Chapter 2

18 7 0
                                    

Chapter 2

-🤸🏻‍♀️

Nakahiga ako sa kama habang iniisip lahat ng yon.

"What if... may nagbago?"

Sumigaw ako sa isipan ko. Shit! Sa tagal namin na magkaibigan ni Rex ngayon lang ako nakaramdam ng kaba. Nakayakap ako sa malaking teddy bear na bigay sakin nila Tita. Nagulat ako sa pagtunog ng phone ko.

From: Alexi lore💩

"Kumusta ang date?"

Date ka diyan. Walang ganon!

To: Alexi lore💩

"Matulog ka nang hinayupak ka!"


Agad kong pinatay ang phone ko at bumalik sa pagkakahiga. Date? Kalukuhan.

Maaga akong nagising, as in literal na maagang nagising talaga. Alas tres akong nagising. Nagluto muna ako at naisipan kong magpapawis muna.

Nagbihis ako. Sleeveless ang sout ko at tanaw mo talaga ang sports bra na sout ko, maging ang jeans ko na fit na fit sa binti ko. Alangan na mang mag-dress ako habang nag jo-jogging.

Weird.

Medyo madilim-dilim pa ang boung paligid. Alas kwatro na rin kaya nagsimula na akong mag jogging. May earphone din ako sa magkabilang tainga ko. Feel na feel talaga.

Almost 45 minutes na akong nag jo-jogging at nong nauuhaw na ako ay don ko napagtantong nakalimot ako ng tubig. Dumiretso ako sa isang convenience store na open bente kwatro oras at medyo nakikita ko na rin ang pagsulpot ng araw.

Kumuha ako ng isang boteng tubig at agad pumunta sa counter.

Ah! Ang aga naman sumalubong ng malas!

Bumugtong hininga ako nong napagtantong wala pala akong dalang pera. Ang tanga! Isasauli ko na sana ang bote ng biglang may bumangga sakin.

"Aba't-"

Hindi ako nakapagtapos sa pagsasalita at kinuha na niya agad ang hawak kong bote at ibinigay iyon sa cashier.

Tulala parin akong nakatitig sa kanya. Maya-maya pay ibinigay niya uli sakin ang bote. Tinanggap ko yon syempre hindi naman ako OA upang di tanggapin yon.

Umalis siya sa harapan ko nang hindi man lang nagsalita o tumitig sakin. Paano ako magpapasalamat nito, kung pati ako nahawa na sa pagiging tahimik niya.

Boung akala ko ay umalis na siya. Sa paglabas ko ay nakita ko siyang nakaupo sa harap ng convenience store habang iniinom ang biniling tubig. Same kami ng outfit , kaya malamang nagpapawis din siya. Wala naman sigurong masama kung pupunta ako ron di'ba?

"Malapit lang ba bahay mo dito?" Tumigil siya sa pag-inom at seryosong tumitig sakin. Ayan na naman! Di pa nga ako lumalapit ang sungit na!

"Sit here." Aniya.

Shit! Dalawang salita lang pero milyon-milyon ang kumiliti sa tiyan ko. Pumunta ako doon at naupo sa tabi niya. Mataas ang upuan nato kaya wag kayong umasang magkadikit kami.

"Wag mong isipin na sinusundan kita, nagpapawis lang din ako." Sabi ko. Para kasing ang lalim ng iniisip niya, pilingiro pa naman 'to.

"I didn't say anything." Sabi niya. Di ko alam kung sinong kinakausap niya.

Napalingon ako don sa kinakausap niya, siguro? May nakikita ba siyang di ko nakikita?

"Sino kausap mo?"

"Silly."

May dumi ba ako sa mukha? Kanina ko pa talaga napapansin na hindi siya makatingin sakin ng diretso. Kinuha ko ang phone ko at nanalamin doon, wala namang dumi.

Whispers of Affection ( Story #1 )Where stories live. Discover now