CHAPTER 15

9 1 0
                                    

🌧
ASHERA

Nang makatapos kaming kumain ay nagpaalam na din ako sakanila, kinuha ko din ang chocolate cake na inilagay ni Daven sa ref kanina, kasi para sa akin daw yun.. of course favorite ko yun kaya kukunin ko. Tinawagan ko na din si Kuya Dem para sunduin ako dahil malakas na ang ulan kaya hinintay ko na lang siya sa labas ng building ng condo ni Ivy.

Habang naghihintay ako ay may bigla na lang tumabi sa pwesto ko, naka-upo kasi ako sa isang waiting area sa labas lang din ng building kung nasan ang condo ni Ivy, hindi ko na binalingan pa kung sino ang umupo sa tabi ko.

"May hinihintay ka?" Tanong nito, kaya tumingin na ako sa katabi ko, kaya pala ganon yung tanong, si Axel kasi yung nagtanong.

Obviously.

"Wala, tumatambay lang talaga ako dito eh.." Sarkastikong sagot ko, pero tinawanan niya lang ako kaya inirapan ko naman siya.

"I like your sassy attitude.." Comento naman niya.

"Well, I don't like you."  Saad ko naman nang hindi tumitingin sakanya.

"You know, I don't get your attitude sometimes, minsan kasi sobrang bait mo tapos minsan naman ang attitude mo.." Saad pa niya.

Okay.

"I know, it's just me." Saad ko naman.

"I know that you don't like me, don't worry I don't like you too.. gusto ka na nga ng dalawa kong kaibigan tapos gugustuhin din kita, parang ang awkward na nun. Well, you're pretty, hindi ko naman sila masisisi kasi kung naging straight din ako baka ipursue din kita, pero hindi ako straight eh." Saad nito, hindi ko alam kung bakit niya 'toh sinasabi, at hindi ako gusto ng dalawa niyang kaibigan, maissue lang talaga sila, si Daven kaibigan ko lang siya at si Raizer, well I kinda liked him but I don't want to assume, kasi parehas lang sila ni Daven ng ipinapakita sa akin.

"Hindi nila ako gusto, okay?" Paglilinaw ko naman sakanya.

"Gusto ka nila, manhid ka lang talaga." Saad nito.

"Hindi ako manhid 'noh, ayoko lang talagang mag-assume kasi parehas lang sila ng ipinapakita sa akin." Depensa ko.

"Kaya nga, kasi gusto ka nila.." Saad pa nito.

"Kaibigan ko si Daven kaya ganon siya kumilos sa harap ko." Saad ko pa.

"Pero hindi na kaibigan ang tingin niya sayo, gusto ka niya hindi bilang kaibigan lang.."  Saad nito.

Okay?

"Pero kaibigan lang ang tingin ko sakanya." Mahinang saad ko, mukha namang hindi niya na yun narinig dahil malakas pa rin ang ulan.

"Mag-bestfriend si Daven at si Raizer, pero ngayung alam na ni Daven na may gusto sayo si Raizer, ewan ko nalang.." Saad pa nito, alam ko naman yun kaya nga hindi ko masyadong ipinapakita kay Raizer na nagugustuhan ko na siya, dahil baka mag-away sila dahil sa akin.

"Alam mo, impossible lahat ng sinasabi mo. Si Daven kaibigan ko lang siya, okay? Si Raizer, may Louie na siya." Saad ko dito, medyo nasaktan nga lang ako sa part ng sinabi ko na may Louie na siya.

Bakit?

Bakit ganito yung nararamdaman ko?

Normal na pagkagusto lang naman ang nararamdaman ko para kay Raizer pero bakit ako nasasaktan?

"Wait, Louie? You know about her?" Tanong nito.

"Actually no, tinanong kasi yan kay Raizer nung nagpainterview siya.." Sagot ko.

The Last RainfallWhere stories live. Discover now