Chapter Five

13 0 0
                                    

AQUILA was all set. Ang tanging hinihintay na niya ay si Luna. Nangangati na ang kanyang mga kamay na kumatok sa pinto ng kuwarto nito. Iyon ang araw ng engagement dinner nina Faith at Kuya JR. Ang tanging pumipigil lang sa kanya ay ang paulit-ulit na nag-e-echo na boses ni Crystal tungkol sa lecture nito sa mga babae. Ayon dito, huwag na huwag daw pagmamadaliin ng lalaki ang babae kapag nag-aayos ito. Mortal sin daw iyon.

"Damn rule!" mahinang bulong niya. Umingit naman si Hunter na nasa paanan lang niya. Nginitian niya ito. Friends na friends na silang dalawa. Tanggap na rin niya ang pagiging hyper nito, at mukhang minahal na rin siya nito dahil pinapatulan niya ang pagpapapansin nito. Kanina lang ay walang habas nitong hinahabol ang buntot nito kaya ikot lang ito ikot sa puwesto nito. Nang mahilo sa kakailot ay nagtatalon naman ito.

"Not you, Hunter."

Tila natuwa ito at kumawag-kawag pa ang buntot. He patted the dog's head. Nang marinig niya ang ingit ng seradura ng pinto ay sabay pa silang napalingon doon. For a moment there, he thought his heart had stopped. Gusto niyang kusutin ang mga mata niya para mapatunayang si Luna nga ang naglalakad patungo sa direksiyon niya. Bigla siyang napatayo.

"Hoy!" agaw nito sa pansin niya. Tinapik pa nito ang braso niya. "Tara na?"

"Sandali muna."

"Bakit? Mukhang kaninang-kanina ka pa inip na inip diyan," sabi nito.

Tumaas ang sulok ng mga labi niya. "It was all worth the wait. Mayamaya na tayo umalis. E-enjoy-in ko muna ang view."

Namula ang mga pisngi nito at yumuko ito upang tingnan ang ayos nito.

Luna was wearing a simple miniblack dress. Sinabi kasi niyang mag-formal dress ito sa dinner. Ang minidress nito ay hanggang kalahati lang ng hita nito ang haba. Her long legs were exposed. Long sleeved iyon pero see-through naman ang sleeves niyon. See-through din ang magkabilang gilid ng baywang niyon. Hindi niya alam kung anong uri ng underwear ang suot nito upang hindi iyon mahalata sa suot. And just the thought of her made his body go crazy.

Pinilit niyang iwaksi iyon at pigilan ang sarili na bigla itong ibalik sa kuwarto at hindi palabasin. Ipinagpatuloy niya ang pag-e-enjoy sa tanawin. Napangiti siya nang makita ang suot nitong sapatos. Tila boots iyon na medyo mababa ang cut pero open-toed. May tatlong pulgada yata ang taas niyon. May mga black accessory din ito sa mga kamay at black pearl sa mga tainga.

All in all, Luna's outfit screamed goth. Very Luna.

Nakapamaywang na ito, naiinip na yata. Bumalik na rin sa normal ang kulay ng mga pisngi nito at nakataas ang isang kilay nito.

"Tapos ka na sa pag-appreciate ng view na sinasabi mo?"

Napangisi siya. "Sulit na sulit talaga."

"So, puwede na tayong umalis?"

"Puwede na. Teka, Luna," pigil niya sa akmang paghakbang nito.

Tila impatient na tumingin ito sa kanya. "Ano na naman?"

He pointed at her shoes. "Iyang sapatos mo, may lisensiya ba 'yan kapag nakadisgrasiya 'yan?"

Ito naman ang ngumisi. "Piyansahan mo na lang ako kapag nakulong ako dahil dito."

"Sure, by all means. Gusto mo samahan pa kita sa loob ng kulungan," natutuwang sagot niya. Pakunwaring yumuko siya upang paunahin ito sa paglabas ng bahay. Only to utter another curse in his mind. See-through din halos kalahati ng likod ng damit nito. Heat enveloped his entire being.

"Down boy," mahinang utos niya sa sarili. Mahinang-mahina iyon para hindi marinig ni Luna. Pero mukhang si Hunter ang nakarinig ng sinabi niya. Tumahol ito sa kanya. He let out a frustrated sigh. "Not you, Hunter."

HEIRLOOM: My Gothic Earrings (Book 2) by: Nicka GraciaWhere stories live. Discover now