21

2 0 0
                                    

Sya🌻

by:Erma Mejico✍

Kamusta?
Kinakaya mo pa ba?
Kung oo,
Makinig ka.

Tatagan mo,kaibigan.
Anuman ang pagsubok
Iyong paglabanan.
Sapagkat mayroon kang masasandalan.
Hindi mo man sya nakikita
At nararamdaman.
Nararanasan mo naman
Ang kanyang mga ginagawa.
Manalig ka at manampalataya sa kanya.
Makakamit mo ang iyong inaasam.

Ikaw ba'y pinanghihinaan ng loob?
Madalas umiiyak sa sulok?
H'wag kang mag-alala,
May karamay ka.
Hindi ka nag-iisa.
Palagi lang syang nakatingin
Sa mga ginagawa mo.
Inaalalayan ka nya
Sa mga hakbang
At pinagdadaanan mo sa buhay.
Syang nagmamahal sa atin.
Sya ang Ama.

Tulang Storya At Buhay KoWhere stories live. Discover now