Chapter 9

2.8K 137 11
                                    

Xiara's POV

"Xiara, pakibigay naman kay Winter 'o."

"Ito ring sa'kin."

"Xiara, ito ding cake!"

"Sabihin mo pa-sign naman nito."

"Xiara, pakitanong naman yung number ni Seth."

Naiinis na 'ko sa nangyayari ah! Monday na Monday dinadagsa na naman ako ng fans ng Daydream! Ugh! Di ko pa nga naibibigay yung pinabibigay nila Ann at Kristine kay Winter tapos ito na naman sila?

Di kasi ako nasundo ni Winter kanina dahil pinatawag silang lima ng manager nila. Hindi naman sa inaasahan kong susunduin nga niya 'ko, ang sinasabi ko lang hindi ko naibigay sa kaniya yung regalo nila Ann at Kristine.

Ang mas nakakainis pa break time pa lang ang dami nang nagpapa-abot! Di ba pwedeng kumain muna ako? Minsan gusto ko nalang sabihin na 'Hello guys? Dalawang building lang ang pagitan ng building natin sa building ng IT students! Pwedeng kayo na lang mag-bigay?' Argh!

"Okay, sige. Pakilagay nalang jan." sabi ko sabay turo sa desk ko at yung iba naman sa ilalim ng chair ko.

Nasa canteen na si Mizzy kasi sabi ko hintayin niya nalang ako. Ayun, siguro kumakain na yun ngayon kasama si Lily at Cara. Hays. Nagugutom na 'ko!

Patuloy pa rin ako sa pag-abot ng mga 'pabigay naman' gifts nang biglang mag-ring yung phone ko. Si Winter, tumatawag.

"OMG! Ringtone mo yung I Heart You! Ang sweet naman!" sigaw ng classmate kong si Angela kaya nag-smile nalang ako sa kaniya.

"Sila na nga talaga, oh my gosh!" si Jamie naman.

Lumayo nalang ako ng konti at sinagot ko na ang tawag ni Winter.

"Oh?" walang gana kong tanong. Nagugutom na 'ko!

"Nasaan ka? Ba't wala ka pa dito sa cafeteria? Sabi ng kaibigan mo susunod ka daw ah! Xiara Kaethe, matatapos na ang break time pero wala ka pa rin. Nasaan ka ba?" tanong niya. Rinig ko naman yung mga ka-banda niya at yung mga kaibigan ko sa background na nagtatawanan at nagkukwentuhan.

"Paabot ng burgerrr!" sigaw pa ni Lily na lalong nagpa-gutom sa'kin. Ugh.

"Xi? Ano na?"

"Sorry." Tumingin ako sa mga fangirls na nasa labas pa ng room namin nag-hihintay para lang mai-abot ko yung mga regalo. "Di nalang muna ako kakain ngayong break time. Baka mamayang lunch or dismissal nalang."

"Ano?! Nasaan ka ba?!" ba't ba sigaw ng sigaw 'to?

"Pasensya na ah? Madami pa kasi akong ginagawa tsaka ano... hindi pa kasi ako tapos sa assignment ko para sa next subject." Pagsisinungaling ko.

"Tsk. Hindi mo naman kailangang pag-takpan yung mga fans na nanjan sa tapat ng room niyo. Hintayin mo 'ko jan."

"Ano—" di na niya 'ko pinatapos at nag-end na yung call.

Lumipas na yung 1 and a half hour ng break time at unti-unti nang nag-alisan yung mga fangirls. Mukha nang Christmas tree yung pwesto ko sa dami ng regalo! Psh. Ni isa jan wala namang para sa'kin.

"Good Morning Class." Bati sa'min ni Ms. Gonzales.

"Good Morning Ma'am." Bati naming. Hala, sh--! Ngayon nga pala yung oral recitation namin!

"Oh, Ms. Perez? Ang aga naman ng pasko sa'yo." Pang-aasar ni Ma'am kaya tumawa nalang ako ng sarcastic. Tss.

Di niyo lang alam na gutom na gutom na gutom na gutom na gutom na 'ko! Halos mag-wala na yung anaconda sa tiyan ko. Hindi na nga ako nakakain ng breakfast, pati ba naman break at baka hanggang mamayang uwian ay hindi pa 'ko maka-kain!

