Chapter Four

17 1 0
                                    

NASIRA ang software na ginagamit ni Luna sa paggawa ng designs ng stationery kaya wala siyang pagpipilian kundi magmano-mano muna sa mga naiisip na concept habang hinihintay na maayos iyon. Bumalik siya sa paggamit ng sketchpad at lapis. Nag-request na kasi sa online employer niya ng bagong software at mga ilang oras pa ang aabutin bago maipadala iyon. Isabay pang cut-off na ng mga order niya sa online shop. She was busy packing them and releasing them out. May naka-post ding kasing cut-off ang pag-order sa kanya para hindi siya labas ng labas sa pagpapadala niyon. Hindi rin siya tumatanggap ng meet-up kaya walang choice ang o-order sa kanya kundi ipadala iyon through courier. Isabay na rin kasi niya iyon sa pagkikita nila ni Danica para isang lakaran na lang.

Tumayo siya at nag-inat-inat. Nararamdaman na niya ang pangangawit ng likod at batok niya dahil sa pagkakasubsub sa pagtatrabaho. Intricate style na stencil ang iniisip niyang design ng stationery set ngayon. And yes, it was inspired by the moonstone ring.

Ang moonstone nga lang ba ang inspirasyon mo? panunudyo ng isip niya.

Sinalubong siya ng mabangong aroma paglabas niya ng kuwarto.

Hindi kaya may gayuma ang mga niluluto ng lalaking ito?

Kumunot ang noo niya nang mapansing tahimik ang loob ng bahay niya. Kanina ay hindi niya pinansin ang pagkatok ni Aquila dahil sa pagiging abala niya. Malamang ay umalis na ito at kinakatok lamang siya para magpaalam. Pero hindi pa rin niya maiwasang hanapin ito.

"Nasaan kaya ang isang 'yon?" wala sa loob na tanong niya. Napabuntong-hininga siya sa  panghihinayang dahil hindi mana lang niya ito Nakita bago umalis. "Teka, bakit ba ako nanghihinayang? Mas maganda nga kung umalis na siya. Kawalan niya kung susuko siya. Nasa akin pa rin ang heirloom."

Muling narinig niya ang pagpoprotesta ng kanyang tiyan. Gutom na talaga siya. Akmang uupo na siya nang matigilan. Parang hindi niya maatim na kumain na hindi man lang ito hanapin, baka nasa labas lamang ito at nagpapahangin.

Buwiset na konsiyensiya!

"Aquila," tawag niya sa may-kalakasang tinig.

Nagbilang siya hanggang sampu. Napangiti siya nang marinig ang pagbalik ng tawag nito sa pangalan niya habang nasa panlimang numero pa lang siya.

"I'm here outside your house," dugtong pa nito.

Patakbo siyang nagpunta sa direksiyon nito.

Bakit nga ba ako nagmamadali? 'Kakainis naman!

"Put that here, Quil," wika ng isang babae.

Agad na nagpuyos ang kalooban niya. Nakalimutan yata niya ang gutom at bigla uminit ang ulo niya.

"Kapal ng mukhang magdala ng babae sa pamamahay ko," bulong niya sa sarili.

Nabitin ang akmang pagtataray sana niya paglabas niya nang ang unang makita niya ay ang hubad na katawan nito. Ang tanging nagawa lang yata niya ay lumunok. Wala itong pang-itaas na damit at buhat nito ang isang uri ng halaman na nakatanim sa itim na supot. His body was glistening with sweat.

Anak ng pitong kamote, busog na ako, humahangang usul sa isip niya.

"Hoy, Luna!"

Bahagya siyang napaurong. Hindi niya namalayang nakalapit na pala si Aquila sa kanya. para kasing slow-motion ang dating nito sa kanya. Background music na lang, solved na.

"Grabe ka naman. Kahit pawisan ako, hindi naman ako mabaho."

Alam ko. Amoy na amoy ko nga. Mabango ka pa rin. "Wala naman akong sinabi. Ano'ng ba'ng ginagawa mo?"

HEIRLOOM: My Gothic Earrings (Book 2) by: Nicka GraciaWhere stories live. Discover now