4: At the Gonzales'

0 0 0
                                    

Chapter 4: At the Gonzales'




Kheyanna


"Napakayaman talaga ng mga Gonzales. Nakakainggit."Weige said as soon as we arrive sa mansion. Nasa gate pa lang kami pero dito palang kita mo nang napakayaman talaga nila. Napakalaki ng gate, and ang intricate ng designs. Mayroon ding dalawang small gates sa gilid para sa mga tao. May mga halaman din sila sa labas that matches perfectly with the gate.

Dalawang beses pa lang akong nag-alaga kina Zenaire at Erique dahil sobrang hands on ang parents nila sa kanila. Habang kaya pa ng schedule nila alagaan ang dalawa, ginagawa nila. Kumbaga, last resort na ang pagh-hire nila ng babysitters. Nakakainggit nga actually. Dahil nakakatanggap ng sapat na atensyon at pagmamahal ang anak nila sa kanila despite their busy schedules. Isa pa, nakukuha nila ang lahat ng gusto nila dahil nga may pera sila.

"Hi, Kheyanna! Buti ikaw ulit ang pinapunta ni Miss Dorothea rito!"napalingon ako kay Aling Sally, isa sa mga maid nila. Mabilis kong naka-close si Aling Sally sa sobrang daldal niya. Ang dami dami niya palang kwento, nakakatuwa pakinggan.

"Aling Sally! Na-miss ko rin kayo! Si Weige nga po pala, pinsan ko."pagpapakilala ko kay Weige. Tipid na ngumiti si couz na sinuklian naman ni Aling Sally ng mahinang kurot sa pisngi. Narinig ko ang mahinang pagdaing ni Weige kaya hindi ko na napigilang tumawa.

"Ang gaganda talaga ng lahi. Pasok kayo, paalis palang sila Miss Dea."yaya ni Aling Sally kaya pumasok na kami.

I heard Weige gasped as her eyes roamed around the mansion. I mean, sinong hindi?Noong una akong nakarating dito, ganyan din ang reaksiyon ko. From the trees, bushes, and flowers na makikita mong super maintained, to the little statues that are made of the finest stones, to the mansion itself, mapapa-wow ka nalang talaga.

Nang makarating kami sa pinto, binuksan iyon ni Aling Sally at naabutan namin ang mag-asawa na pababa ng hagdan. Mrs. Gonzales spotted us immediately kaya nagmadali siya pagpunta sa amin.

"Kheyanna! It's so nice to see you dear."bati niya saka nakipagbeso beso siya sa akin. Medyo awkward pa nga dahil hindi ako sanay sa gan'ong batian.

"Our friends told us we have to celebrate our friend's death anniversary without the kids kaya naman kailangan muna namin silang iwan. Spiraea, my friend who died, is very important to us kaya we can't miss this. Plus, isang beses lang naman ito sa isang taon. I hope it's fine with you?"paliwanag ni Mrs. Gonzales.

Ngumiti naman ako saka tumango. "Okay lang po."

"Please tell me if nagpapasaway yung dalawa sa'yo okay?And uhm, I know hindi ko pa nasabi pero pupunta yung twin dito. Anak ng friend ko. One night lang naman sila rito and they also have their own babysitter. I hope it's fine with you? Magdadagdag nalang ako."

"Okay lang po. No problem, Mrs. Gonzales."

"Oh please. I told you, Miss Dea is fine."

"No problem, Miss Dea."pagpapalit ko.

Lumapit naman sa amin ang asawa niya. "Hello Kheyanna! Is she your cousin?"

"Ah opo. Si Weige nga po pala. Nasabi ko na po sa call—"

"Yeah, nasabi ko na kay Dea. And we're totally fine with it. Pinagkakatiwalaan ka naman namin."si Mr. Gonzales nga pala ang naka-usap ko nung nag-paalam ako.

"Maraming salamat po, Mr. Gonzales."

"Zyquinne's fine. Napaka-formal niyo naman."

"I know, right?"sagot sa kanya ni Mrs. Gonzales.

"Anyways, we have to go. Don't forget to call us in case something happens, okay?"dagdag pa ni Miss Dea.

"Noted po."maikling sagot ko.

"Aling Sally, call the two please. Kheyanna, Weige, we'll be going."agad namang sumunod si Aling Sally at umakyat para kunin ang dalawa.

"Ingat po kayo!"saad ni Weige. Miss Dea walked away and waved at us. Sumakay na sila ng kotse nang makabalik si Aling Sally.

"Hi Zenaire! Hi Erique!"bati ko sa kanila. Agad naman silang tumakbo papalapit sa akin.

"Ate Khey!!"they exclaimed as they run towards me. Umupo ako to reach their level saka niyakap nila ako kaya naman niyakap ko rin sila pabalik.

"We missed you!"Zenaire said happily.

"Aww. I miss you too!"and then I stood up to introduce Weige. "She's Ate Weige pala and she will help me take care of you two. Behave kayo kay ate, ha?"paalala ko na mabilis namang tinanguan ng dalawa.

"So...what do you want to do today?"

-----

Nanonood kami ng cocomelon sa tv habang kumakain ng snacks nang may marinig kaming mag-doorbell. Busy si Aling Sally sa kusina kaya naman ako na ang nag-presentang magbukas ng pinto.

Pinabantay ko muna saglit ang dalawa kay Weige saka tumayo para buksan ang pinto at kita mo nga naman ang huklubang nasa harap ko ngayon.

"Anong ginagawa ng kampon ni satanas dito?"mataray kong tanong at ang buang, inismiran lang ako.

"Babysitter ako ni Shantelle and Shianne. Pinapunta ako ni Miss Euca rito. May problema ka?"saka tinaasan ako ng kilay.

"Oo. Buong gabi kong makikita yung pagmumukha mo. Kadiri."

She scoffed. "As if naman natutuwa akong makita ang sayo. Pakiramdam ko gumagawa ka lang ng paraan para makita ako."

Aba! The audacity?!

"Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo."

"Papapasukin mo ba kami o ano?Kawawa na yung kambal sa labas."

I rolled my eyes then open the door widely. Nginitian pa talaga ako bago siya pumasok. Nakakabwisit.

"Khey, sinong—"

"Hi, Weige."bati ni Trinity saka nilampasan siya para pumunta sa sala kung nasaan sina Zenaire at Erique.

"Akalain mo nga naman. Siya pa talaga ang nakatoka sa kambal."bulong sa akin ni Weige. Alam na alam niya ang galit ko rito. At kahit di siya pabor kay Harry, pabor siya sa inis ko kay Trinity. I mean, sino bang hindi mab-bwisit sa kanya?

"Puntahan na nga lang natin yung dalawa."saad ko saka naglakad pabalik sa sala. Nandoon na ang magkapatid at ang kambal, naglalaro. Napangiti tuloy ako bigla. Ang c-cute talaga!

Biglang dumako ang tingin ko sa nakaupo sa spot ko kanina. Ang demonyita.

Just when I thought my day's already perfect...hays.






-----

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Babysitting WarsWhere stories live. Discover now