"Ayy thank you Ira!" Tinanguan ko lang sila sa mga sinasabi nila. Nang maibigay ko na lahat ay binalingan ko naman sila Boss para bigyan din sila nito.
"Salamat Zhey!"
"Hm,"
"Ira!" Napatingin kaming lahat sa sigaw na yon ni Kaizer, bigla kong kinabahan dahil kasama n'ya ang mga kuya ko.
"Kaizer," pilit kong inaalis ang kabang nararamdaman ko.
"Pwede bang makahingi ng gawa mo?" Nakangisi nitong tanong sa'kin, sarap batukan ang loko!
"Hm," inabot ko naman yong para sa kanya at pumunta na din ako kila kuya para bigyan din sila nito.
"Congrats Ira!" Sabi nila kuya Min.
"Salamat!" Naiiyak ako dahil ang saya saya ko. Hindi man halata sa sa'kin na masaya ako ay sa loob loob ko sobra sobra na ang nararamdaman ko.
"Ira bakit mo naman tinanggal yong nasa braso mo?" Napatingin kami kay Kaizer ng tanungin n'ya ko.
"Txz!" Masyado kaseng sagabal eh hindi naman ako pilay para lagyan pa no'n.
Nang matapos silang kumain ay inannounce na wala ng klase dahil sa ginanap na contest. Mabuti na yon dahil nakakaubos ng lakas yon.
"Mag celebrate tayo sa restau ko dahil nanalo ang Zheira ko."
"Bro sama tayo sa kanila," sabi ni Kaizer kila kuya.
"Sige,"
"Yehey!" Hirit naman ni Krisha, pumunta na kami d'on at mabilis lang din kaming nakarating. Masaya ko na kasama ko din sila kuya.
"Hindi talaga ko nagbukas dahil para may celebration talaga tayo, ang galing mo talaga My Zheira." Inakbayan n'ya pa'ko at hinayaan ko na lang.
"Mag party tayo tara!" Wala na'kong nagawa kaya nakisali na din ako. Nang mag alas diyes na ng gabi ay naisipan na naming umuwi dahil ang iba sa'min ay lasing na lalo na sila Kuya. Nakaalalay ako kay kuya Taexus dahil halatang hindi n'ya na kayang maglakad pa.
Bago pa sila makasakay sa mga sasakyan nila ay may mga lumabas na mga lalaki. Tanginang yan kung kailan mga lasing ang mga to, ang galing naman talagang tyumempo ng mga tarantadong to!
"Zheyyy," takot na tawag sa'kin ni Jenz.
"Mauna na kayo at siguraduhin n'yong makakauwi agad kayo." Sabi ko sa kanila nang nakatingin pa rin sa mga tarantadong yon.
"Pa'no ka Ira?" Tanong sa'kin ni Josh.
"Ravil delikado mas mabuting tumawag na lang tayo ng nga pulis."
"Kailan pa sila darating? Kung kailan lumpo na tayo? Dalian n'yo na, Josh, Boss, Kaizer kayo ng bahala sa kanila at siguraduhin n'yong makakauwi sila ng ligtas."
"Pero-" pinutol ko ang sasabihin ni boss at tinignan s'ya ng seryoso.
"Please lang ayokong mapahamak kayo, kaya ko to magtiwala lang kayo." Kahit napipilitan ay sinunod nila ko.
"Mag-iingat ka Ravil," tinanguan ko lang si Kaizer sa sinabi n'ya. Pagkapasok nila ng kotse ay tinanguan ko na muna din sila bago nila paharurutin ito.
"Anong? Akala mo ba kaya mo yang lahat?" Kumunot ang noo ko sa nagsalita at tinignan ko ang gago na nagpaiwan pala.
"Kinginang! Anong ginagawa mo dito?!" Inis kong tanong sa kanya.
"Nagpaiwan ako,"
"Sinabi ko bang magpaiwan ka? Umuwi ka na nga sagabal ka lang gago ka!" Nanlaki naman ang mata n'ya sa sinabi ko.
YOU ARE READING
{*S~h~e~'~s~ y~o~u~r~D~e~v~i~l~*}
ActionWalang nakakaalam dahil hindi nila ito nararamdaman, Walang nakakapansin dahil hindi nila ito nakikita, At walang may pakialam dahil hindi nilä ito kilala!!! Namnamin at lasahan mo ang iyong mararamdaman, Oras na simulan mo ito!! Panindigan ang maki...
Chapter 25
Start from the beginning
