Chapter 78: Ang Isang Daang Porsyento Ni Hanamichi Sakuragi Jr (Akito)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anong nangyari sa kanya, Ngayon ko lang nakitang tumawa ng ganito si Akito" sabi ni Lyion

Umupo si Milliana at sinabing

"Lagot na sila" sabi ni Milliana

"Huh?" Napalingon sa kanya sina Althena

"Talagang ginalit na nila si Akito sama, Ngayon mag sisimula na ang tunay na laban" sabi ni Milliana

Sa bench ng shohoku

"Magtatawag na ako ng timeout mukhang grabe nangyari sa kanya" sabi ni Kate

"Wag. Nagsisimula palang ang laban, Lagot na sila ngayon, Hindi nila kilala ang ginalit nila" sagot ni Gildar

Naglalakad na si Akito napansin ng mga kasama nya na mukhang nawala ang pagod nito, normal na ang paghinga at higit sa lahat nakangiti pa ito papunta sya sa free throw line para tumira ng 2 shot

"Hindi dapat nila ginalit si Akito sama, Noong hindi pa nagiging sila ni Zoey, Ang maitim nyang puso ang naging lakas nya noong junior high school sya, kaya kahit hindi sya sumali sa mga practice sya parin ang pinakamagaling, Hindi sya dumaan sa basics training dahil ang totoo sya mismo ang basketball, Nang maging sila ni Zoey unti unting nawala ang kadiliman sa puso ni Akito sama, pero ngayon lagot na sila bumalik sya sa dati" sabi ni Gildar

"Ano?" Patanong na sabi ni Kate.

Tumira si Akito pareho nyang naipasok ang 2 shot

"Lyion sakin mo ipasa ang bola" sabi ni Akito

"Ayos ka lang Akito?" Tanong ni Sakuhako

"Oo, Para mahabol natin ang lamang nila, Kaylangan natin mag Full court Press" sagot ni Akito

"Sigurado ka ba talaga?" Tanong ni Sakuhako

"Oo" sagot ni Akito, napansin ni Sakuhako ang kakaibang mga mata ni Akito kahit na nakangiti ito

"Akito, Bumalik ka sa dati" sabi ni Sakuhako sa kanyang isipan

Lumingon sya sa taas at nakita nya si Zoey na nakatayo kasama si Hisaka na nakaupo nanonood sa kanila

Dahil sa foul ni Yuriko sa shohoku parin ang bola

Nakadepensa na ang Takezono, habang drinidribble ni Lyion ang bola, nasa harapan nya ang Point Guard ng Takezono na si Ryoiji

Ipinasa nya kay Sakuhako, tumakbo si Sakuhako dumaan sa gilid ng court subalit mahigpit ang depensa ng Power Forward ng Takezono na si Yizuma

Kaya ipinasa na lang ni Sakuhako kay Daigo na agad nman ipinasa kay Renz sa ilalim ng basket naglalaban si Yasuma

"Yan ba ang kakayahan ng national player na nagtraining sa basketball association? Walang kwenta" sabi ni Yasuma

Aminado si Renz malakas si Yasuma kasing lakas ni Hideyoshi, si Hideyoshi ang mahigpit na nakalaban noon ni Renz sa exam nila noon sa basketball association kung saan natalo sya lalo na sa rebound

Pero hindi magpapatalo si Renz, marami syang kahinaan ngunit maraming naniniwala sa kanya

Nakita nyang sumenyas si Akito sa pamamagitan

Kaya kunwaring idudunk nya ang bola tumalon sya kaya tumalon din si Yasuma sabay pasa kay Akito

"Ayan na" sabi ni Gildar

"Bakit? Meron bang mangyayari?" Tanong ni Kate

"Kapag nasa serious mode na si Akito-sama ginagamit nya ang 99 basketball technique nya sa opensa at depensa hindi matatapos iyon hanggang hindi nya nakukumpleto ang 99 technique na alam nya" sagot ni Gildar

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Suramu Danku: Next Generation 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon