Chapter 4

11 4 0
                                    

Chapter 4

- ❤️‍🩹💊

Nagpunta na kami sa kwarto ng matanda bitbit sa magkabilang kamay ko ang prutas. Di ako natutuwa!  Ang bigat kaya! Inilagay ko sa mesa ang mga prutas at pinagkikirot ko muna ang kamay ko dahil di ko na maramdaman, namamanhid na ata.

"Masakit?" Tanong niya, sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi, ang sarap." Sarkastikong sagot ko. Hindi pa ba halata? Kitang namumula na nga ang mga kamay ko. Well, ako ang may gustong tumulong eh. Dibale na.

"I'm sorry." Mahinang sabi niya. Bweset! Bat ako na ko-konsensiya eh wala naman akong ginawang mali.

"Bat ka ba nag so-sorry huh?" Inis na saad ko Sorry ka diyan, na bi-bweset tuloy ako.

"Nag-abala ka pa." Nahihiyang saad niya. Oh, bago toh ah. May ganitong side din pala siya.

"Ginusto ko toh, kaya di mo kailangang mag-sorry." Saad ko. Inayos ko ang tayo ko at saka humarap sa matanda.

Yumuko ako at nginitian ito. "Aalis na po ako."
Ngumiti siya sakin at liningon ko rin si Aiden bago ako tuluyang umalis sa doon.

Paglabas ko don ay laking gulat ko nalang nang pinigilan ako ni Aiden sa paglalakad, hinawakan niya ako sa balikat nang sa ganon ay napaikot ako paharap sa kanya.

Shit! Parang namatay ang kaluluwa ko don ah.

"Baliw ka ba!?" Hindi ko napigilan ang paghampas ko sa dibdib niya na ikinagulat niya ng husto. Nabitawan niya rin ako. Eh ginulat niya ako eh!

"Aww..." Napangiwi siya sa lakas ng hampas ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at  agad ko siya hinawakan sa dibdib habang nababalisa ako. Pano ba kasi... eh! Kasalanan niya!

Masama niya akong tinignan, pucha! Mukhang galit nga siya. Lagot na, siguradong masakit yon eh.

"M-masakit bah?"  Nabubulol Kong tanong sa kanya. Shit! Ang sama ng tingin niya sakin.

"I-ikaw kasi! Bigla k-ka nalang nanggugulat!" Sabi ko habang nababalisa ang puso ko dahil sa kaba.

"Whatever." Nag-iwas siya nang tingin. "May pabor lng sana ako." Seryosong saad niya.

Hindi na ako sumagot at tinanguan lang siya.

"Don't tell anyone about this, about grandma, Erina." Nanlaki ang mga mata ko, hindi dahil gulat ako sa favor na hinihingi niya. Sa kabang naramdam ko sa pagbanggit niya sa pangalan ko.

"Eri-----"

"Oo naman noh!" Hinampas ko siya ulit at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

Mukhang ikakamatay ko pag narinig ko ulit ang pagbigkas niya sa pangalan ko.

"Wala naman akong rason para ipagsabi ang tungkol dito noh. Hindi naman tayo close para makipag-usap ako sa mga bagay na tungkol sayo, assuming ka talaga noh kahit kailan." Patawa kong sabi.

Inikot ko nang tingin ang boung paligid. Parang may mali talaga, mayaman sila pero sa public hospital sila nag-si-stay.

"What's wrong?" Nabaling ang tingin ko kay Aiden na ngayon ay seryosong nakatitig sakin. Umiling ako at ngumiti, pano ko ba itatanong sa kanya yon mukhang ang personal kase.

"Wala." Sagot ko. Gusto ko siyang tanungin pero wag nalang! "Sige na, una na ako." Nakita kong tumango siya kaya lumakad na ako papunta kay Tito.

Pagdating ko sa kwarto ay agad bumungad sa akin ang reyalidad, nakakapanghina pa rin. Ang hirap paniwalaan, nakahiga pa rin si Tito sa kama at walang malay. Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan ang mukha niya. Pasa ito at parang di ko na siya makilala dahil sa lala nito.

Galit ako, sobrang-sobra.

