Shit!

"Elaine,"

Nilingon ko si Cheska at Hannah.

"Umuwi na rin kayo, i-uuwi ko na siya lasing na." Sabi ni Ryke.

Piling naman nito.

"Ako na lang po sir ang maghahatid sa kaniya."

Napatingin ako kay Ezra, narito na rin ang tita lumapit sa amin.

"Ryke, si Ezra na ang bahala sa kaniya."

Sabi nito at hindi ko 'yun nagustuhan kaya kahit naiinis ako dito kay Ryke ay kailangan ko 'tong gawin.

"Yeah, uuwi na ako. Si Ninong na maghahatid sa akin dahil need niya rin makausap parents ko." Pagsisinungaling ko.

"Ok, beh. Ingat ka, kay Ezra na lang kami sasakay."

Sabi ni Cheska pero nakita ko na ngumiti ng nakakaloko si Cheska at Hannah.

"I'm sorry, ihahatid ko muna siya."

"Ok, babalik ka ba?"

Napatingin ako sa dalawa na 'to at naiinis ako dahil pakiramdam ko ako pa ang kontrabida sa kaniya. Tiningnan ako ni Ryke.

Huwag ka ng babalik dito!

"Next time na lang, salamat sa pag-imbita."

Lihim na nagdiwang ako dahil ako ang nanalo at napansin ko na nalungkot ang tita ni, Ezra. Naglakad na kami at humawak ako sa braso ni Ryke.

"Elaine, mag-iingat. Magkita tayo sa school,"

"Ok," sagot ko lang.

Nakalabas na kami at kumalas ako agad sa pagkakahawak kay Ryke, ako na rin mismo ang nagbukas dahil inis ako.

Wala naman siyang nagawa at pumasok na rin siya pero ang tagal niya bago paandarin ang kotse.

"Umuwi na tayo." Sabi ko na hindi ko siya tinitingnan.

"Galit ka ba?"

Mahinang tanong niya sa akin pinigilan ko naman ang sarili ko na lingunin siya.

"Paano kung wala ako doon, tapos iinom ka ng ganun at-"

"Uminom ako dahil sayo!" Inis kong sagot at napahawak ako sa ulo ko dahil kumirot.

"I'm sorry."

"I'm sorry lang?" Inis kong sagot ulit at hinarap ko siya.

"Why?"

Lihim na napamura ako dahil sa sagot niya at parang gusto ko siyang dagukan sa sobrang inis ko.

"Ayoko pang umuwi." Sabi ko.

Hindi naman siya sumagot at pinaandar niya na ang kotse, nakatingin lang ako sa bintana.

"Sumandal ka para hindi ka mahilo."

Hindi ko pinasin ang sabi niya dahil naiinis pa rin ako sa kaniya. Napansin ko na ibang daan ang dinaanan namin talagang hindi niya ako pauuwiin.

Huminto kami kung saan ang condo niya at tahimik na sumunod lang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami  sa loob.

"Magpahinga ka muna dito mamaya ihahatid kita."

"Saan ka pupunta?"

Tanong ko dahil papunta siya sa pinto nilingon niya ako.

"Babalik ka doon? Babalikan mo yung babae na yun?" Gigil na sabi ko at nagsalubong ang kilay niya.

"Sa ground floor lang ako bibili ako ng maiinon mo para walang tama mo."

Pakiramdam ko gusto kong magtatakbo at magtago dahil sa hiya.

"Huwag na ayoko." Sabi ko sabay talikod.

"Fine,"

Sagot niya at naramdaman ko na lang na yumkap ang braso niya sa bewang ko.

"Nagseselos ka ba?"

Mabilis na humarap ako sa kaniya at nakita ko na nakangiti.

"H-hindi! Bakit bakit ako magseselos mas maganda ako sa kaniya." Sagot ko.

"Good,"

Sabi niya na napapangiti.

"Pagkatapos ko mainis sayo ngingitian mo lang?"

Sabi ko dahil kanina naiinis pero ako ngayon ewan ko ba.

"Wala kang dapat ikainis,"

"Naiinis pa rin ako sa'yo." Sabi ko na nangingilid ang luha ko pero bago pa yun bumagsak ay agad na niyakap niya ako.

"Ano bang gagawin ko?"

Sabi niya sa akin at mabilis na hinagkan ako sa labi at napayakap na lang ako sa kaniya ng mahigpit.

"Sa akin ka na ba talaga?"

Tanong ko habang nakayakap sa kaniya.

"Yes, sa'yo na ako."

Sagot niya at mas niyakap niya ako ng mahigpit.

"Bakit kilala mo 'yung tita ng kaklase namin?"

Tanong ko at humiwalay ako ng yakap sa kaniya.

"Who? Samantha?"

"Yes, thats her." sabi ko, hindi naman sumagot si Ryke.

"Huwag na natin 'yan pag-usapan magkasama tayo ngayon."

Sabi niya at muli niya akong niyakap.

Pero bakit ganun parang may nararamdaman ako na pakiramdam ko na ora mismo ay mawawala na lang bigla si Ryke sa akin. Ayoko man isipin natatakot akong mangyari yon.


Unang Tumibok Kay NinongWhere stories live. Discover now