viii

3 2 0
                                    

Limang buwan na ang nakalilipas noong bumisita kami sa mundo ng mga tao. At sa loob nang tatlong buwan na 'yun ay puro lamang ito pagsasanay. Iyon din ang gustong mangyari ni Paisley. Gumawa rin kami ng mga plano upang talunin si Dalmond.

"Ronan, tama na ang pahinga. Halika ka na maglaban na tayo." habang hinihila ako ni Paisley upang tumayo sa'king kinauupuan.

"Huling araw na natin itong pagsasanay, ngayon ka pa ba tatamarin?" binitawan ako ni Paisley, at kinukuwetsyon ako kung nais ko ba talagang matalo si Dalmond.

"Bakit kasi kailangan pa natin gamitin ang pisikal na pangangtawan natin kung p'wede naman natin gamitin ang emachantic, at ang itong voluntatem oculorum," pabulong ko.

Malakas ang pandinig ni Paisley, isa rin yon sa mga kapangyarihan niya.o

"Oo nga pala no? Dahil huling araw na natin sa pagsasanay, sasabihin ko na ang dahilan," nakangiti pa ito sa'kin tila inaasar ako.

Nangako kasi ito na kapag tapos na ang buong pagsasanay namin ay sasabihin niya ang dahilan kung bakit kailangan din na gamitin ang aming pisikal.

"Si Dalmond kasi ay walang emachantic," biglang sabi nito.

Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya,
"Ngunit si Dalmond ay sakim, matalino, mayroon din siyang voluntas autem rufus oculus," Dagdag na paliwanag nito.

"May pagkakaiba ba iyon sa'yo?" pagtatanong ko dahil para sa'kin halos parehas lang kung sa kaniya ay will of the eyes, kay Dalmond ay will of red eye?

"Oo, dahil isa lang ang kayang gawin nito. Iyon ay higupin ang kahit ano klaseng ng kapangyarihan, maliban sa voluntatem oculorum ko pati na rin pisikal na lakas, mayroon itong dalawang kahinaan ang emerald pati na rin ang marble."

Nagsink na sa'kin ang dahilan, mahirapan paniwalaan pero totoo talaga.

KINUHA ko ang bato upang makapunta kami sa Hetcroland.

Gabi kami pumunta sa Hetcroland para sa plano, dala ko ang Marble na isa sa kahinaan ni Dalmond, ngunit hindi ko madadala ang emerald dahil kahinaan din ito ni Paisley.

Nagtatago kami ngayon ni Paisley sa may pinto ng kung nasaan ang trono na dapat hindi inuupuan ni Dalmond.

"Kapag nalinis ko ang ang mundong ito, at napasunod ang mga nilalang dito ay isusunod ko naman Vumecia,"

"Linis?" Anong ibig sabihin niya sa linis?" Nangigilaiti ako sa sinasabi ni Dalmond.

Tatayo na sana ako para sugurin si Dalmond pero pinigilan ako ni Paisley.

"Kumalma ka, masisira ang plano natin," sabi ni Paisley.

"Kamahalan, anong unang mong gagawin sa Vumecia?" Pamilyar sa'kin ang boses nito kaya tiningnan ko ito, at pinipilit ang sarili na kumalma.

"Papatayin ko ang mga naghahari roon. Pati na rin ang anak ng Hari na si Meera Harmina, isa sa makapangyarihan na sa mundo ng Vumecia."

Tila nandilim ang paningin ko sa sinabi ni Dalmond. 

"Ronan, Huwag ka mun—"

NAGISING akong masakit ang ulo, hinawakan ko aking noo, naramdan ko mayroon dugo, kinuha ko ang towel na nasa aking bulsa upang punasan ito. 

"Gising ka na, hangal," tiningnan ko ang nagsalita na si Dalmond. Nakakulong ako sa kulanganan nila, ngunit walang mga posas o chain ang nakatali sa'kin.

Wala sa tabi ko si Paisley, buti naman at hindi ito napansin.

Paisley 

"Ronan, Huwag ka muna sumugod," sabi ko sa kaniya, ngunit hindi ako nito pinansin o nilingon man lang, nagpatuloy lang ito sa kaniyang nais gawin na para itong ibang Ronan.

"Dapat sa'yo mamatay," halos mabasag ang katahimikan na bumabalot sa palasyo dahil sa pagsigaw ni Ronan, napansin ko rin na lumabas sa kamay nito ang bolang tubig.

