Prologue

28 7 1
                                    

Prologue

- 📜

"Rina, samahan mo ko maya huh." Ika ni Alex. Nginitian ko lang siya at tumango.

"Erina Ava Fernandez?" Mabilis akong napatayo nang narinig ko ang pagtawag sa pangalan ko.

Nakita niya ang pagtayo ko at sinenyasan niya akong sumunod sa kanya. Pumunta agad ako sa direksyon niya at di umimik.

"You are..?

"Erina." Sagot ko. Maganda siya at masasabi Kong kaidad ko lang siya. Tumango ito at may parang hinanap siya sa papel na hawak niya. "Ah by the way, I'm Monica nice meeting you Erina." Inilahad niya ang palad niua sa akin at tinanggap ko rin naman iyon.

May binigay siya sa akin na papel at nalaman ko kaagad Kong ano yon. Yon yong ginawa naming activity kay Ms. Flores nong isang araw.

"Pinabibigay ito ni Ms. Flores sa inyo. Ikaw na bahala magbigay niyan sa mga kaklase mo. And.. sabi niya sayo ko raw ibigay."

Hindi na ako nag-abalang sumagot at tumango lang ako sa kanya. Pagkatapos kong ibinigay lahat ng papel ay tinignan ko agad ang akin. Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang gawa kong art project. Isang babae na sumasayaw sa gitna ng fairytale forest.

"Bat Ang liit ng score ko! Kainis!" Rinig ko ang reklamo ni Sia. Agad naman itong dinamayan ng mga minions niya. Pabida kasi masyado!

"Rina, ilan score mo?" Tanong sakin ni Alex. Nginitian ko siya at di ko siya sinagot. "Damot." Natawa ako sa sinabi ni Alex.
Well, guess. Pati ako di makapaniwala sa ibinigay na score sakin ni Ms. Flores noh! Like bihira lang mamigay ng perfect score yong matandang yon pero... grabe... perfect score ang ibinigay niya sakin!

Umuwi ako nang magandang-maganda ang araw ko. Napansin ko na walang tao sa bahay, baka nasa trabaho pa sila. Pumunta ako sa kusina at naisipan nang magluto, naglinis na rin ako sa bahay, para gumanda rin ang araw nila Tita at Tito.

Ang totoo niyan hindi ko kailan man nakilala ang ama ko at pati ang nagluwal sakin ay hindi ko rin nakita. Nakakatawa noh? Wala akong kaalam-alam kung anong itsura nila, wala. Wala silang bakas na naiwan sakin.

Kina tita at tito ako lumaki. Sabi nila, walang namamagitan sa mga magulang ko non, Lasing sila at heto! Ako yong bunga ng nagawa nilang pagkakamali.

Ang galing diba? Pati ang apelyidong dinadala ko ay pagmamay-ari nina tita. Dalawamput isang taon na akong nabubuhay dito sa mundong toh at hindi man lang nila ako binalikan.

Iniisip ko tuloy kung patay na ba sila o ayaw lang talaga nila akong tanggapin. Masakit man iyon isipin pero kalaunan ay natanggap ko rin iyon. Mahal na mahal ako nila Tita at mahal na mahal ko rin sila, hindi man ako bou pero sila ang bumuo sakin nang hindi na kailangan ang mga magulang ko.

"Tita, ako na po bahala sa bayarin ng kuryente. Napag-iponan ko na po yon." Wika ko. Napatigil sila sa pag kain at nagtinginan sila ni Tito. Yumuko ako at napangiti.

"Ayos lang naman, wala pa naman kaming bayarin sa school, kaya gagamitin ko nalang muna yon." Dagdag ko.

"Rina, di mo naman kailangan gawin yan. Kaya naman namin yon ng tito mo."

Umiling ato at ngumiti sa kanila. "Kailangan ko rin po yon gawin, ayaw ko pong maging pabigat lang at walang ambag na naiibibigay sa inyo."

Nakita ko ang pag-ngiti nila. Para akong nabubuhayan kapag nakikita ko silang ganito. Nakikita ko lang ang pag-ngiti nila napapawi na lahat ng pangamba ko sa buhay.

"Oh siya, dahil mabait ka ngayon. Bibili tayo bukas ng karne!"
Pasigaw na saad ni Tito. Sumimangot naman ako.
"Ngayon lang? Ang daya."

Kumain kami ng puno ng tawa at asaran sa hapag kainan. Napapaisip din ako, pano kung... ang mga magulang ko ang kaharap ko ngayon? Ganito din ba kami kasaya? Inaamin ko, masaya ako at natanggap ko na lahat, pero di ko parin maitatanggi ang pangungulila ko sa pagmamahal ng mga totoo kong magulang.

Whispers of Affection ( Story #1 )Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