Kabanata 38

109K 3.5K 2.5K
                                    

Kabanata 38

Rescue

Padabog kong sinubo ang isang caramel muffin at pagalit itong nginunguya habang nag-iisip ng paraan kung paano mananagot si Reizou sa ginawa n'yang pananakit kay Diablos.

"Ano'ng balita, Gael?" naiinip kong tanong sa consigliere ni Diablos na pumasok sa kusina ng log cabin ko.

Kasalukuyan akong kumakain ng meryenda na iba't ibang flavor ng muffins at isang lemon juice.

"M-Madam, wala pa rin. Hindi talaga mahanap. Mukhang magaling na red hat hacker iyong Senior Special Agent na kasamahan mo noon," kinakabahang ulat ni Gael sa akin.

"Hindi ba may black hat hacker kayo? Ano'ng silbi no'n?" I rolled my eyes at him.

"Si Boss Diablos iyong black hat hacker, madam. Natutunan n'ya sa kaniyang nakakatandang kapatid."

Naagaw kaagad nito ang buong atensiyon ko sa kaniyang binanggit. "Darkkon? Si Darkkon! Humingi kayo ng tulong sa kaniya! Sa Private Armed Forces! Isang araw na ang nakalipas at madadalawa na! Hindi n'yo pa rin nahahanap si Diablos!"

"Madam, mahahanap din namin ang 'Diablos mo'. Huminahon ka muna, Aoife. Nagdadalang-tao ka, tatlo pa. Don't stress yourself," pagpapakalma sa akin ni Gael.

Uminom ako ng lemon juice at sinubukang huminahon. Ramdam ko ang pagdaloy ng malamig na likido sa aking lalamunan. Ngunit umiinit pa rin ang aking ulo.

"Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko, Gael! Ang bagal n'yo! Ako na lang sana ang naghanap sa kaniya!" I can't stop myself from shouting. Everything pissed me.

"Aoife, think about the triplets. You'll lose them if you try to find the boss yourself and that means putting your life in danger." It was Cecelion's advice as he entered the kitchen.

Simula noong nalaman ko na buntis ako ay hindi na nawala sa isip ko ang kaligtasan ko. Noon naman ay wala akong pakialam kahit mapano pa ako. Iba na ngayon na lagi na lang akong kumakain at nagpapakabusog.

But I can't focus because of the problems. It bothered me, and I want to do something rather than just sitting pretty here. My womb was not protruding yet, I could still move like how I usually do.

Diablos. I need him. I want him. I can't sleep thinking what situation he got trapped in. Umabot pa sa punto na sinasaktan ko ang sarili ko sa paraan ng pag-iisip ng negatibo. Nakakasama ito para sa akin at sa mga buhay na dinadala ko.

"I'm stressed! Don't you think being stressed out won't risk my babies' lives? Kahit ano'ng gagawin ko. Tutunganga o aaksiyon ay pareho pa rin namang nanganganib ang buhay namin dahil wala si Diablos!" I reasoned and both of them shut their mouths.

Marahas kong dinakma ang isang chocolate muffin at pinanlisikan sila ng tingin nang sinubo ko ito.

Si Cecelion ay napahilot sa kaniyang nakakunot na noo at si Gael naman ay napakamot sa kaniyang batok.

Pansin ko rin sa sarili ko na nagiging marahas na ako. I was so moody, and I think I would only calm down when I get to have Diablos beside me.

"The boss is strong, madam. Baka ay bukas makalawa makakabalik na s'ya rito. Makakatakas din s'ya," pampalubag loob ni Gael sa akin at nagsalin ng lemon juice sa baso ko nang nakitang ubos na iyon.

I was treated like a queen here. They're so patient with me. Kahit na madalas ko silang nasisigawan at pinapagalitan. Minsan pa ay naiinsulto ko sila at kaagad din naman akong nakokonsensya.

Bagsak ang mga balikat ko matapos kong uminom ng lemon juice na s'yang sinalinan kanina ni Gael. My mind was playing with me and the thoughts made my heart throbbed. My chest tightened when I felt hurt for Diablos.

Abused Diablos (Sartori #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon