Chapter Eight

35 0 0
                                    

"LUNA, nalunod ka na ba?"

Napasimangot si Luna nang marinig ang tinig ni Aquila sa labas ng banyo. Wala sa loob na nasulyapan niya ang lock niyon.

"Huwag kang OA, Aquila. Wala pa akong limang minuto rito sa loob ng banyo. Manahimik ka diyan." Ipinatong niya ang pagpapalit ng damit. Panaka-naka ay sumusulyap din siya sa pinto. She was so aware that Aquila was just next door. And that alone made her giddy.

"Sorry, nag-aalala lang akong malunod ka." She could almost hear him chuckling. She was damn sure that Aquila was enjoying this.

"Walang nalulunod sa banyo, unless lunurin talaga nila ang sarili nila. At hinding-hindi ako malulunod sa tabo."

Hindi na ito sumagot at narinig niya ang papalayong yabag nito. Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag. Mabilis niyang ipinagpatuloy ang pagpapalit ng damit Bago pa uli ito mainip. Bago sila tumuloy sa beach house na pinagdalhan nito sa kanya ay dumaan sila sa mall at pinamili siya nito ng swimsuit. Doon na rin sila nananghalian dahil hindi na siya pinagbigyan pa ng binata na kumain bago umalis ng bahay.

Pinili niyang itaas na lang uli ang may-kahabaang buhok. She took a deep breath before heading out. Itim na two-piece swimsuit ang pinili niya para sa sarili. Pumili rin siya ng puting cotton shorts na ipapatong doon. She saw Aquila's playful grin when he bought it for her. Halatang nagustuhan nito ang swimsuit na pinili niya.

Nakaupo ito sa kama nang mabungaran niya. She tried to look not affected. Pero kahit yata nag-iwas na siya ng tingin ay tumatatak pa rin sa isip niya ang mala-Adonis na katawan nito. Feel na feel nito ang pagdi-display nito ng abs wala pa man sila sa beach. Tanging na boardshorts lang ang suot nito. He was smiling coyly at her.

"Gumamit ka na ng banyo. Kanina ka pa atat na atat na lumabas ako, eh."

"Bihis na kaya ako. Hindi ako gagamit ng banyo. Nag-alala lang akong hindi ka na lumabas ng banyo."

She tried to look at him. Anak namang ngiti 'yan. "Bakit naman hindi ako lalabas ng banyo?"

"Malay ko ba kung nako-conscious kang makita ko ang katawan mo. Well it's not as if I haven't seen it." Aquila surveyed her body shamelessly.

Nag-init ang pisngi niya. Biglang bumalik sa alaala niya ang gabing namagitan sa kanilang dalawa. "Kaya mo ba ako dinala rito, para makita lang ang katawan ko?" nananantiyang tanong ni Luna. Sa halip na mainis ay kabilagtaran pa nga ang nararamdaman niya. She liked this side of him, his playful side.

Nagkibit-balikat ito at tumayo na. "Nope. Pero kasama na rin iyon. Gusto ko lang na ma-relax ka. Puro trabaho ang inaatupag mo, nakakatakot na matagpuan na lang kitang bumubula ang bibig sa sobrang radiation sa computer."

Hindi niya naiwasang mapangiti. "Wala namang bumubula ang bibig dahil lang nasobrahan sa radiation ng computer."

Nang makalapit ito sa kanya ay inakbayan siya nito. She suddenly became aware of his body. Lapat na lapat ang katawan nila sa isa't isa. Tila may kung ano sa sikmura niya ang umakyat hanggang sa puso niya. Hindi na niya maintindihan kung ano ang dapat isipin. Just being near him made her feel confused in every sense.

"Meron na ngayon. 'Lika, itu-tour na kita sa labas," magiliw na yaya ni Aquila sa kanya.

Napatingin siya sa kamay nitong nakaakbay sa kanya. Mukhang sinusundan nito ang tingin ang mga mata niya. Bumuntong-hininga ito. "Come on, Luna, stop looking like that or else we will not be able to leave this room. Gusto mo ba 'yon?"

Siniko niya ito. "You're really a pervert."

Tinawanan lang siya nito. "No, princess, you're really just a temptress. Bakit Kasi ang sexy mo?"

HEIRLOOM: My Gothic Earrings (Book 2) by: Nicka GraciaWhere stories live. Discover now