23

1 0 0
                                    

"Hanggang Dito na lang ba?"

Kapag magkasama anong saya
Ang nadarama,sinta.
Napapangiti mo't napapatawa.
Ibang saya ang dala.

At kapag kausap na kita.
Nawawala pagod ko,sinta.
Ano ba itong iyong pinadarama?
Naguguluhan ako sinta.

Hindi lang makausap sandali.
Nagugulumihanan at di mapakali.
Mukhang nahulog na sa'yo sinta.
Sa pinapakita mo't pinadarama.

Ngunit mukhang malabo
Malabong iyo rin akong magustuhan,
Sapagkat tayo'y may sumpaan.
Na hindi mag-iibigan.

Dahil hanggang magkaibigan lang!😥

Open for criticism!
By: Erma Mejico ✍🌻

Tulang Storya At Buhay KoWhere stories live. Discover now