CHAPTER 16

5 0 0
                                    

🌧
ASHERA

Pagkalabas ko ng back stage ay agad akong nilapitan ni Ali na halatang nag-alala rin.

"Okay ka na?" Tanong agad niya.

"Oo, simpleng pagkahilo lang naman.." Sagot ko.

Maya-maya lang ay tinawag na kami sa stage para sa gagawing quiz bee, pero law students lang ang kasali dahil University naman ng Legal management yun, may mga sumali na taga ibang University pero mga law students lang din. Actually, hindi lang naman legal management ang inooffer ng University namin dahil may ibang course din. I don't know why Legal management University (LMU) ang pangalan ng University namin.

"Nag-advance reading ka?" Tanong ni Verlia sa akin.

Oo, pero hindi ko maintindihan..

"Hindi." Diretsong sagot ko, baka asahan na naman nila ako.

"Okay lang yan matalino ka naman eh, I'm sure masasagot mo lahat ng itatanong nila.." Saad ni Jiang. See?

"Representatives, punta na kayo dito sa harap.." Tawag ni Ali sa amin, dalawang team ang magkalaban at may limang miyembro ang dalawang team na yun, bali ka-team ko sina Jiang, Geo, Kian, at si Quinn. Matatalino sila kaya wala akong problema, dalawa lang ang kasama naming lalaki pero hindi ko gaanong kilala dahil hindi ko naman sila blockmates, ang alam ko lang ay pareho silang nasa Dean's list. Yung kabilang team naman ay galing sa ibang University, halatang matatalino rin.

"Instruction, hit the buzzer if you know the answer, and please no couching.." Paliwanag ni Verlia.

"Okay, let's start.." Saad pa ni Ali tsaka kami binigyan ng microphone. Bale, manggagaling sa mga guest ng University yung tanong at sila rin ang mag-jujudge kung sino ang mananalo. Ang malas ko lang dahil isa si Kuya Dem sa mga magtatanong.

Sana, hindi niya ako pahirapan sa tanong.

"The first question is, who is known as the Father of the Constitution in the United states?" Tanong ng isang Attorney. Oo, attorney talaga ang unang nagtanong pero okay lang dahil madali lang naman yung tanong, kaya agad ko ng pinindot ang buzzer.

"James Madison." Sagot ko, agad namang naghiyawan ang mga nanonood at nakita ko pang napangiti si Kuya Dem.

"And he was?" Tanong pa nito.

"He was the America's fourth president (1809-1817)." Sagot ko naman.

"Why did he become known as the Father of the constitution?" Dagdag pa nito.

"Because he made a major contribution to the ratification of the constitution by writing the federalist papers, along with Alexander Hamilton and John Jay." Sagot ko.

"You're good, huh?.." Biro nito, nagtawanan naman ang mga tao sa sinabi niya.

"Okay, may one points na ang LMU at 0 points naman ULJ (University of Legal Justice)." Saad ni Ali. Ang next naman na magtatanong ay ang President ng Hutchinson Enterprise.

"What is the principle of stare decisis in legal system?" Tanong nito, mabilis namang pinindot ni Kian ang buzzer, mukha pa siyang kinakabahan.

"A legal principle that direct courts to adhere to previous judgements (or judgments of higher tribunals) while resolving a case with allegedly comparable facts.." Sagot nito.

"And what is the stare decisis means in Latin?" Tanong pa nito, halata sa mukha ni Kian na hindi niya alam ang isasagot.

"Alam niyo ba yun?" Tanong ni Quinn, nang walang sumagot ay ako na ang nagsalita.

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: 4 days ago ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

The Last RainfallWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu