"Zheiravil,"
"Txz!"
"Utos to ni Master kaya wala kang magagawa."
"Txz!" Hindi ko na s'ya pinansin at itinuon ko na lang ang tingin sa harap. Nagsisimula na pala ang laro nila.
Malalaking tao ang kalaban nila at hindi ko alam kung anong school ang kalaban nila. Lumipas pa ang oras at parang natatambakan na sila dahil sadyang maduduga ang mga higanteng to.
'Prrrt!'
Pumito ang referee dahilan para mapahinto ang laban. Tatlo agad ang nilabas dahil nainjured ang mga to. Txz! Ang dalawa d'on ay sina Miro at Excel.
"Oh my god! Bakit n'yo namang hinayaan na ganunin kayo?!" Tanong sa kanila ni Krisha.
"Mga siraulong yon sobrang duga!" Inis na sabi ni Excel. Lumapit naman ang mga nurse sa kanila at inasikaso na sila.
Third quarter na pero gano'n pa din ang nangyayari. Nakakatangina talaga! Lumabas na naman ang tatlo sa kanila at tulad no'ng nauna ay nainjured din sila. Ang sarap pagsasapakin ng mga dambuhalang hayop na'to!
Tangina! 154-62 ang score at lamang na lamang ang mga yon txz! Tinignan ko naman yong gago at mukang pagod na s'ya.
"Kaizer!" Napatingin naman sila sa'kin ng magsalita ako.
"Bakit Ravil?"
"Ikaw ang maglaro d'on kayo nitong hayop na'to!" Turo ko naman kay Axl.
"Ha?"
"Txz! Dalian n'yo na!"
"Seryoso ka ba Zheirvail?" Tanong naman netong hayop na'to.
"Muka ba kong nagbibiro?!" Inis kong sabi sa kanya.
"Pfft! Alright kami ng bahala sa kanila." Tinanguan ko na lang sila at tinalikuran na kami. Tingnan lang natin kung hindi bumaliktad ang score, masyadong mayayabang ang mga tangina!
"OMG! Ang galing nila!" Manghang sabi ni Jenz.
"Oo nga lalo na at pinagsama silang dalawa." Hirit naman ni Ayumi.
Dalawang minuto pa lang ang lumilipas pero nasa 154-95 na ang score. Txz!
Kalahati na ng fourth quarter at gaya nga ng sabi ko ay bumaliktad ang score. 154-188 na at lamang na lamang na kami. Mabuti naman at hindi ako binigo no'ng dalawa. Madalas ang mag score ay si Axl at yong gago.
'Prrrrrrt!'
Mahabang pito no'ng referee ng matapos ang laro.
"Yayy panalo tayo hehe," tama yong sinabi ni Jexden dahil panalo nga talaga kami. 168-222 ang score tambak na tambak ang tangina.
"Ravil,"
"Zheiravil," sabay na tawag nila sa'kin.
"Txz!" Tinalikuran ko na sila dahil ako naman ngayon ang maglalaro.
"Wait lang Zheyy!" Hindi ko na sila pinansin pa at naglakad na lang. Hindi man lang ako nakapagpractice dahil sa panonood no'ng laro pero ayos na yon dahil alam ko naman na mananalo kami txz.
𝐙𝐡𝐞𝐢𝐫𝐞𝐧 𝐏𝐎𝐕:
Nagulat na lang ako kanina ng bigla na lang pumasok yong dalawa habang naglalaro kami hindi ko alam kung sino ang nagpapasok sa mga yon at mas nagulat ako dahil tinambakan namin yong mga kalaban, parang kanina lang kami ang tambak tapos ngayon nanalo pa kami dahil sa pagpasok ni Kaizer at no'ng Axl na yon.
Nagtataka din ako dahil bakit namin kasama yon. Halos mamatay na kami dahil sa mga ginawa no'n tapos ngayon kasama pa namin yong lalakeng yon?! Aish!
Nagtama ang mata namin no'ng babaeng yon kaya napaayos ako ng tayo. Bakit ba gano'n na lang kung makatingin yon?! Tch!
YOU ARE READING
{*S~h~e~'~s~ y~o~u~r~D~e~v~i~l~*}
ActionWalang nakakaalam dahil hindi nila ito nararamdaman, Walang nakakapansin dahil hindi nila ito nakikita, At walang may pakialam dahil hindi nilä ito kilala!!! Namnamin at lasahan mo ang iyong mararamdaman, Oras na simulan mo ito!! Panindigan ang maki...
Chapter 27
Start from the beginning
