"Anong?! Hindi naman pwedeng iwanan na lang kita basta dito lalo na at hindi pa magaling yang braso mo."

"Kung inaalala mong baka lumala yong sa braso ko, ayos lang ako kaya umuwi ka na hindi ka nakakatuwa!" Nakakagigil talaga tong gagong to!

"Bahala ka d'yan!"

"Abat!" Sinamaan ko na lang s'ya ng tingin at hindi na pinansin. Huwag lang talaga s'yang magiging pabigat sinasabi ko lang!

Nagsimula naman na silang sumugod sa'min at hindi ko maiwasang hindi tignan yong gago dahil baka mamaya mapuruhan pa yon. Nang makita kong kaya n'ya naman ay pinagpatuloy ko lang ang pagsipa ko sa mga to. Hindi ko pwedeng igalaw ang mga braso ko dahil baka mapwersa at mas lalong lumala pa.

Medyo hinihingal na'ko pero nangangalahati pa lang yata kami. Tinignan ko ulit yong gago at gano'n din s'ya habol habol na rin ang hininga n'ya. Tanginang mga to ano bang problema nila at naisipan nila to?! At sinong tarantadong nag utos sa kanila para gawin to!

Hindi ko alam kung ilang minuto na kami nakikipagbugbugan sa mga to at mas lalo lang akong hinihingal dahil hindi sila maubos ubos! Napaluhod ako nang maramdaman kong hinampas ako sa braso kung saan ako may sugat.

Tanginang yan!

"Vil!" Agad naman akong nilapitan no'ng gago.

"Kinginang ang sakit!" Nasabi ko na lang dahil ramdam kong namamanhid na ang braso ko dahil sa paghampas no'ng tarantadong yon.

"Fuck! Nangdudugo na yong braso mo!" Napatingin ako sa braso ko at tumutulo na nga ang dugo d'on.

"Sige na kaya ko pa naman,"

"Anong? Hindi ka na kikilos ako ng bahala!"

"Txz!" Akmang tatayo na'ko ng pigilan n'ya ko.

"Pwede bang makinig ka naman sa'kin kahit ngayon lang?!"

"Txz!" Wala na'kong nagawa at sinunod na lang s'ya.

"Babalikan kita dito tatapusin ko lang yong mga gagong yon!" Tinalikuran n'ya naman na'ko at gaya nga ng sabi n'ya ay s'ya na ang bahala d'on. Ipinikit ko na ang mga mata ko dahil hindi ko na ramdam ang braso ko.

"Kingina!"

"Heyyy tara na dadalhin na kita sa ospital." Inalalayan n'ya naman akong tumayo kaya hinayaan ko na lang. "Sa kotse ko na lang tayo sumakay, ipakuha na lang natin yang motor mo bukas."

"Txz! Hindi na, ikaw umuwi ka na ako nang bahala sa sarili ko."

"Anong?! Hindi pwede! Dadalhin kita sa ospital baka maputulan ka na ng braso n'yan."

"Txz!" Hindi ko s'ya pinansin at dumerecho pa rin sa motor ko.

"Aishh ang kulit talaga," rinig kong bulong n'ya.

"Ano bang ginagawa mo?!" Tanong ko sa kanya dahil bigla na lang s'yang sumakay sa motor ko na para bang s'ya ang magdadrive no'n.

Halatang mga nagulat ang

"Ao na ang magdadrive,kumapit ka na lang,"

"Gago talaga!" Wala na'kong nagawa kaya umangkas na lang ako. Siguraduhin n'ya lang na marunong s'ya at hindi kami madidisgrasya dito! Mabilis ang pagpapatakbo n'ya kaya nakarating agad kami. Pumasok na agad ako at iniwan s'ya d'on.

Halatang mga nagulat ang mga nurse ng pumasok ako kaya agad nila kong dinaluhan at inalalayang pumasok sa emergency room. Ipinikit ko na lang ang mata ko dahil wala na talaga kong maramdaman sa braso ko. Sobrang manhid na nito tangina talaga!

Pagkatapos nilang gamutin ang sugat ko ay lumabas na'ko at nakita ko yong gago na nag-aantay sa'kin.

"Ano? Kamusta? Okay ka na ba?" Sunod sunod n'yang tanong.

{*S~h~e~'~s~ y~o~u~r~D~e~v~i~l~*}Where stories live. Discover now