Nang ibinato nito ni Ronan, sinalag lang ito ng kanyang alalay. 

Mukhang nakalimutan ni Ronan ang pinag-usapan namin, at ang plano. 

Ako nga pala ang may hawak ngayon ng bato, binabasan ito ni Ronan na hindi mag-iiwan ng bakas ng kapangyarihan ang bato, at pinto. Isa sa mga plano namin.

Sa mga atake ni Ronan ay mayroon tumama sa alalay ni Dalmond, at sa tingin ko nauubusan ng pasensiya si Dalmond kaya tinanggal niya ang takip sa kaniyang mata.

"Raven, Tumabi ka na, Ako'y nawawalan ng pasensiya." Nangigil na sabi nito.

"Masusunod kamahalan," 

Lumitaw ang kaniyang kanang pulang mata, at sa pag-atake ni Ronan ay hinigop nito ang kanyang emachantic.

Nawalan ng malay si Ronan, at binuhat ito ng alalay patungo sa ilalim ng palasyo na dati ay nagsisilbing bodega ngunit ginawa nila itong kulungan ng mga nilalang na nais nilang patayin o mga kung sino man ang kumalaban sa kanila.

Kinuha ko ang panyo na nasa aking bulsa, at sinulatan ko ito.

"Ronan, batid kong nakakulong ka ngayon. Nais kong ipaalam sa'yo na kapag ikaw ay nagising, at wala nilalang sa paligid mo. Ay punasan mo ang iyong noo na mayroon dugo, ito ay lilitaw sa'kin panyo bilang mensahe. At ako'y pupunta diyan gamit ang bato. Upang ikaw ay aking kunin."

Isang oras na ang nakalilipas, lumitaw ang dugo sa'king panyo. Inihanda ko ang bato, awtomatiko nakasuot na 'ko ng invisible cloak. Ang pinto ay binigyan ko ng mensahe ng sa'kin lamang magpakita, at hindi sa ibang nilalang. Sumunod naman ito.

"Dalhin mo kung nasaan si Ronan ngayon,"

Nasa loob na 'ko ng kulungan, at nakita ko si Ronan na pinupunasan ang kaniyang noo. Nang akmang hahakawan ko na ito, mayroon pamilyar na boses ang nagsalita 

"Gising ka na, hangal," sabi ni Dalmond kay Ronan, napatigil ako sa kinatatayuan ko. Buti na lang ay invisible lahat.

"Ronan, bakit hindi mo binasa ang nasa panyo?" pagsasalita ko sa isip.

Medyo napansin ko na parang may gulat sa mata ni Ronan na para bang narinig nito ang iniisip ko.

"Nakasuot ka ba ngayon ng invisible cloak?" hindi ko alam kung sino ang nagsalita dahil parang nasa isip ko lang 'to.

"Paisley, hindi ko alam kung anong mensahe ang sinasabi mo," dagdag pa ng boses.

"Sino ito?" sabi ko sa isip ko na parang kumakausap gamit ang isip ko kahit alam kong wala naman akong kausap.

"Ako ito si Ronan, mamaya ko na ipapaliwanag ang lahat, nakasuot ka ba ng invisible cloak? at ano ang sinasabi mo na patungkol sa mensahe?"

Oo, ipagpag mo ang panyo," hindi pa rin ako sigurado kung nakakapag-usap ba talaga kami ni Ronan. Nakita ko naman na pinagpag nito ang panyo.

"Sabihin mo sa'kin ang layunin mo!" Napatingin ako kay Dalmond kanina pa pala ito nagsasalita, at galit na galit na ito dahil hindi siya pinansin ni Ronan.

Imbis na pansinin ni Ronan si Dalmond ay binasa niya ng palihim ang mensahe na nasa panyo.

"Paisley, paumanhin. Mabuti naman nakasuot ka ng Invisible cloak.

Tila naumay na si Dalmond sa kakatanong nito itinaas ni Dalmond ang kanyang kamay, senyas na ito ay kailangan na gamitan ng dahas. Umalis si Dalmond kasama ang alalay upang kunin ang mga kagamitan na nasa kwarto ni Dalmond na gagamitin kay Ronan.

Pagkasarado ng pinto, ay dali dali kong kinuha si Ronan papasok sa pinto. 

Door of Fleetwood Where stories live. Discover now