CHAPTER 20

29 2 1
                                    

Praise POV

AGAD kong inihatid si devone sa condo matapos naming pomunta sa mall, yes we're currently staying sa condo niya, sa susunod na araw ay lilipat na rin kami sa condo ko.  Ang gusto niya pa ay doon na kami manirahan sa bahay namin ni sad noon, but of course, tumanggi ako.

Pagkatapos ko siyang inihatid ay nagmaniho agad ako papuntang kompanya, hindi ko namang maiwasang maalala ang nangyari sa kanina sa cr. The way she moan my name.

The heck! what are you thinking praise!

Muli ko ring naalala ang pagpikit nito, nakaramdam ako ng pagiinit ng taenga ko ng maalala ko rin na hinawakan ko ang ibaba niya.

Goodness praise! Focus ka nga sa pag da drive!

Hindi ko dapat ginawa yon tsk.

Di kalaunan ay nakarating ako sa kompanya, agad naman ako binati ng mga empleyado ko.

Pagkapasok ko sa office  ay nadatnan ko ang isang empleyado ko roon.

"Good morning sir, ako nga po pala ang panandaliang gumagawa ng schedule mo po" anito

"Why?"

"Umalis po kasi si secretary Do, may emergency daw sa bahay nila, kaya pinakiusapan niya akong taposin po itong ginagawa niya"

Tumango nalang ako bilang pag sang-ayon, agad naman itong bumabalik sa ginagawa niya.

Kinabukasan, maaga akong umalis sa condo, hindi ko na rin ginising si devone dahil mahimbing ang tulog nito, baka kung mapa'no pa ang anak namin kapag pinilit ko siyang gisingin. Agad akong nagtungo sa school, huling araw na ng pasukan ngayon, sobrang bilis ng araw, parang kahapon lang ang first day of school tapos biglang ngayon katapusan na.

Agad nahagip ng tingin ko sila Hailex, nandodoon sa parking lot.

"congratulations everyone" Bati agad ni Barron sa amin

"Congratulations sa ating apat!" Ani naman ni duowon

"Ga graduate na tayo" Galak na saad ni Hailex

"And of course, congratulations praise, engineer ka na, magiging daddy ka pa!" Kumantyaw naman si Barron dahil sa sinabi ni duowon.

Napailing nalang ako sa inasta nila.

"How are you dre?" Biglaang tanong ni Hailex sa akin habang naglalakad kaming apat papunta sa building namin.

"Ayos naman" Tanging sagot ko

"Ibig sabihin ni praise, hindi siya maayos" Sabat ni Barron "Wag kanang tumanggi dre, alam na namin yang style mo" Hindi nalang ako umimik sa sinabi niya.

"Magiging maayos din ang lahat dre" Tinapik tapik ni Hailex ang balikat ko, sa ganoong paraan ay medyo nabawas bawasan ang bigat ng pakiramdam ko.

Hindi ako bading, ganyan talaga kaming magkakaibigan.

Papasok na sana kami sa room ng biglang "Kuya" Tawag ng binatilyo, napalingon rin kami, naglakad papunta sa gawi namin si quirwon.

Ba't nandito 'tong bobowit na ito?

"Ipinapabigay nga pala 'to ni daddy sayo" Sabay abot ng maliit na kahon kay duowon.

"Para saan pa 'to?" Inis na tanong ni duo

Yeah yeah, hindi nga pala halos magkasundo itong si duowon sa daddy nila.

"Hindi ko alam, sabi niya sa akin ibigay ko raw yan sayo" Ani quirwon "Oh sige kuya alis na ako" Pipihit na sana ito patalikod ng pinigilan siya ni duowon

Ikinasal ako sa tomboy natoWhere stories live. Discover now