39

0 0 0
                                    


"Ikaw pa rin,Kahit 'di na Ako"

Ikaw pa rin ang favorite person ko,
Ikaw pa rin ang hahanap-hanapin ko,
Yakap mo pa rin ang nanaisin ko,
Boses mo pa rin ang gustong naririnig ko.

Kahit 'di na ako,
Kahit hindi naman naging tayo,
Kahit 'di umabot hanggang dulo,
Kahit hanggang kaibigan mo na lang ako.

Salamat nakilala kita,
Kahit saglit lang.
Salamat dumating ka sa buhay ko,
Kahit saglit lang.

Salamat napasaya mo ako,
Kahit saglit lang.
Salamat nagkaroon ng ngiti sa mga labi ko,
Kahit saglit lang.

Salamat sa mga panahong nakasama kita,
Salamat sa mga alaala,sinta.
Salamat sa pagmamahal,
Kahit 'di ito nagtagal.

Tulang Storya At Buhay KoWhere stories live. Discover now