ko, bye!" sabi niya at ibinaba na nga yung tawag. Ibinalik na rin sa'kin ni Seth yung cellphone ko.

"Sino na naman kayang nagayuma no'n?" tanong bigla ni Lester kaya natawa kami ni Seth.

"Palibhasa wala pa si Mae kaya wala ka ring maka-date eh." Sabi ni Seth sa kaniya kaya nabato siya ni Lester ng unan.

Sa aming Daydream ata ako nalang walang girlfriend eh. Well, si Katsumi din dapat pero meron na nga daw nililigawan ang loko.

"Oh eh ano na talagang plano nating tatlo?" tanong ni Seth.

"Eh kung simulan mo na kayang hanapin si Apple nang masimulan mo na yung 50 Days? Diba mag-sisimula yung countdown pag nahanap mo na siya?" sabi ni Lester.

"Apple?" tanong ni Seth.

"Oo, yung naka-nakaw ng first kiss ni Winter nang dahil sa Apple?" explain ni Lester kaya ako naman ang namato ng unan.

"Boo! Mais!"

(Condo)

"Ugh!" sabi ko saka nahiga sa kama ko. Ang sakit na kasi ng likod at ng mata ko. Kanina pa 'kong 5:30 naka-online pagkaalis nila Lester at Seth pero hanggang ngayon, 10:38 na di ko parin nahahanap yung babaeng Apple na yun.

Wala naman talaga akong balak na hanapin yung babaeng yun eh. Pero dahil wala narin naman akong magawa ngayong on break kaming Daydream, why not search for her and do the deal?

Nag-punta na muna ako ng CR para makapag-shower saglit at matutulog narin ako pagka-tapos. Siguro naman bukas mahanap ko na rin yung babaeng yun diba?

Lumabas ako ng CR na naka-boxer shorts lang. Mas kumportable akong matulog pag ito lang suot ko eh. Umupo na 'ko sa kama at nag-punas na ng buhok nang biglang umilaw yung phone ko.

Twitter Notification.

"Bahala kayo basta WinXi Shipper ako! @imwintersandoval @xkfperez"

I clicked the mentioned twitter account xkfperez. Nakita kong madami itong followers. Half ata ng fans ng Daydream ay finofollow siya. Stinalk ko saglit ang profile niya para naman masiguro kong hindi lang 'to poser.

Nang masiguro kong kaniyang account talaga 'yon ay kumurba ang aking labi para sa isang ngiti. I never thought finding her was this easy.

I Want The BassistWhere stories live. Discover now