"Tito... bat ganon sila? Sila yong nagkasala eh, dapat binayaran nila yon. Mapapatawad ko pa sana sila kung hindi sila tumakas." Ikinoum ko ang kamao ko dahil pinipigilan ko ang galit ko.

"Hayaan mo na yon Rina." Napatayo ako nong nakita ko si Tita. Sinundan ko ang tingin ko sa kanya, may dala siyang mga prutas at pagkain. 

"Tita..." mahinang tawag ko sa kanya. Nakatalikod siya sa akin pero ramdam ko ang pagtitimpi niya. Bat ganon? Bat parang galit siya?

"Tigilan mo na ang paghahanap sa kanila Rina." Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan niya.

Inayos niya ang mga dala niyang pagkain.

"Tumigil? B-bakit po? Ganon na-----"

"Rina!" Napaawang ang mga labi ko sa pagsigaw niya. Ito ang unang beses na sinigawan niya ako. Humarap siya sa akin at pati siya ay nagulat sa ginawa niya, yumuko ito at kinagat niya ang labi niya.

"Rina... tama na. Hayaan mo na yon, wala na tayong magagawa." Umiling-iling ako dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Tita.

"Tama na? Hayaan? Tita.. naririnig niyo ba ang mga sinasabi niyo?"

Agad itong nag-iwas ng tingin. Hinahabol ko ang bawat paghinga ko at napahawak ako sa palda ko nang mahigpit.

"Si Tito oh." Habang tinituro ko si Tito na nakahiga na walang kamalay-malay.  "Tignan niyo yong nangyari Kay Tito, Tita naman." Pakikiusap ko habang hindi pa rin siya tumitingin sakin.

"G-gusto niyong hayaan ko nalang toh? Yong nangyari hahayaan ko nalang? Tita hindi..."

"At ano?" Sagot niya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. "Anong gagawin mo sa mga nakabangga sa Tito mo pag nalaman mo kung sino, papatayin mo? Ano Rina?" Galit siya, alam ko yon. Lumingon ako kay Tito at Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Kung para kay Tito bat hindi?" Sabi ko habang di parin inaalis ang tingin ko sa pasang-pasa na mukha ni Tito.

"Rina..." Mahinang sabi niya.  "Kaya kong gawin yon Tita, kahit sino pa yan."

"Sigurado ka?" Sarkastikong tanong ni Tita. "Rina... hindi mo yon magagawa sa kanila."

Lumakad si Tita papunta sa gilid ni Tito at nilagyan ng kumot ang dibdib nito. "Rina... kung mahalaga sayo ang Tito mo... " Ngumiti siya sa akin habang ang mga mata niya ay puno ng sakit.

"Mas mahalaga parin sayo ang mga taong may gawa nito." Para akong nawalan ng kaluluwa sa sinabi niya. Wala na akong ibang alam na mahalaga pa sa buhay ko kundi sina Tito at Tita lang.

Umuwi ako sa bahay na naguguluhan sa mga nangyayari. Gulong-gulo na ako! Hindi ko na alam kung anong dapat kong paniwalaan!

Matutulog na sana ako nang biglang tumunog ang doorbell namin. Si Tita na siguro yon, pero sabi ni Titta di siya uuwi. May nakalimutan ba siya?

"May nakalimutan ka ba ti---" natulala ako sa kinatatayoan ko. The hell? Anong ginagawa niya dito sa ganitong oras?

"Naisturbo ba kita?" Tanong niya. Umiling lang ako at di sumagot. Yumuko siya at parang may kinuha siya sa bulsa niya. "Fuck... nakalimutan ko sa kotse ko." Bulong niya na narinig ko naman. Ang bastos talaga ng bunganga kahit papaano.

"Kukunin ko lang." Tumakbo ito palabas ng gate, maya-maya pay dali aman itong bumalik.

Magsasalita na sana siya nang biglang tumunog ang tiyan niya. Hindi ko mapigilan ang ngumiti.

"Pumasok ka na nga lang muna." Inirapan ko siya at saka hinila papasok sa bahay.

─── ⋆⋅☆⋅⋆ ──







Whispers of Affection ( Story #1 )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora