UPDATE 3

16 0 1
                                    

" Oh face to face kayong dalawa! Yaaan. Yan ganyan nga. "

*click*

Napabuntong hininga nalang ako habang bigay ng bigay ng instruction si Kriz the Photographer kuno. Tsss leshe.

" Taympers! Kriz naman eh. Halos 20 minutes na kaming pose ng pose dito. Wala bang pahinga sa vocabulary mo? Kapagod na eh. "

Nakapamewang naman si Kriz habang sinasabi ko yan.

" Best! Walang ganyan sa vocabulary ko today. Today lang naman. Ge na beeest. Bare with me naman. Kailangan ko to para sa contest namin next week. "

" Eh bakit ba kasi kami pa napili mo. "

" Dahil couples ang kailangan ko at couples kayo ni Jack. At ang perfect nyong dalawa. Siguradong mananalo ako pag kayo pinili ko. Dami kayang may gusto sa inyo para gawing model buti nalang nauna ako. "

Napalingon naman ako kay Jack na nakangiti lang at umiwas agad ako ng tingin. Sus. Halatang gustong gusto naman ng hinayupak na to.

*Sigh*

Bigla namang nagclap si Kriz at itinaas ulit ang camera.

" Oh face to face kayo ulit! "

Gaya nga ng sinabi ni Kriz. Humarap kami sa isat-isa. Pero sa baba ako nakatingin. Ewan ko, di ko keri tumingin sa kanya.

" Hutangina naman best! Nasaan ba sa tingin mo mukha ni Jack? Nasa paa? Dont tell me nahihiya kang makipag eye contact sa bf mo? Kayo naman parang di kayo magsyota. Kanina pa kayong di comfortable sa ginagawa nyo eh kaya di ko pa tuloy makuha ang best shot. "

Natigilan naman ako sa sinabi ni Kriz. Taena, halata ba?

Wala na akong magagawa pa kundi tingnan si Jack at nagkasalubong naman ang mga tingin namin.

Habang si Kriz, patuloy lang sa pagkuha ng shots.

Nagulat naman ako ng bigla akong hawakan ni Jack sa bewang at inilapit sa kanya. Kaya mas lalong malapit na tuloy ang mukha namin sa isat-isa.

" Thats more like it. " Narinig kong bulong ni Kriz.

" J-jack. Bitaw nga. " Bulong ko sa kanya para di marinig ni Kriz.

Napasmirk naman siya at inilapit ang mukha niya sakin.

Inilapat niya ang noo niya sa noo ko pero nakatingin parin siya sakin deretso sa mata.

Pakiramdam ko sasabog na dibdib ko sa lakas ng pagtibok nito.

Nagsmirk siya ulit. " Is this making you nervous? "

" H-hindi ah. Ha. Ok lang sana kung si Lee Minho gumagawa nito sakin. Kaso hindi. "

" Hmmm. Then how about this... "

Nagulat naman ako ng bigla niyang hinaplos ang mukha ko at the next thing I knew...

Magkadikit na ang mga labi namin.

Di ako makagalaw . Di rin ako makahinga.

Jack....

Inilayo na niya ang mukha niya at bumitaw na sa pagkakahawak sa bewang ko.

Pero nakakapit parin ako sa balikat niya at tulala.

K-kiss... Did he just kiss me ?!

" OMAYGHAAAAAAAAD! KYAAAAAAAAH! BEST SHOT EVAAAAH! ANG GALEEEENG! BOSHET KINIKILIG AKOOO! "

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ALMOST LOVERSWhere stories live. Discover now