PROLOGUE

50 3 0
                                    


DISCLAIMER

This story contain sensitive content and strong languages that may not suitable for a young audiences.

This is a work of a fiction.
Names, characters, businesses, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


🌧

"Go home. Now." Mariing utos ni Kuya Dem mula sa kabilang linya, halatang nagpipigil ito ng galit dahil halos kanina pa kasi dapat ako nakauwi ng bahay pero ito ako at naglalakad papunta sa pinakamalapit na convenient store.

Malakas ang buhos ng ulan kaya kahit na nakapayong ako ay nababasa pa rin ako, mahangin din at mas tumataas na ang tubig sa kinaroroonan ko kanina. Bakit ba naman kasi naisip pang magpa-quiz nung last subject teacher namin! Ayan tuloy naabutan pa ako ng ulan! Wala pa namang susundo sakin ngayon!

"Paano naman ako makaka-uwi, eh ang lakas ng ulan!" Reklamo ko naman sakanya, matatagalan pa nga yata ako dito dahil wala ring masyadong sasakyan na dumadaan, traffic na rin at baha pa sa ibang parte ng mga kalsada.

"Where are you?" Tanong nito, naririnig ko pa ang ingay sa paligid niya at ang malakas na pagbuhos ng ulan.

"Papunta ako ng convenient store." Sagot ko, alam niya na kung saang convenient store ang tinutukoy ko.

"Stay there. I'll pick you up after my class." Mabilis na sabi nito bago ibinaba ang tawag, pagkababa niya ng tawag ay agad kong ibinalik ang cellphone ko as loob ng bagpack ko na nasa harapan ko dahil baka mas mabasa ang iba pang gamit sa loob nun saka nagpatuloy sa paglalakad dahil mas lumalakas pa ang ulan.

Nang makarating ako sa convenient store ay agad akong pumasok sa loob at pinunasan ang sarili ko, halos maligo na ako sa ulan dahil sa lakas nun.

Matagal din akong naghintay doon hanggang sa humina na ang ulan kaya lumabas na ako, wala na rin ang mga tao na nakatayo kanina sa labas ng convenient store kaya naupo muna ako sa bench para maghintay pa ng kaunti, dumidilim na rin kasi, baka hindi na ako makauwi kapag nagtagal pa ako rito.

Lumipas ang tatlong oras na paghihintay ko doon bago ko napagdesisyunang tumayo na, umuulan pa rin pero hindi na gaanong malakas tulad kanina.

Bigla akong napahinto sa paglalakad nang mahagip ng mga mata ko ang isang lalaki na nakatayo sa gilid ng tulay, walang masyadong dumadaan sa parte na 'yon kaya mabilis nitong naagaw ang atensyon ko.

Basang-basa ito at naka-uniform pa na kaparehas ng uniform na suot ko ngayon, schoolmate ko siguro. Lumapit ako sakanya at bahagyang itinaas ang kamay ko na may hawak na payong dahil mas matangkad ito sakin.

Tumingin pa ito sakin at ganon na lang ang pagkagulat ko ng makita ko ang mukha nito, mukha kasing umiyak siya dahil medyo namamaga pa ang mata niya.

"Are you okay?" Maingat kong tanong rito pero hindi naman ito sumagot at nakatitig lang sa mga mata ko.

"Is it okay if I hugged you?" Tanong nito matapos ang mahabang katahimikan, nagulat pa ako sa tanong niya kaya hindi agad ako nakasagot. Umiwas ito ng tingin, mukhang nahiya siya bigla dahil hindi ako nakasagot sa tanong niya.

The Last Rainfall (Asche Series #1)Where stories live. Discover now