vii

16 3 0
                                    

Ronan 

Dalawang linggo na ang nakalilipas, sinabi ko naman kay Paisley ang lahat ng katotohan pati na rin kung paano ako nakagagamit ng emachantic.

"Noong labing-anim pa lang ako napansin ko na ang Ina ay parang nanghina, napapadalas na rin ang pagkakaroon nito ng sakit. At noong sumapit ang edad ko sa labing-walo, pagkatapos ng handaan ng mga gabing iyon. Kinausap ako ng Ina na kailangan niya ng mamaalam, hindi ko siya maunawaan kaya binantayan ko siya kung aalis ba ito pero hindi. Nakatulog ako sa tabi niya, at nagising na lang ako na hindi na humihinga ang Ina habang hawak ang isang papel, at bato." paliwanag ko, bahagyang pinunasan ni Paisley ang luhang hindi ko namalayang umaagos na sa'king pisngi.

"Masakit nga talagang mawalan ng Ina. Ngunit namatay kasi ang aking Ina noong pinanganak ako 'yan ang sabi sa'kin. Nga pala ano ang nakasulat sa papel, at ano ring mayroon sa bato?"

"Nakasulat sa papel na halos labing-pitong taon niyang tinago ang bato, at papel sa loob ng kaniyang puso. Para kapag sapit ko na ng labingwalo ay magkaroon ako ng kalayaan na gamitin ang emachantic, at pati na rin sa lahat. Kailangan ko ring gawin ang mga misyon, at tuluyang matapos si Dalmond. Ngunit lahat ng iyon ay may kapalit upang mangyari, yun ay ang buhay, at emachantic ng Ina." dagdag na paliwanag ko 

"Sinakripisyo ng iyong Ina, ang kaniyang buhay para sa'yo, at sa mundo niyo. Kung ganoon ay ipakita mo sa'kin ang mundo ng mga tao pati na rin ang Vumecia," sinusubukan kong basahin ang iniisip ni Paisley dahil tila hindi ito naniniwala sa mga sinabi ko.

"Hindi ka maaaring pumunta sa Vumecia, at tanging mailalahad ko lang ay ang mundo ng mga tao ngunit limang minuto lang upang walang mangyaring gulo." pagpapaliwanag ko rito.

"Ngunit paano ako maniniwala? Sige, dalhin mo 'ko sa mundo ng mga tao kung iyan ang iyong nais." pagpayag nito. "Sinabi mo na kailangan mo matalo si Dalmond?" 

"Oo," tipid kong sagot.

"Kung ganoon ay magtulungan tayo tutal ay pareho naman ang ating misyon."

Sinabi ko sa kaniya na dadalhin ko siya sa mundo ng mga tao kapag magaling na siya. Inabot ng dalawang linggo ang pagpapagaling niya dahil nasobrahan ang paggamit niya ng kaniyang emachantic pati na rin ang Voluntas oculorum na ang ibig sabihin ay will of the eyes.

Narito pa rin kami ngayon sa Marble of Gira, kung saan nagpagaling ang Prinsesa, dito nagtatago ang mga nilalang ng Hetcroland na nakaligtas sa giyera pati na rin ang prinsesa. Ginawa ito ng prinsesa dahil isa raw sa kahinaan ni Dalmond ang Marble, at protektado ito ng kapangyarihan ng mga wizard ng Hetcroland.

Nasa ilalim ito lupa ng Hetcroland. Nung nakita ko raw ang prinsesa ay naghahanap pa siya ng mga Hetcron, ang mga nilalang ng mundo nila. Upang iligtas, at sinusubukan niyang maghanap ng paraan upang makalaban at talunin si Dalmond. 

"Handa na 'ko, Ronan." biglang sabi ng Prinsesa kaya tinignan ko ang bato kung handa na rin ito.

"Tila ang lalim ng iyong iniisip?" tanong ng prinsesa.

"Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa'yo, kung Paisley pa rin ba o kamahalan?"

"Paisley," tipid nitong sagot. "Paisley ang itawag mo sa'kin dahil magkaibigan naman tayo," 

"Handa na ang bato, lilitaw na ang pinto." pagpapaala ko sa kaniya, natutuwa ako na kaibigan na ang turing niya sa'kin ngunit hindi ba nahahalata na halos niyaya ko na siyang magpakasal.

Kita ang malawak na ngiti sa kaniyang mukha ng lumitaw ang pinto, at nang nakita nito ang tanawin rito. Pinili ko kasing destinasyon ay kung saan mayroong magandang tanawin.