Nag-simula na ang recitation at nag-tatawag na si Miss ng mga pangalan ng mag-rerecite. At syempre, saan pa ba mag-sisismula? Syempre sa A! Pero dahil si Ms. Gonzales yan, sa Z mag-sisimula! Kamalas malasan pa at X nag-sisimula ang pangalan ko. Buti nalang si Mizzy medyo malayo pa. De javu!

"Okay, next. Ms. Xiara Perez." Tawag ni Ms. Gonzales sa'kin kaya tumayo naman ako.

"Recite to me 5 airports and 5 drinks that we've discussed."

"Ninoy Aquino International Airport." Tumango naman si Miss bilang cue na ituloy ko lang at tama ang isinagot ko.

"Philippine Airlines." Tumango na naman siya.

"Cebu Pacific." At tumango ulit siya.

Nang sa drinks na ay medyo natagalan ako. Wala na 'ko halos maalala sa drinks dahil yung ibang pangalan doon ay mahirap imemorya!

"Continue Ms. Perez—" napa-tigil si Ms. Gonzales nang mag-tilian yung mga kaklase ko.

"Oh, Mr. Winter Sandoval!" napalingon tuloy ako sa pinto. "What can I do for you?" tanong ni Ms. Gonzales sa kaniya.

"Miss, can I excuse Xiara for your class?" tanong ni Winter habang ngumingiti pa kay Ms. Gonzales. Tss. Pa-cute.

"Sure. Go with him, Xiara. Bukas ka nalang mag-recite." Napa-ngiti naman ako. Kinuha ko na yung bag ko at sumama na kay Winter. Iniwan ko na muna sa loob yung mga 'paabot' gifts.

Nang makalayo na sa building naming ay agad kong binigyan si Winter ng isang bear hug! "Yes! Oh my God! Safe ako sa recitation! Thank you talaga at dumating ka, Winter! I love you na talaga! Sinave mo— Ay sorry." Napa-bitaw ako ng yakap at biglang napa-yuko. Ano bang nangyari sa'kin? Bakit ko ginawa yun? Nakakahiya!

Narinig ko na tumawa siya ng mahina, "Wag kang yumuko. Iisipin kong kinahihiya mo 'ko bilang boyfriend mo. Sa pogi kong 'to? Hahaha. Joke lang. Tara na, kain nalang tayo." Sabi niya at hinila ako sa garden ng school. Shemay, feeling ko hanggang ngayon namumula yung mukha 'ko.

"Bakit dito mo 'ko dinala? Akala ko ba kakain tayo?" tanong ko.

"Oo naman. Parang picnic na rin." Sabi niya at nilabas na yung tatlong paper bag ng KFC. Oo nga pala, endorser siya nun.

"Tara, kain na tayo." Sabi niya.

"Teka— bakit tayo? Diba dapat ako lang?" tanong ko at bigla na naman niya 'kong pinitik sa ilong. Nakakarami na 'to ah!

"Hindi po kasi ako kumain kanina."

Napa-kunot yung noo ko, "Bakit naman?"

"Wala kasi yung girlfriend ko. Wala akong kasabay." Sabay kindat niya.

"Pwede pa naman mamayang lunch ah?" tanong ko.

"May pupuntahan tayo mamayang lunch."

"Saan?"

"Basta. Kumain ka na lang."

Natapos naman kaming kumain. Wala pa ngang 30 minutes ay paakyat na kami pabalik sa room. Nang makarating na kami sa tapat ng room naming ay saktong wala pang prof.

"Sige na, umalis ka na. Bye. Thanks sa food!" sabi ko at papasok na sana kaso hinila niya 'ko sa braso at pinaharap sa kaniya.

"You're welcome. At wag mong kakalimutan yung pupuntahan natin mamayang lunch ah?" sabi niya sa'kin. Tumango ako.

"Sige na, shoo na! Babye!" nag-hi muna siya sa mga kaklase kong babae na ngayon ay kilig na kilig na saka siya bumaling sa'kin.

"Sige na nga, pinapaalis na 'ko ng girlfriend ko eh." Natatawa niyang sabi bago tumalikod at nag-lakad.

Tatalikod na rin sana ako para pumasok na ng room nangn tawagin na naman niya 'ko.

"Xiara!"

"Ano na naman?!" inis na sabi ko.

"Wala naman." Natawa siya ng mahina. "I love you too."

At katulad nung unang beses niya 'kong hinatid ay namula na naman ako.

I Want The BassistWhere stories live. Discover now