UPDATE 2

11 1 2
                                    

" Hindi mo dapat ginawa yun Yen ! "

Napakagat naman ako ng labi ng tawagin niya ako ng first name ko, so ibig sabihin medyo galit na ito sakin.

Wala ng ibang tumatawag sakin ng Yen kundi siya lang. At pag once yan na ang tawag niya sakin, ibig sabihin may nagawa akong di nya nagustuhan.

" Ah eeeeeh sorry na ! Papalitan ko nalang yung motor mo. "

Nasa hallway kami ngayon ng school. Pumunta kasi ako kaninang umaga sa bahay nila para magtanong kung kumusta yung usapan nila ni Kriz kahapon pero imbis na yun ang gawin ko. Ay nakita ko ang bago niyang motor at ninakaw sa kanya ang susi para matest ko ito, but unfortunately, nabunggo ko at nasira ito.

Huminto naman bigla si Zach sa paglalakad kaya napahinto narin ako. Humarap ako sa kanya at..

" Aray ! " Gulat naman akong napatingin sa kanya dahil binatukan lang naman niya ako.

" Do you think Im mad right now because you destroyed my motorcycle ?! "

Napaisip-isip naman ako sa sinabi niya. " Bakit , hindi ba ? "

Napahawak naman si Zach sa noo niya. Ganun na ba talaga ako ka pasaway at kaslow ?

" Kaya kung palitan ang nasira mong motor anytime. Pero pano kung ikaw yung napahamak ha ? Mapapalitan ka ba ?! "

Ngayon mas klaro na sakin kung ano ibig sabihin niya. Sabagay mayaman naman tong si Zach, kahit ilang motor pa sirain ko magagawa niya paring bumili ng bago.

Nag-aalala lang pala sakin to eh. Agad naman akong napangiti at inakbayan siya. " Naks ! Oiii concerned sakin ! "

Agad naman niyang inalis ang pagkakaakbay ko sa kanya at napansin kong napailing ito. " Just dont do reckless things next time okay ? And , wag mo ng pakialaman motor ko next time. "

" Oo na po! " Napatingin naman ako sa relo ko. Patay ! One minute nalang magstastart na class namin !

" Ah Zach ! Mauna na ako baka malate ako sa class ! Byeeeee ! " Agad naman akong tumakbo at naiwan si Zach na nakatayo , sinundan niya lang ako ng tingin at nag wave sakin.

Ang terror pa naman ng teacher ng first period namin. Mukhang mapapasubok yata ako ngayon. Nasa second floor pa naman room ko.

* Blaaaag ! *

Kung minamalas nga naman. Nagmamadali na nga ako, nakabunggo pa ako ng studyante.

Tumayo naman ako sa pagkatumba at kinuha ang bag ko. Nang mapatingin ako sa nabunggo ko parang mas bata pa to sa kin, siguro mga nasa first year or second year to.

Nag bow lang ako at nag sorry.

Paalis na sana ako ng bigla naman akong harangin ng isa pa nyang kasama. Nagtataka naman akong napatingin sa kanilang dalawa.

" Bakit ? " Tanong ko sa kanila.

Lumapit naman sakin ang lalaking nabunggo ko at inagaw sakin ang bag ko. Isinabit niya ito sa balikat niya sabay titig sakin.

" Pano ba yan Miss. Di ako tumatanggap ng sorry." "

Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya. Aba walangya to ah. Inagaw ko naman sa kanya ang bag ko pero nahawakan niya ito agad. Kaya nagaagawan kami ngayon dalawa.

" Kung ayaw mo edi wag ! Bitawan mo nga bag ko ! "

Napangisi naman siya sabay sabi ng " Okay. Sabi mo eh. "

ALMOST LOVERSUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum