"So let's go Zheiravil?" Nabaling naman na sa kanya ang tingin ko ng magsalita s'ya.
"Txz!" Pumunta na'ko sa motor ko at sumakay na, ga'non din naman s'ya. Hinintay kong umandar s'ya bago ko sumunod sa kanya.
Medyo malayo ang binyahe namin pero nakarating na din agad kami. Nang matanggal ko na ang helmet ko ay nanlaki ang mga mata ko sabay atras dahil sa pinuntahan namin na lugar.
Hindi maaari! Tangina!
"Anong ginagawa natin dito?!" Seryoso kong tanong sa kanya ng makababa s'ya sa kotse n'ya.
"Why don't you see it for yourself Zheiravil?"
"Txz!" Nauna naman na s'yang pumasok at kahit nanginginig ay sumunod lang ako sa kanya.
"Master nandito na po kami," sigaw no'ng tarantado. Maya maya lang ay lumabas na ang sinasabi n'yang master at napayuko nalang ako, hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.
"Babushka," nakayuko kong sabi sa kanya. (Grandma)
"Ty zdes," may diin nitong sabi. (You're here)
"Dobryy vecher babushka," (Good evening grandma)
"Dobryy vecher,"
"Master mauuna na po ako, ang hirap pong kausapin n'yang apo n'yo, ang sakit manapak." Natawa naman sa kanya ang lola ko.
"Sige na makakauwi ka na, salamat."
"Pa'no ba yan Zheiravil? Siguro nagtataka ka kung bakit nandito ako sa mansion ni Master. Kaya mas mabuting si Master na lang ang tanungin mo." Nakangisi nitong sabi sa'kin at kahit na gusto ko ulit s'yang sapakin ay pinigilan ko ang sarili ko.
"Txz!" Tuluyan naman na s'yang umalis at hindi pa din ako nag-aangat ng tingin.
"How are you?"
"I-I'm fine babushka,"
"Really?" Parang hindi makapaniwala n'yang tanong.
"Y-Yes,"
"I miss you apo," sa sinabi n'ya na yon ay mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya at bago pa'ko makapagsalita ay niyakap n'ya na'ko.
Mabilis namang bumuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Parang sa loob ng apat na taon ngayon ko na lang naramdaman ang pagod.
Tangina ang sakit pa rin pala talaga hanggang ngayon!
"Babsuhka," humikhikbing turan ko.
"Shh, it's okay I'm here Zheiravil." Mas lalo lang akong napahagulgol sa balikat n'ya ng sabihin n'ya yon.
Ilang minuto rin kaming nasa gano'ng posisyon bago ko napagpasyahan na humiwalay. Pinahid ko na din ang mga luha ko at diretsong tumingin sa kanya.
"Kailan pa ho kayo dumating?"
"Kahapon pa,"
"Hm,"
"Alam ko na naman na hindi mo ugaling magtanong pero sasabihin ko pa rin sayo." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil hindi ko talaga kayang salubungin ang mga tingin n'ya. "At alam ko din na naguguluhan ka kung bakit ko kasama ang Francis na yon."
"Wala kong pakealam sa kanya," natawa naman s'ya sa sinabi ko kaya diko maiwasan na tignan ulit s'ya.
"Di ka pa rin nagbabago Zheiravil, oh s'ya sige na magpahinga ka na muna at alam kong pagod ka na."
"Uuwi na ho ako,"
"Pwede bang dumito ka muna at sa linggo ka na lang umuwi?"
"Sige ho," nagliwanag naman ang muka n'ya sa sinabi ko at inalalayan ako papunta sa kwarto.
YOU ARE READING
{*S~h~e~'~s~ y~o~u~r~D~e~v~i~l~*}
ActionWalang nakakaalam dahil hindi nila ito nararamdaman, Walang nakakapansin dahil hindi nila ito nakikita, At walang may pakialam dahil hindi nilä ito kilala!!! Namnamin at lasahan mo ang iyong mararamdaman, Oras na simulan mo ito!! Panindigan ang maki...
