13

308 13 7
                                    


SAMANTHA

"Do you like her?"

Napalingon sa akin si Ezra ang pamangkin ko, dahil pansin ko na nakatanaw pa rin siya doon sa kotse ni Ryke na ngayon ay nakalabas na ng gate.

"Yes, I really like her since I see her."

"I can help you," nakangiting sabi ko at napangiti.

"How naman tita?" Hindi naniniwalang tanong niya.

"I know her family and puwede kita ilapit kay, Elaine." Nakangiting sabi ko nalaman ko ang pangalan niya at naalala ko na inaanak nga siya ni Ryke.

"Sa tingin ko hindi niya ako type," napakamot siya sa ulo.

Humawak ako sa braso niya at tinawanan ko siya.

"Suko ka na agad? Ako nga magsisimula pa lang."

Napalingon sa akin si Erza at ngumiti lang ako sa kaniya.

"Siya nga pala sino yung kasama mo tita? Ninong pala siya ni, Elaine."

"That handsome guy? Siya lang naman 'yung lalaking unang minahal ko."

"Really?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Yes, mahabang kuwento at naging kumplekado ang lahat sa amin noon, and now. Siguro ito na ang time namin sa isa't isa." Matamis ang ngiting sabi ko.

"Wow! Goodluck pala sa inyo."

"Kaya ikaw huwag kang susuko agad, gawin mo muna ang lahat hangga't may naiisip kang paraan go lang!"

Natawa siya sa sinabi ko at masayang pumasok kami sa loob.

--------

Tapos na ang party at umuwi na rin ako sa condo ko, hindi ako makatulog naiisip ko si Ryke.

Nasa condo na kaya siya? Ano kayang ginagawa niya o baka tulog na siya.

Napakagat labi ako habang nag-iisip kung tatawagan ko ba siya dahil alas diyes na ng gabi. Pero sa huli ay tinoch ko ang button tinawagan ko siya mismo sa number niya. Hindi naman ako mapakali habang nagri-ring ang cellphone hanggang sa marinig ko na ang boses niya.

"Hi," ngiting bati ko sa kaniya.

"Gabi na gising ka pa?"

Tanong niya at ewan ko bakit kinikilig ako sa sinabi niya na yon.

"Hindi ako makatulog ikaw ba?"

"I'm going home."

Napatayo naman ako dahil sa narinig ko dahil kanina pa sila umalis dahil sabi niya ihahatid niya lang si, Elaine.

"Pauwi ka pa lang? Maaga kayo umalis hindi ba?"

Kuryos kong tanong sa kaniya at hindi agad siya sumagot.

"May dinaanan ako kaya ngayon pa lang ako uuwi."

Sagot niya pero ewan ko ba hindi ako kumbinsido.

"Ok, ingat ka sa biyahe. Magpahinga ka agad pagdating mo,"

"Yeah, thanks."

Nag-iisip pa ako ng sasabihin dahil ayoko pang maputol ang usapan namin.

"Are you busy tomorrow?"

"Hindi naman masiyado."

"Can we meet tomorrow?"

Tanong ko at naghintay ako ng sagot niya.

"Ok,"

Sagot niya at napangiti ako sabay paalam ko na sa kaniya. Nakangiti ako at humiga sa malambot na kama, niyakap ko ang unan.

Unang Tumibok Kay NinongOnde histórias criam vida. Descubra agora