His Secret #2

375 2 0
                                    

Anya

Pinapasok ko ang binata mula sa maliit kong tirahan. Nagtataka ako at bakit nito nakalimutan ang susi nito. "Pasok po."

Inayos ko ang isa kong upuang kahoy habang pumunta sa maliit kong kusina para bigyan ko ito ng tubig. Pinagpag ko ang palad ko sa short ko. Nakalimutan ko palang magpalit.

"S-Sir, tubig po. Sorry po medyo masikip rito." Napakurot ako sa aking kabilang kamay.

Tinitigan nito ang tubig. "Is that distilled?"

"Po?"

Napabuntong hininga ito bago sumipsip ng tubig roon. Inikot nito ang paningin sa sala, mula sa kisame; wala pala, onting frame at and divider na puro plato ang laman. Matapos ay nilagok na nito ang tubig.

"Thanks. Dito na lang siguro ako tutulog." Tinuro nito ang lapag. "I'm just crashing here though."

Sunod-sunod akong umiling. "Okay lang po. Sa kama na lang po mas okay don. Ako na lang sa sahig. May banig naman po."

Mataman ang tingin nito bago ngumisi. Ang hilig niya don. Nakakahiya, baka nilalait na pala ako. Di'ko naman kasalanan na di ako maganda no. Kung di lang ako natanggap ni Sir, baka nagpopokpok na'ko.

"Right. Where's the bed?"

Kumunot ang noo ko. Bed lang naintindihan ko. Bobo rin pala ako sa inglyes na yan.

"Sabi ko asan kama mo."

"Ah." Tumayo ako at sinenyasan na sumunod ito. Pumunta ako sa maliit na hallway bago binuksan ang pinto at niluwa nito ang kama at maliit na table. Napa-amen ako nang nakita ang hanger na may panty at bra ko. Shuta!

"Wait lang po!" Hinablot ko ang hanger at tinago sa drawer ko. Nakakahiya putangin. "Okay na po. Higa na lang po kayo."

Inunat ko ang kumot bago inayos ang unan. Kumuha ako ng isa bago lumabas at kinuha ang banig sa sala. Nilatag ko iyon bago tinakip ang unan sa mukha ko.

Daming kaibigan ni Sir, base sa isip ko. Pwede naman siyang don makitulog, kaso ang sama ko naman kung humindi.

Kaka-isip ay di'ko na alam kung kelan ako nakatulog. Pero di'ko makakalimutan ang panaginip kong may ginagawa sakin si Sir Alex.

Nagising na lang akong nasa kama na. Ha? Paano? Inalis ko ang kumot at wala na ang lalaki doon. Nangunot ang noo ko, umalis ng kutson para maghilamos at tinignan ko ang mukha ko. Mamaya may muta pala ako, kakahiya. Medyo magulo ang buhok ko pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang pulang pantal sa taas ng dibdib ko.

Naka T-shirt ako kaya napaisip ako. Baka siguro nakapasok, malikot ako matulog e. Nagkape ako at nag-tinapay ako habang nakatulala sa ere. Shet, umuwi na siguro si Sir. Pero alas-singko pa lang.

Baka  may nag-text na may nakakita sa susi niya.

Tumayo na'ko upang maligo, kinuha ko muna ang twalya ko bago pumasok sa banyo. Gripo, inidoro, timba at tabo pati mga pangligo lang andito. Sinimulan ko nang maghubad nang may napansin.

Malagkit ang bandang dibdib ko. Nang kinapa ay parang laway iyon. Kumuha ako ng tubig sa tabo nang medyo madulas rin ang bandang baba ko. Parang laway rin.

Napatigil ako sa pagbuhos ng tubig. Shet?

      

Nilakad ko ang kompanya ng mahigit kalahating oras rin. Nagtitipid ako ng pera, nagastos ko na kasi sa requirements noong hiring dito. Pero ayos lang, may trabaho ako di'ba.

Pinunasan ko ng good morning towel ang noo ko habang nakatingin sa sampung lapag na establismento. Napa-whew ako bago pumasok ng salamin na pintuan. Bago pa'ko maka isang hakbang ay may humarang sa akin na sekyu.

HIS LITTLE SECRET जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें