Kabanata 23

108K 2.6K 4.7K
                                    

Kabanata 23

Bitten

Another painful week. All I did was sleep, take a bath, drink water and barely digest food in my stomach.

Hindi man lang ako nagawang dalawin ni Diablos dito. Gabi-gabi rin akong hindi makatulog kakaisip na baka ay naging abala na s'ya kay Amara. Ang sabi naman ni Gael ay okupado ito sa pagbabalik ng kaniyang pisikal na lakas at pagpapagaling.

Nakahiga habang nakatalikod ako sa direksyon nh pintuan. Malayo ang tingin sa bintana kung saan nakikita ko ang asul na kalangitan at puting ulap. Maaliwalas sa labas at mukhang maganda ang panahon.

I heard the sound of the door opened, followed by heavy footfalls.

"B-Boss, baka puwedeng ibalik na rito si Diavolo. Close kasi sila ni Aoife. Napapansin ko na nawawalan ng gana si Aoife."

Una kong narinig ay ang kinakabahang boses ni Gael. Akala siguro nito ay natutulog ako kaya kung makagsalita tungkol sa akin ay parang hindi ko rinig.

The heavy footfalls stopped halfway.

"Ano. . . h-hindi s'ya masyadong kumakain simula noong natapos iyong parusa mo, boss. Madalas kasing kasalo n'ya si Diavolo kapag kumakain," paliwanag ni Gael. Kabado pa rin.

Bakit ganiyan s'ya makipag-usap sa kaniyang boss? Noon naman ay hindi. Today, he seemed scared of Diablos.

Diablos. I thought that he forgot about me. Somehow, I took his absence as my advantage to think deeper about myself.

"H-Hindi rin s'ya nagsasalita na. Ayaw n'yang makipag-usap. Boss, paano kung pumasok sa isip n'ya ang magpapakamatay?"

Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko iyon. Hangga't hindi ko natutuklasan kung sino ang may pakana ng karumal-dumal na pagkitil ng buhay sa buong angkan ko. I need to breathe, and be alive to serve justice for my bloodline. Oh, and to multiply, of course.

I did not hear any response from Diablos. Narinig ko na lang ang mga yabag ng mga paa na palabas ng silid at ang pagsara ng pinto.

Sino kaya ang lumabas? Ayaw kong lumingon at tignan. I stayed still and quiet.

"Get up."

Nagwawala ang puso ko. Nagsusumigaw ang kalamnan ko. Pinanlamigan ako matapos natunugan ang awtoridad sa kaniyang boses.

Pagod akong napapikit ng aking mga mata nang narinig ang dahas sa kaniyang utos. I felt that he placed the tray on the bed space behind me too.

I remained motionless. Sino ba s'ya para susundin ko? Bakit ba s'ya narito? Ang sarap ihambalos sa kaniya iyong lampshade.

"Don't make me ask again, little muffin," he aggressively said in his unfriendly tone.

Marahan kong minulat ang aking mga mata at walang ibang mapagpipilian kung hindi ay ang sumunod.

"Good girl," puri nito ngunit wala namang kahit kaunting emosyon sa kaniyang baritonong boses.

Sa pag-upo ko ay maingat ko itong hinarap dahil umuuga iyong kama at baka ay matapon ko ang pagkain sa tray.

I forbid myself to meet his eyes. Diretso sa kaniyang dibdib ang aking tingin. He was wearing his usual black sando shirt. I could see from his masculine arms that he was gaining back his body built. His biceps, and bulging muscles every time it tensed. Unlike last week that I saw him.

My head was down and I was staring at my lap. Umiinit ang ulo ko sa tuwing nagbabalik sa ala-ala ko ang kaniyang pagyakap kay Amara.

Nakatikom ang aking bibig nang itinapat n'ya roon ang kutsara na may pagkain. Sinusubuan ako.

Abused Diablos (Sartori #2)Where stories live. Discover now