17

2 0 0
                                    

Untitled📌
by:Erma Mejico✍

Minsan na akong nagmahal.
Naranasan na ring masaktan.
At sa aking kabiguan.
Aking natutunan
Sarili ko lang din ang masasandalan.

Naubos man akong parang kandila
Ngunit heto ako't bumabangon
Sa kabila ng sakit
Na pinaranas mo sa akin
Heto ako,nagiging matatag sa anumang hamon.

Iniwan man ako ng panahon.
Nawalan man ako ng pagkakataon
Na mahalin mo rin,
Umaasa ako na balang araw
Matatagpuan ko rin ang totoong para sa akin.

Tulang Storya At Buhay KoWhere stories live. Discover now