"Bagay o nilalang sa mundong ito ay hindi maaaring makalabas o makapasok sa ibang mundo kung walang intensyon o ang intensyon ay hindi kanais-nais." ginawa ko ang chant upang makasigurado kapag nakapasok na kami sa mundo ng mga tao.

Nang makapasok na kami sa mundo ng mga tao ay nagbago ang kasuotan namin na kasuotan ng mga tao.

Lalong namangha si Paisley dahil sa pagbabago ng kasuotan namin. "Kumbinsido na 'ko sa'yong sinasabi, napakaganda naman sa mundong ito. Ang payapa ng paligid. Ang lulusog ng mga puno, at halaman. Kumpara sa kalagayan ng Hetcroland ay sirang-sira na." ang pagkamanghang reaksyon ni Paisley ay napalitan ng lungkot.

"Hindi mo rin masasabi na maganda rito, mayroon pa ring masamang side ang mundo ng mga tao, at mga taong naninirhan dito."

"Side?" tipid na tanong ni Paisley. "Wari ko'y sanay na sanay ka na sa paggamit ng lenggwahe ng mga tao, kung magkakaroon ng pagkakataon ay turuan mo 'ko." 

Napangiti ako, dahil mukhang hindi lamang sa lenggwahe siya interesado.

"Hindi lang kita basta tuturuan, makakasama mo pa 'ko pang habambuhay," natatawang sabi ko. "At isa pa bata pa lang ako, ang Ina ay madalas na 'kong kinakausap sa Ingles na lenggwahe,"

"Hindi sa sinisira ko ang iniisip mo pero sa kalagayan ng mundo namin, at ang agwat ng mundo natin ay sa tingin ko hindi tayo maaaring magpakasal," pagpuputol nito.

"Kaya nga tayo magtutulungan, kapag natalo natin si Dalmond. Hahanapin kita sa kinabukasan." Habang pinagmamasdan nito ang kapaligiran napahinto ito, at tiningnan ako.

"Inaasahan ko yan,"

Isa sa mga kapangyarihan o emachantic ko ay makapagbasa ng isip ngunit nakadepende ito kung kagustuhan ito ng binabasahan ko ng isip.

"Bakit ngumiti-ngiti ka dyan?" tanong ni Paisley.

"Wala naman, mahaba pa ang oras natin," pag-iiba ko ng usapan.

"Alam mo ba..." bitin na sabi nito.

Kaya tinignan ko ito upang pakinggang mabuti.

"na ang voluntatem oculorum ko, ay mayroon limitasyon. Kayang ko maglakbay sa ibang mundo, ibang oras, at ibang araw. Ngunit kapag ang oras, o araw lagpas ng halos sampung taon o malayo ng sobra ang lugar o sunod-sunod ang paglalakbay ko ang ibang nangyari sa pinuntahan ko ay malilimutan ko o magkakasakit ako. " paliwanag ni Paisley.

Voluntatem oculorum isa itong latin na ang ibig sabihin ay will of the eyes.

"Kaya siguro nakalimutan mo 'ko , at nagkasakit ka kamahalan." tugon ko.

"Oo, pero depende pa rin. Sabi mo manlalakbay ka p'wedeng ikaw, at ako ay malayo talaga ang agwat ng oras ng taon natin. Teka, hindi ba sinabi ko sa'yo na tawagin mo na lang akong Paisley?" 

"Paumanhin, Kama—Paisley." tinitigan pa ko nito ng masama.

"Huwag kang mag-alala, kahit hindi mo muna gamitin ang voluntatem oculorum mo. Maaari naman nating gamitin ang bato, at pinto." napakunot ang noo nito.

"Ngunit bakit limang minuto lang ang binigay mo sa'king oras kung maaari naman pala natin itong gamitin?" 

"Lagpas na tayo ng limang minuto, halos mag dalawampung minuto na tayo rito," lumaki ang mata nito, at kinuha sa'kin ang orasan na hawak ko.

"Bakit hindi mo sinabi? anong mangyayari kapag lagpas na?" sunod-sunod na tanong ni Paisley at hindi na rin mapakali.

"Sa pinag-ekspremintuhan kong peste katulad ng ipis, o uod, nagiging alikabok sila." hinampas ako ni Paisley ng pagkasabi ko na nagiging alikbok sila.

"Mukha ba 'kong peste? Paano kung naging alikabok ako?" galit na tanong nito.

"Tiwala kasi ako sa'yo,

 malakas ka Paisley, kaya alam kong walang mangyayaring masama sa'yo."



Door of Fleetwood Where stories live. Discover now