UPDATE 1

13 1 1
                                    


(ALODIA)

" Hoy best ! Balita ko nag drama club din si palalabs ! Kainggit naman magkasama kayo ng club tapos ako sa photography ! "

Pagmamaktol niya habang nakapout ang bibig at pinaglalaruan ang braided nitong buhok.

Asus ! Ito talagang si Kriz Marie ! Grabi talaga yata epekto ni Zach dito sa kanya. Kaninang umaga niya pang bukambibig si Zach. Masisi mo ba naman ang isang Zach Rodriguez. Ang kinababaliwan at kinaaadikan ng mga babae at maging mga bakla sa school.

Maliban sakin. Oh ! Dont get me wrong, di ako hater ni Zach. In fact, he's my childhood friend, we have like brother-sister kind of relationship. Ang weird naman siguro kung kinababaliwan at adik ako sa childhood friend ko na parang kapatid ko na? Hahah !

Pero pagdating sa school, di ako masyadong nakikipagclose sa kanya, umiiwas lang ako sa gulo. Daming warfreak na mga fans niyan. Natrauma na ako nung first year palang kami, akala ko nga ililibing na nila ako ng buhay nung makita nila akong ginoodbye hug si Zach. Leshe, kinikilabutan talaga ako sa kanila !

" Edi lumipat ka sa drama club ! "

Sabi ko sabay subo ng cake sa bibig ko. Nasa cafeteria kami ngayon since vacant namin. Kung ang ibang studyante ay sa library dumederetso, well ibahin niyo ako, pagkain agad tirada ko. At ito namang si Kriz, naimpluwensyahan ko lang to. Hahahah *evil grin*

" Eeeeh ! Alodia naman eh ! Alam mo namang wala akong hilig diyan ! I'll stick to photography nalang ! "

Kinuha naman ni Kriz ang DSLR niya at tiningnan ang mga nakuha niyang stolen pictures ni Zach. Minsan napapaisip na nga ako na stalker na itong bespren ko eh.

Last year lang kami nagkakilala ni Kriz pero grabi na ang bond naming dalawa. 4th year highschool na kami ngayon. At dahil sakin, nagkakilala din sila ng palalabs niya na si Zach. Pano kami nagkakilala ni Kriz ?

Scholar at transferee si Kriz sa school nato, kaya di maiiwasang pagtripan at ibully siya ng mga maaarteng studyante dito. Lalo na't nakasuot ito ng eyeglass at palaging nakatali ang buhok. Nagkataon na napadaan ako sa hallway at nakita ko syang pinagtutulungan ng mga mukhang bulate sa school kaya di ako nagdalawang isip na tulungan siya. Since then, naging magkaibigan kami and our friendship grew stronger.

Nang ibaba ni Kriz ang DSLR niya ay agad naman itong tumingin sakin.

" Eh yung boyfriend mong si Jack ? Ano pinili niya ? "

Inubos ko na ang cake ko at tumingin din sa kanya.

" Sa dance club siya napadpad. "

Tumango-tango lang si Kriz.

" Sabagay, magaling din naman yun sumayaw. "

" Di lang magaling ! Gwapo pa ! Diba babes ? "

" AY TIKBALANG KA ! "

Napahawak naman ako bigla sa dibdib ko sa gulat nang biglang sumulpot sa tabi ko si Jack ! Seriously ? Kabute ba tong lalaking to ?!

" Gwapo ko naman masyado para maging tikbalang babes. " Napakamot naman ito ng ulo.

Sarap hampasin ng aircon to eh para malaman niya kung alin mas mahangin sa kanilang dalawa.

" Sus ! Nakalunok yata ng electric fan syota mo best ! "

" Sinabi mo pa ! Hahaha ! " Nagtawanan kaming dalawa ni Kriz sabay appear sa isa't-isa.

Napasimangot naman agad si Jack. " Totoo naman ah. Wag niyo na kasing ideny ang fact na gwapo ako. Ok lang girls, alam kung nahihiya lang kayong sabihin yun. " Agad naman itong nag pogi pose. Napafacepalm nalang ako.

ALMOST LOVERSWhere stories live. Discover now